Chapter Twenty Six

16 1 0
                                    

Rain


"Tagal naman ng lalaki na yon! Masyado bang mabigat yung band aid?" Bulong ko sa sarili ko habang kinakamot ang likod ng tenga ko. Kanina ko pa siya binibilangan eh.






"Sige tol! Una na kami!"



"Gesge! Oyy ah! Si Lalaine pre! Ang ating princess! Ingatan mo yun ah!"




"Oo na! Marunong pa kayo sakin! Haha. Ge mga tol!"




Nakarinig ako ng familiar na boses. Gusto ko sanang tingnan kung sino pero biglang kumirot yung tuhod ko. Ang sakeeet! T____T




"Anobeeeey..." Bulong ko habang hinihipan yung tuhod kong may sugat. Nagdudugo na siya ng kaunti, unlike kanina na wala namang nangyari.




Bakit ba kasi ang tagal niya?? Christian Morales! Argh!




"Rain?" Napaangat ako ng tingin. At... nakita ko si Lance na papalapit sakin.




Mabilis siyang pumunta sakin halos patakbo na nga eh, "Rain, anong ginagawa mo dito? At..." Napatingin siya sa sugat ko at umupo pa siya sa harap ko. "Anong nangyari? Nadapa ka ba?"




Napalunok nalang ako. Hindi ako mapakali. Ayaw ko siyang nandito, ayaw ko siyang makausap. Pero kasi kung patuloy parin ako sa ganito, talagang hindi ko mapapakawalan yung inis at galit ko sa kaniya.



Eh ano nga bang dapat kong gawin? Hahayaan ko nalang ba yung ginawa niya sakin? Kaso, hindi madali.




Hindi madaling kalimutan. Nasaktan ako eh, hindi na nga siguro maaalis yun sakin eh.



"Ihahatid na kita." Pinigilan ko siya nang kakargahin niya ako.



"No! I-I mean.. M-May kasama ako.."



Biglang naglaho yung excitement sa mata niya at napalitan yun ng disappointment.
"G-Ganun ba? Eh sino?"




"Boyfriend niya, bakit? Is there any problem with that?" Napatingin kami sa gilid namin at nakita ko dun si Christian na nakamake face lang. A-Ano daw? Boy...friend? Tiningnan ko ang reaksiyon ni Lance, di siya makatingin samin.




Di ko namalayan na nasa tabi ko na si Christian at tinulungan niya akong tumayo. "Let's go, babe."


"Ahh! Wait.."
Ano nanaman, Lance?!




Tiningnan ko si Lance at naitayo na ako ni Christian. "Oh, bakit pre? May kailangan ka ba sa GIRLFRIEND KO?"





Tiningnan ni Lance si Christian ng masama, naiwas niya rin naman ang tingin niya at napunta sakin. I gasped.



"W-Wala.. Sige.. I-Ingat nalang." Nauna na siyang naglakad samin at nilagpasan niya ako. Lilingunin ko sana siya ng biglang nagsalita si Christian.




"Is he your ex?" Tanong niya na ikinagulat ko.




"What?" Teka.. paano niya nalaman? Wala naman akong naikwento sa kaniya about kay Lance ah?





Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon