Chapter Two

9 3 0
                                    

Rain

Hindi na bumalik si Jaycee pagkagaling niya sa CR kaya nang tanungin sakin ni Kuya Sun kung nasan siya, sabi ko nauna na dahil medyo sumasama ang pakiramdam. Tsk. Halatang di makapigil si Jaycee sa kilig dito kay Kuya Sun.

Kami nalang tuloy ang nagkwentuhan ni Kuya Sun. Kung ano ano lang ang napag usapan namin, meron pa nga na tungkol kay Lance pero iniwasan ko ang usapan na yon. Kita mo nga naman ang napaka mapang asar talaga ng araw na 'yon.

"Eh Kuya Sun, anong sabi ni Tito sa'yo kagabi? May chocolates daw ba ako? Dali! Curious ako." Inalog alog ko yung balikat niya. Napatingin naman siya sakin at bumalik uli sa pagpikit ng mata niya habang naka earphone.

Nandito kami sa bus at papunta kami sa kanila dahil nandun si Tito, kararating lang galing Korea. Ohright! Napaka rich kid talaga ni Sun, kumo-Korea ang daddy niya. Appa! Charut.

Okay balik uli kay Kuya Sun. Bakit ba kasi ayaw akong pansinin nito? Bumabalik nanaman ang pagiging suplado niya.

"Sun Schofield!" Sabi ko habang kinukulbit siya. I pouted when he did not response. I remove one piece of his earphone on his ear.

"SUN!"

"What?" Irita niyang sabi sakin. Napairap naman ako. Finally! I got his attention!

"I said, kung may chocolate ba ako kay Tito? Yun lang naman tanong ko eh, tapos magagalit ka pa sakin. Ikaw pa maiirita, edi sana di mo na ako sinama at hinayaan mo nalang ako mag isa, tutal sanay naman na ako eh, yung laging naiiwan." Tumingin nalang ako sa bintana at nangalumbaba habang tinitingnan ang labas, ang bawat nilalaktawan ng bus.

Actually, joke joke ko lang yon. Pampukaw atensyon ko lang yon. Alam ko naman kasing buhay na buhay yan si Kuya Sun kapag huhugot ako eh.

I heard him sighed. See? Sasagot yan tingnan mo!

"Kung lagi kang huhugot, di ako magdadalawang isip na kausapin ang Lance na iyon at ibalik ka sa kaniya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatingin din sa kaniya. Anong sinasabi niya?! Ibibigay ako ulit kay Lance?! Gusto niya nanaman akong masaktan dahil sa lalaking yon? No way! Gusto niya ba talaga ako sa Lance na yon?

"Sige subukan mo! Ibibigay din kita kay Jaycee! Sige! Ano? Laban ka? Ha?" Buong akala ko masisindak ko siya, pero ngumisi lang ito at napailing iling saka ulit inilagay ang isang piece ng earphone niya sa tainga.

Napa pout nanaman tuloy ako. Kahit kailan ka talaga Kuya Sun! Kahit kailan ka! Amp! Nasabi ko na ba na medyo masarap batukan si Kuya Sun at ipalapa sa buwaya? Nakakaasar na kasi ang pang aasar niya, ganyan na siya simula palang nung bata kami. Psh. Mas tumindi siya ngayon.

"Bahala ka sa buhay mo, Sun Schofield. Isusumbong kita kay Tito pagdating natin dun. Tch!"

Matutulog nalang sana ako dahil medyo malayo pa naman ang byahe patungo sa kanila nang bigla siyang magsalita.

"Jaycee? I think she likes me."

***

"Rain, wake up we're here. Faster." Naramdaman ko na may tumatapik sa muka ko. Ano ba yan! Inaantok pa yung tao, gaganunin niya lang?! Psh.

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon