Chapter Twenty Two

13 0 0
                                    

Rain


Nakatingin lang ako sa kaniya habang hawak ang damit sa bandang dulo, at siya naman ay hinawakan din ang dulo nun. Kumbaga para naming pinag agawan ang damit.

"Pati pala damit, aagawin mo pa sakin?" Mataray kong sabi sa kaniya. Ngayon free naman na siguro akong gawin kung anong gusto kong gawin sa kaniya, diba? Wala akong pakialam kung malaki na ang tiyan or whatsoever.

"Ano nanamang gusto mong ipalabas, Rain?" Depensa niya sakin at tinarayan din niya ako. Ngayon ay parehas na kaming hindi nagpapatalo.

I smirked. "Ano? Patay malisya tayo dito? Ganon ba? Huh. Di malinaw sayo yung nangyari, Lalaine? Baka gusto mong isa isahin ko pa sayo lahat? Ano?! Gusto mo ba?!" Di ko namalayan na pinagtataasan ko na pala siya ng boses. To be honest, ayaw kong sabihin ang mga iyon, kaso di ko mapigilan. Alam niyo yung pakiramdam na gusto mong pumatay?! Ganun! Ganun ang feeling kong gawin sa babaeng nasa harapan ko ngayon! Naiinis ako! Oo, sabihin na natin na hindi parin ako nakamove on, pero sino ba kasing madaling makalimot diba? Yun bang parang kahapon lang ang saya saya naming magkasama, sa isang iglap, makikita ko nalang na nanlamig sakin si Lance dahil may iba na siya!

At itong babae na to ang dahilan. "I'm not blind and a masochist para hindi ko maramdaman at malaman ang pinagsasabi mo at iyong pinupunto mo, Rain. But please, I don't want to have any argument about you. Hindi ako nandito para awayin ka lang."

"Bakit? Kasi malaki na ang tiyan mo? Natatakot ka na baka mapaanak ka dito?! Anong tingin mo sakin, makikipag cat fight ako sayo?" I smirked, "Don't worry, hindi naman ako ganun eh. Mabait pa naman ako kahit papaano."

Nakita kong para siyang hinang hina at namumugto ang mata. Napansin ko rin na para siyang isang maamong aso dahil sa sobrang lanta niya ngayon.

Siguro kung wala lang akong nararamdamang inis sa kaniya, kanina ko pa siya tinanong sa kalagayan niya. But, hindi eh. Sa tuwing makikita ko siya, parang katulad lang ng inis ko kay Lance kapag nakikita ko siya. What more kung magkasama pa sila, diba?

Bigla niyang binitawan yung damit, "Sige sayo na yan. Baka sabihin mo nanaman kasing inaagawan kita, tutal nauna ka naman diyan." Aalis na sana siya pero bigla siyang namilipit sa sakit ng tiyan niya. "Ah!" Sigaw pa niya.

I really don't know kung bakit ko siya hinawakan sa braso niya at inalalayan siya. "A-Are you okay?" Tanong ko sa kaniya na may halong kaunting pag aalala.

Hindi siya nagsalita dahil namimilipit parin siya sa sakit. But then, she nodded.

"T-Thanks." Bumitiw ako sa kaniya at tinalikuran ko siya. Ayaw kong magpakita ng care sa kaniya. Pero, ano tong ginagawa ko?

Humarap ako sa kaniya. "Phone." I said at inilahad ang kamay ko. Tiningnan niya naman ako ng nagtataka na para bang tinatanong niya kung ano bang pinagsasabi ko. Inirapan ko nalang siya.

"Faster." I commanded. Binigay niya naman sakin ang phone niya at tinanggap ko yun. Pumunta ako sa contacts niya and I swear, dapat hindi ko nalang iyon ginawa.

Nakita ko yung pangalan ni Lance sa contacts niya and it hits me so hard.

Baby

Yun ang pangalan. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Lalaine na hanggang ngayon ay namimilipit parin. Pasalamat ka, Lalaine. Pasalamat ka!

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon