Chapter Nine

5 1 0
                                    

Rain

Nakabihis na ako nang bumaba ako sa sala. Tinali ko muna yung rubber shoes kong black habang nakapatong ang paa ko sa upuan.


"Are you ready?" Tanong ni Kuya Sun sakin nung paglabas niya sa kitchen na may dalang dalawang tumbler na may lamang tubig.

Napatango naman ako habang nakangiti at binigay niya sakin yung isang tumbler.

Sabay kaming lumabas at naglakad muna kami. Stretching lang kung baga.


Ang lamig ng hangin ngayon at medyo madilim pa. Alas singko palang kasi. Pero kahit na ganun, may nakikita parin akong ilan ilan na nagjojogging din. Nakakatuwa naman ngayong araw na to! Parang feeling ko maganda ang magiging pasok sakin ng Tuesday ah!


"Wait," Ani Sun at huminto. Napahinto din naman ako at nilingon siya.


"Bakit?" I asked him.



"We need to wait Christian here. Nakalimutan ko, sasama nga pala siya."


Umupo siya sa isang bench na malapit lang sa kinalalagyan namin. Wait, what? Si Christian? Sasama samin? The heck!



Nakanganga na ang bibig ko ngunit tinikom ko lang iyon, ayaw ko na nga lang magsalita.



"Uuna nalang pala ako. Uuwi na ko." Napakunot ang noo ni Kuya Sun.



"Uuwi? No way, Rain. Andito ka na lang rin naman, di mo pa ituloy? Bibitaw ka agad?"



I smirked, "Hugot?"



Nagloading pa sa kaniya yung sinabi ko nung una pero napangisi lang siya nang mapag alaman ang sinabi ko.



"Don't worry, I won't stole you're line." Napatango nalang ako at umupo sa tabi niya.



"Sige na nga. I'll stay here." He patted my head.



"Good."



"Oo nga pala, bakit mo pala ako sinama?" Tanong ko sa kaniya. Nung nasa kanila kasi ako, nagjojogging siya nun madaling araw palang, hindi manlang ako sinasama. Yun yung time na doon ako nag stay.




He shrugged. "I talked to Christian, he says he don't like you to be here."


Napanganga ako sa sinabi niya. Ayaw niyang nandito ako? Bakit? Gusto ko bang nandito din ako? Leshe! Mas maigi nang si Travis nalang ang nakilala ko eh. Naalala ko tuloy yung sinabi niya na he's not interested, aba! Nakakabastos kaya yun sa part ko! Di niya alam kung gaano ako napahiya nun sa loob loob ko. Badtrip lang!



Napatango ako, "Oh? Edi meow!"


I heard Kuya Sun smirked, "Kaya nga sinama kita dito eh, Para lang makapag bonding ka with him."



"What?! Hell! I don't like! Uuwi na ako!" Tumayo na ako at aalis na sana nang paglakad ko, one step palang, nakita ko na agad si Christian na nagjojogging na papalapit samin di kalayuan.




Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon