Chapter Thirty Nine

8 0 0
                                    

Rain

"Diba sabi mo sakin, kailangang ligawan muna kita bago mo ako sagutin?" Sabi niya sakin habang diretso itong nakatingin sa mga mata ko.

Kinakabahan ako sa kaniya lalo na nung hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinahaplos ang muka ko. Ang dami naring mga estudyante ang nakikinuod samin, si Jaycee nga naririnig ko pang sumisigaw eh. Ang babae na 'yon! Haisst.

"I don't know how to court, i don't know how to love perfectly, I don't know how to trust people again because I know they're going to leave me soon." Hinawakan niya ang kamay ko, "But when I met you, the girl whom I try to ignore when I first saw you, but it's hard to do because you're are hard headed, trouble maker, and naughty, hindi ko na alam kung papaano pa kita iiwasan."

"Wooooooo! Go, Christian!" Sigaw nitong si Kuya Sun at Jaycee, nilingon ko sila at tiningnan sila ng 'mamaya kayo sakin' look. Tumawa lang naman silang dalawa.

Binitawan ni Christian ang kamay ko, "Just stay here."

"Ha? Saan ka pupunta?"

Ngumisi siya, "Don't worry, don't be afraid.. I am not going to leave you, never." Pinat niya yung ulo ko at umakyat siya sa stage. Nakita ko rin na nandoon si Matt at kumaway pa siya sakin. Nako naman!

"Let's go, Rain.." Nagulat ako at napatingin sa kung sinong pumalupot sa braso ko, pagtingin ko, si Maika lang pala.

"A-Anong--"

"Huwag ka na magselos! Hahahaha. Ikaw naman, don't worry, di ko naman aagawin sa'yo ang Christian mo." Bago pa ako makapag tanong sa kaniya, hinila niya ako papunta doon sa nag iisang upuan na nakaharap sa stage. Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ko si Christian na nakangiti sakin habang may hawak na mikropono.

Ang gwapo niya..

Nakakainis! Ang gwapo gwapo niya!

"Upo ka na." Nginitian ko lang si Maika at pinaupo niya ako sa upuan.

Pinat niya ang balikat ko at bumukong sakin, "Wag mong sasaktan ang lalaking 'yan, ah? Mahal na mahal ka niyan."

Pinilit kong ngumiti sa kaniya bago niya ako iniwanan. Tumingin ako kay Christian nang magsigawan ang mga tao, biglang lumakas ang tibok nang puso ko nang makita ko siyang nakangiti sakin.

"Woooooo!"

"Sagutin mo na agad, Rain!"

"Rain, Rain, in love si Rain, magkaka love life na ulit!" Napatingin ako sa mga kumag na dalawa, Si Kuya Nate and Kuya Carl. Mga tumatawa pa sila. Ang hilig hilig talaga nilang mang asar! Si Kuya Brandon naman, katabi rin nila pero nakangiti lang, nagulat ako nang mag thumbs up siya sakin at ngumiti. Shems. Amfugii naman.

"May I get your attention, Miss Rain Murphy?" Napalingon agad ako kay Christian at napalunok. Madami nanaman naghiyawan nang napakagat si Christian sa ibabang labi niya. Ano bang ginagawa niya?! Is he seducting me?! Ugh! Mas lalo akong kinakabahan eh!

*guitar plays*

'Even a lover makes a mistake sometimes
Like any other
Fall out and lose his mind
And I'm sorry for the things I did
For your teardrops over words I said
Can you forgive me and open
your heart once again, oh yeah'

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon