Chapter Nineteen

14 0 0
                                    

Rain

"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat kong tanong sa kaniya. Sino ba naman kasing hindi magugulat, diba?! As far as I know nandun siya sa kanila ni Kuya Sun. How did he know my house?

Nakaramdam ako ng pagsiko ni mama sa braso ko. Iritada kong tiningnan si mama. "Ano ba! Ganyan ka ba sa bisita?" Bulong sakin ni mama. "Ahh iho, pasok ka muna." Sabi ni mama kay Christian.

What the! What's happening?!

Tiningnan naman ako ni Christian and he smirked at me bago ako nilagpasan. Nakakaasar!


Hinayaan ko na lang yung mga kaingayan ng baae sa labas. So what? Titigil din yan mamaya, tingnan mo.




Sumunod nalang ako sa kanila at nakita ko naman ang pang aasar sakin ni Christian. Kinikindat kindatan pa ako. Seriously? Akala ko ba silent type siya? Bakit napaka mapang asar niya? Anong nangyari? Saka.. Bakit ba ang dami agad niyang fangirl sa labas? Ano ba siya? Artista? Putek.

"Jusko ang ingay ingay sa labas. Rain tumulong ka sakin dito at huwag kang tumayo lang. Asikasuhin mo ang bisita mo dito." Sabi naman ni mama sakin. "Paaalisin ko lang yung mga babae sa labas." What the heck!

Napalingon uli ako kay Christian at binehlatan niya naman ako. Seriuosly? May ganito pala siyang side? Bakit hindi siya ganun sa kanila?!

Pumunta na ako sa kusina at hinanda na yung mga kailangan para sa meryenda o umagahan nitong bwisita. Si mama naman, ngayon ay nagpapaalis ng mga babae sa labas. Walanya! Ako nga di pa nag umagahan, inuna niya pa yung lalaki na yon! Ako na anak niya, pinapaghanda pa. Yung totoo? Si Christian yata ang tunay na anak ni mama. My gab peepel.

"Ay nako ang daming tao sa labas talaga, mabuti at umalis na." Napatingin ako kay mama nung papunta na siya dito. "Naku anak ha! Mamaya boyfriend mo na pala, di mo lang sinasabi sakin. Sa akin anak okay lang na magka boyfriend ka ha--"

"Ma hindi ko siya boyfriend. Promise!" Sabat ko agad. Kinuha ko na yung plato na may lamang sandwich na gin-prepare ko. Gusto ko na muna iwasan si mama katatanong, baka ano pa lumabas sa bibig niya. Daldal kasi eh.

Pumunta na ako sa sala at naabutan ko dun si Christian na nakatapat ang camera ng cellphone sa direksyon ko. And now I realize, pinicturan niya pala ako dahil nagflush yung camera niya.

"Hoy Christian burahin mo yan!" Binaba ko muna yung plato sa lamesa na may lamang sandwich at tumakbo ako papunta sa kaniya. "Akin na yan! Isa! Burahin mo!"

Pilit kong kinukuha sa kamay niya yung cellphone niya pero di ko maabot eh. Masyadong mahaba ang kamay niya at ang lakas pa.

"I don't want." Sabi niya. 😭

"Akin na kasi! Isa!"

"Dalawa."

"Namaaan! Akin na kasi! Di kita pakakainin!"

"Di ko buburahin to."

Nakakainis na siya ah! Masyadong feeling close!

"Kapag di mo yan binura..."

"Ano?"

"Di kita tutulungan mag enroll sa pacific."

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon