Chapter Forty One

7 0 0
                                    

Rain

"Oh eh anong nangyari? Nasaan ba yung picture? Sigurado ka ba? Kamukang kamuka mo ba talaga?" Sunod sunod na tanong sakin ni Jaycee habang kumakain kami dito sa ice cream parlor.





Kinuwento ko kasi sa kaniya yung nangyari kahapon. Yung nakita ko yung picture nung Ellaine habang kasama si Christian.



"Hindi naman sa kamukang kamuka, but.. may pagkakahawig. Pero ang ipinagtataka ko, Jaycee.. bakit ganun nalang ang naging reaksiyon niya nung hawak ko ang picture? Baka kasi.. baka kasi niloloko lang ako ni Christian. Baka iyon yung mahal niya at hindi ako."



Bumuntong hininga si Jaycee at hinawakan ang kamay ko na nakalapag lang sa lamesa, "Alam mo, huwag muna tayong mag jump into conclusion na baka iyon ang mahal niya, o bago niya ba 'yon. Malay mo naman importanteng tao lang talaga para sa kaniya."



"Bakit ako hindi ba importante sa kaniya?! Nakakainis! Nakakainis lang eh! Tapos kagabi hindi pa nagtetext!"



Natawa siya bigla sakin kaya inirapan ko siya. Mukang mali yata ako ng kinausap. -_-



"Rain.. wala ka bang tiwala kay Christian? Muka namang mahal ka nung tao eh."




"Tss, mahal niya muka niya." And for the nth time, tumawa nanaman siya.



"Pambihira naman kayong dalawa, kakasimula palang ng relasyon niyo nung isang araw, away agad kayo?"


Wow. Nahiya naman ako sa kanilang dalawa ni Sun na hindi nag aaway! Pambihira. -_-



"Edi wow, Jaycee."




"Pero seryoso, Rain. Wag mo nalang yun intindihin. Tamang hinala ka rin eh!"




Bumuntong hininga ako. Siguro nga tama siya. Wag ko nalang pansinin iyon, basta makikipagbati na ako sa kaniya. Hayy, mabuti nalang at naka usap ko tungkol dito si Jaycee.





Nagpaalam siya sakin at iniwan niya ako dito na mag isa kasi daw nagkaproblema sa kapatid niya. Oo nga pala, di ko pa nakikita 'yong kapatid niya. Kailan ko kaya iyon makikita?




Inubos ko na muna ang ice cream ko at nag iwan ng pera sa lamesa--- Tss. Iniwan ako ni Jaycee dito na walang binibigay na pera pambayad manlang sa banana split niya! Talaga ang babae na 'yon.





Patayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko nang may humawak sa braso ko, nang lilingunin ko na sana kung sino iyon bigla niya nalang akong niyakap.





"I'm sorry, Rain. I'm sorry.." Yung inis ko, biglang naglaho lahat. Simula kagabi hanggang kanina na kausap ko palang si Jaycee, nawala agad. Isang yakap lang ni Christian sakin..





"Christian.." Pilit ko na siyang tinutulak ng bahagya dahil nahihiya na ako sa posisyon namin. Ang dami naring tao na nakatingin saming dalawa, yung iba nga mukang vinivideohan pa kami.






"I don't care if they're seeing us in these position, I want to stay like this for a while. Please?"




"Christian kasi.." Hinigpitan niya pa ang yakap sakin kaya napahinto ako sa sasabihin ko at yumakap nalang din sa kaniya.





***



Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa kung saan. Hindi naman niya sinasabi kung saan kami pupunta, basta ang sabi niya lang maglakad lakad kami.




Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon