Chapter Eighteen

11 0 0
                                    

Rain


"Oh? Anong problema mo, Rain?" Tanong ni Kuya Sun saktong sakto pag labas ni Christian at pagbaba din niya sa hagdan na may nakasalpak na headphone sa tainga niya.




Hindi niya narinig ang mga pinagsasasabi ko kay christian. Is it a good or bad? Hayy.




Umupo ako sa sofa. "Kuya Sun, nasisi ko si Christian."


Tinanggal niya ang headphone niya sa tainga niya, "What? Pardon?"




Sinamaan ko ng tingin si Kuya Sun. "Joke.. Joke lang. Eto naman, I heard all of your conversation, Rain."



"A-All? Eh.. Nakaheadphones ka ah?"



"Yes. But the question, naka on nga ba?"



Gusto kong mag wala sa sinabi ni Kuya Sun! WAAAAAAAH! Nakakainis! Asan na ba kasi ang diary ko! WAAAAH! GUSTO KO MAGBASAG NG PLATO! Nagagalit ako.




"Sinisi mo siya kasi baka nasa kaniya ang diary mo? Your hatred entry? Right?" I just nodded and I pout. Tinabihan ako ni Kuya Sun sa upuan.



"I think you have to apologize." He said na ikinabigla ko.





"Mag-sosorry ako?! Bakit!?"



"Rain you need to accept the fact na ikaw parin ang mali, you blame it on him without concrete evidence na siya nga ang kumuha. Look, he said that he's no idea if the notebook you're pointing is a diary, it's a question, Rain."





"But--"


"Just talk to him and apologize. As simple as that. No buts."




I sighed. Namiss ko rin ang mga payo sakin ni Kuya Sun. Kaso ngayon, mukang gusto ko na itigil ang magpayo! Hmp! "Bahala ka nga diyan, Kuya Sun!" Kinuha ko yung unan sa gilid ko at hinampas sa muka ni Kuya Sun. Tumakbo na ako palabas bago pa ako maabutan ni Kuya Sun. Hahaha! Pero atleast, medyo gumaan pakiramdam ko. Okay sige, kailangan ko lang naman na may magpush sakin na mag sorry ako sa kaniya eh, okay. Yun naman ang intensiyon ko talaga, mag-sosorry ako. Di naman ganun kataas ang pride ko.





Dumaan muna ako sa 7/11. Good thing medyo nakabisa ko na ang daan dito, remember? Ginala ako ni Travis nung time na wala pa silang game nung liga nila. Pumasok ako sa loob ng 7/11 at bumili ng .. Hmm? Teka nga.. Ano bang gusto nung lalaki na yon?




Teka nga.. Tawagan ko nga si Travis.




Calling.... Travis pogi ever



Ang leshe talaga ng name niya dito. Hahaha. Patawengs.



Bigla niyang sinagot yung tawag,
[Oh Rain, why oh why?]




Di ako makapagsalita. Ano bang sasabihin ko? Ano bang itatanong ko? Sasabihin ko bang, ano bang mga gusto ni Christian? Pang peace offering lang. Ganun ba? Aish. Baka kasi mamaya mang asar ang lalaking to. Grabe pa naman mang asar.




Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon