Chapter Three

12 3 0
                                    

Rain

"Eto na yung mga pinadala ni Tita, nandyan na lahat, pati uniforms mo and such, ah basta andyan na lahat. Matulog ka na, maaga pa tayo bukas." Kinuha ko sa kamay niya yung bag na hawak niya.

"Salamat, Kuya Sun."

"Kung may kailangan ka pa, don't hesitate to call me, katabi lang naman yung kwarto natin eh."

Tumango ako. Humiga muna ako sa kama at ipinikit ang mata ko bago ko narinig ang pagsara ng pintuan. Lumabas na si Kuya Sun.

Hayy. Mabuti naman pumayag ang mama ko na sumama ako kila Tita sa Laguna! Hindi ko makikita ang ex ko na kasama ang babae na yun.

Kaya ko sinasabi to hindi dahil bitter parin ako, ayaw ko lang silang makita dahil baka kung ano nanaman ang gawing pambabaliktad nung babaeng yun sakin pagdating kay Lance. Siguro nga ngayon, kung ano ano nang sinasabing kasinungalingan nung babaeng yun! Hayy nako!

Pero hayaan mo na, isipin na ni Lance kung anong gusto niyang isipin sakin. Kung maniwala siya sa babae niya, edi okay. Anong magagawa ko? Naniwala na nga siya nung una eh, ano pa ba sa tingin ko ang mangyayari? Diba?

Pinilig ko ang ulo ko. Gah! Why do you keep thinking of him?

Di pa yata ako nadala na nasaktan ako sa kaniya. Ano ba Rain! Wake up! Kalimutan mo na ang lalaking iniwanan ka lang ng walang pasubali! Iniwan ka lang ng wala manlang balita sa kaniya, iniwan ka niyang hindi ka na niya mahal, at iniwan ka niya dahil may iba na siya. Enough being martyr.

Ano pa bang mahirap intindihin dun, Rain? In short, iniwan ka niya para sa wala. Biglang BOOM! Nawala, para lang siyang isang bula. Tapos ikaw, ikaw na iniwan niya, siya parin ang iniisip?

I sighed. Siguro nga kailangan ko nang pahinga. At iyong pahinga na iyon, walang Lance. Tamang tama lang na mag stay ako sa Laguna together with Tita, Tito and Sun. Mabuti nalang din at pumayag si mama.

Napaupo ako sa higaan at napasampal nalang ako sa muka ko.

Bumukas ang pintuan at nakita ko na sumilip si Kuya Sun.

"May I come in?" He asked. Napatango naman ako at pumasok na siya na may dalang cup and saucer. Ako naman, tumayo para isarado ang pintuan na iniwan niyang bukas. Tsk.

Nilapag ni Kuya Sun yung cup sa bedside table katabi ng lamp shade.

"Iniisip kong hindi ka makakatulog ng maayos. Wanna know why?" Napailing ako sa tanong niya sabay upo sa dulo ng kama.

Napangisi siya at umupo rin katabi ko. Nakangiti siya sakin ngayon na akala mo walang nangyaring kasalanan sakin kanina at parang walang masakit sa kaniya. Psh.

"You're still thinking of him." Siguradong sigurado siya sa sinabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Thinking of him?" Umayos ako ng upo at humarap kay Kuya Sun. "Wala akong ibang ginawa kundi ang kamuhian siya dahil sa ginawa niya, tapos thinking of him? Am I stupid? The heck! Bakit ko siya iisipin diba?"

Napailing siya habang nakangiti, "Why do you get mad when our topic is about him?"

My jaw dropped. Napahinto ako at napayuko nalang sa tanong ni Kuya Sun. Oo nga naman, bakit kapag ang usapan ay tungkol kay Lance parang hindi parin ako move on sa kanya?

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon