Chapter Ten

6 1 0
                                    

Rain

Hanggang sa matapos na nga kaming kumain nila Kuya Sun, Travis, Lola at ako, hindi parin dumadating dito si Christian. Asan na kaya siya? Ganun ba talaga siya kailag sakin? Wala naman akong ginagawa sa kaniya ah! Simula pa siya kahapon ah!

"Haaaay. Rain grabe ang sarap! Galing mo pala magluto eh!" Wika ni Travis habang hinihimas himas pa ang tiyan niya sa busog.

Si Kuya Sun naman na kanina ay mukang ayaw tikman ang luto ko dahil sa Trauma niya dati nang ipatikim ko ang niluto kong ampalaya, napatahimik din at mukang nasarapan.

"Mas masarap ka palang magluto sakin, Iha." At tumawa siya ng mahina. Napakamot ako sa batok ko.

"Hindi naman po, Lola. Hehe."

"Ate Rain-- Este Rain, turuan mo ko magluto ah? Haha. Sayang si Kuya Christian, hindi natikman ang luto mo. Tsk tsk." Napapailing na sabi ni Travis.


"Hayaan mo yung maarte na yon, gusto ata magpakamatay eh. Haha." Pag sang ayon naman ni Kuya Sun.

"Hay nako kayong mga bata kayo, sige na. Magpapahinga na muna ako sa kwarto. Kayong dalawa, wag niyong paghugasin si Rain ha? Malilintikan kayo sakin. Travis, pagdating ng kambal mo, sabihin mo na maghugas ng plato ha?" Napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Lola. Nakita niya kasi akong naghuhugas kagabi, ayun! Ang pinagalitan si Christian. Hindi ko nga maintindihan nung una eh, iyon pala may mga schedule sila. Si Christian, Monday to Wednesday, si Travis naman Thursday hanggang sabado, then si Lola sa linggo.


Sumagot naman ang dalawa. Nang makaalis na si Lola, tumayo naman ako at niligpit ang lamesa.

Pinagbawalan ako ni Travis nung una, hayaan ko na daw muna sa lamesa para daw makita ni Christian na may hugasin siya. Sinabi ko naman na ilalagay ko lang sa sink, and then bahala na sila. Um-oo naman siya.

"Rain! Pag uwi ni Kuya Christian dito, sabihin mo nalang ah? May pupuntahan lang ako." Napatingin ako kay Travis pagkatapos kong uminom ng tubig.


Nakita ko siyang bihis na bihis. Naka polo siya na checkered black and white tapos naka pantalon. Saan ang punta nito?

"Oh.. Rain, bakit? Hwag mo sabihin na ikaw din?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Anong ako rin?"

"Ma inlove ka sakin. Hahaha. Biro lang, sige na. Baka naghihintay na yun dun."

"Sino?"

Bigla siyang namula at yumuko, "Eh.. ano.. si Yumi."

"Yumi?"

"Oo. Si yumi."

"Sino yun? Girlfriend mo?"

Napakamot siya sa likod tenga niya na namumula na, "Sana."

Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Magtatanong na dapat ako kaso nagmadali na siya,

"Rain, pakisabi nalang ah? Salamat!" Tumakbo na siya papunta sa pintuan at nagsuot ng rubber shoes niya. Mukang madaling madali ah?

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon