Chapter Thirty Five

9 0 0
                                    

Rain

"Lil sis, pwede bang kainin mo muna yang pagkain mo bago ka magtingin ng magtingin diyan sa cellphone mo?" Suway sakin ni Kuya Cloud habang kumakain kami ngayon dito sa jollibee. Nakarating na nga pala sila kanina lang at pagdating na pagdating nila, inaya ako kaagad ni Kuya Cloud na magdate daw kami. And oh, oo nga pala, valentines kasi ngayon kaya eto, tinutupad ni Kuya ang sinabi niya na magdate kami. Pinanindigan niya eh.

Isang linggo na ang lumipas simula nung sinabi sakin ni Christian na gusto niya ako. Hanggang ngayon, nasa isip ko parin ang expression ng muka ni Christian nang sabihin niya sakin na gusto niya ako. Nagulat talaga ako sa sinabi niya, hindi ko iyon inaakala. May gusto siya sakin? Talaga?

Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko iyon. Katulad ngayon, napapangiti talaga ako dahil iniisip ko iyong sinabi niya. Gusto ko rin ba siya? Ewan ko, naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko ngayon.

Lumawak ang ngiti sa labi ko nang biglang magvibrate ang cellphone ko, nakita ko palang ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko, napapatalon agad ako. Hindi lang pala ako, pati puso ko, chareng! Haha.

Bubuksan ko palang yung text nang biglang inagaw sakin ni Kuya Cloud ang phone ko.

"Hey!" Reklamo ko. Bigla namang nagsalubong ang kilay ni kuya.

"Mamaya na ang text, lalangawin yang pagkain mo, sige ka."

"Pero kuya--"

"Boyfriend mo ba katext mo?"

"Hindi ah!" Tanggi ko agad. Hindi naman talaga diba? M.U palang kaya. Tiningnan naman ako ni Kuya ng makahulugang tingin.

"Manliligaw?" Magsasalita palang sana ako nang magsalita na siya kaagad, "Kung may manliligaw sa'yo, idaan mo siya sakin nang makilatis ko yan ah! Saka sabihin mo dun kamo siya sa bahay manligaw sa'yo, di ko siya papayagan kung hindi mo siya madadala sa bahay. Is that clear?" Para siyang isang teacher kung pangaralan ako kaya naman napa-pout nalang ako. Pero, ibang klase tong si Kuya Cloud ah! Talagang ramdam ko ang pagpoprotekta niya sakin, that's why I'm blessed that I have him.

***

Gabi na nang makauwi kami ni Kuya sa bahay at nadatnan namin si Mama at papa na nasa sala habang nanonood ng TV. Mali, tulog na pala silang dalawa. Nakapatay pa nga ang ilaw eh at tanging ang ilaw nalang sa TV ang nagpapaliwanag dito sa bahay.

"Lil sis.. Oh! Akyat ka na sa kwarto mo, dahan dahan lang ah? Baka magising sila papa." Sabi ni Kuya sabay abot sakin ng cellphone ko. Oo nga pala, nakalimutan kong nakay Kuya pala ang cellphone ko. Kanina pa ako hanap ng hanap sa bulsa ko pero wala.

Tumango nalang ako at dahan dahang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Narinig kong tinawag ako ni Kuya ng mahina kaya nilingon ko siya. I raised my eyebrow.

"Dadalhan nalang kitang gatas sa kwarto mo." Mahinang sabi niya na sapat lang para marinig ko. Napangiti nalang ako at tumango pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. Nang nasa kwarto na ako, nag half bath muna ako at nag tooth brush pagkatapos ay humiga na ako sa kama.

Hindi ko mapigilang di mapangiti kapag naaalala ko talaga si Christian. Hindi ako makapaniwala na sa isang katulad ko pa siya magkakagusto. Nawala ang pagdedaydream ko nang maalala kong nagtext nga pala siya kanina, hindi ko pa pala iyon nababasa!

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko na nasa taas pa pala ng TV. Pag ilaw na pag ilaw ko ng screen, tumambad sakin ang 21 messages at 8 missed calls ni Christian! Take note, kay Christian lahat! Wadapak!

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon