Chapter Thirteen

12 1 0
                                    

Rain

"Ako ang makakasama mo papunta sa St. Carlos. K-Kasi.. sinabi kong ate mo.. a-ako." Tinaasan niya ako ng kilay. Nakaupo siya sa upuan habang nagcecellphone.

"Ate?" Ngumisi siya, "I'm eighteen, and as far as I know you're only seventeen. Tapos, ate? Ikaw?"

Napalunok nalang ako. Eighteen na siya? Di nga? Eh diba .. nag aate sakin ang kambal niya? So I thought.. mas matanda ako sa kaniya.

Napakamot ako sa batok, "H-Hindi naman siguro mahahalata?"

Tumayo siya sa kinauupuan niya at nilagpasan ako. Sinundan ko naman siya ng tingin ko, papunta siya sa hagdan at humakbang. Pero bago pa siya makahakbang sa pangalawang baitang nung hagdan, nagsalita siya. "Anong oras ba?"

Nakatingin lang ako sa kaniya. Ngayon lang kami nagkausap ng hindi siya naiinis sakin. Wow, bago yon ah? Kung sabagay, may paki naman pala siya sa studies niya. "Nine daw dapat nandoon na."

"Ge." At tuluyan na nga siyang umakyat. Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko, seven thirty na pala, mukang maliligo pa ang isang yun ah.

Pumunta din muna ako sa kwarto ko para magbihis ng pang ibaba. Naka jogging pants lang pala ako. Pinalitan ko siya ng pantalon at nag T-shirt nalang na makapal. Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin.

"Ang ganda mo noh, Rain? Sayang ka Lance. Tsk tsk." Parang baliw kong kinakausap ang sarili ko. Napansin ko nanaman ang buhok ko na mahaba na pala. Pagupitan ko na kaya? Papasama ako kay Kuya Sun mamaya. Wait nga, speaking of Kuya Sun, asan nga pala yon? Wala rin si Travis. Baka magkasama ang dalawang iyon.

Titingin pa sana ako ng ibang damit ko nang mapalingon ako sa gilid. May nakita ako doong isang gitara. Naks! May gitara pala dito? Bakit ngayon ko lang nakita kung saan malapit na kaming umuwi ni Kuya Sun?

Nang mahawakan ko ang gitara, umupo muna ako sa edge ng kama at inayos ang gitara.

Tinesting ko muna at nag strum ako kung nasa tono ba. Nasa tono naman pala siya. Namiss ko rin ang tumugtog nito.

It's amazing how you can speak right through my heart
Without saying a word, you can light up the dark.

Kanta ko habang naggigitara. Pinikit ko ang mata ko at dinamdam ang pagkanta.

Try as I may I could never explain
What I hear when you don't say a thing

The smile on your face lets me know that you need me
There's a truth in your eyes sayin' you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me if ever I fall
You say it best,
When you say nothing at all

Napangiti ako habang nag sstrum ako. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakamiss kumanta. Ang tagal ko narin kasing hindi ito nagagawa simula nung.. maging kami ni Lance at simula ngayong naghiwalay kaming dalawa.

All day long I can hear people talking out loud
But when you hold me near, you drown out the crowd.
Old Mr. Webster could never define
What's being said between your heart and mind

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon