Chapter Fifteen

11 1 0
                                    

Rain

"C-Christian..." Tangi kong nasambit.

Nanginginig yung kamay ko sa hindi malamang dahilan. Parang may nagawa akong kasalanan na dapat pinapatawan ng mabigat na parusa. Ano bang nangyayari sakin? Para akong nanlalanta. Di ko alam.

"Aish..." Nakatingin lang sakin si Christian habang nagkakamot ng batok niya. Lumingon siya sa kasama niya, "Umuwi ka na."

Maglalakad na sana si Christian nang pigilan siya ng babae, "U-Uhm.." Tumingin ito sa akin at ngumiti, "Ikaw pala yan, Rain."

Nginitian ko naman siya. Bakit kaya ganun ang usapan nila? Saka.. magkakilala sila? Kaya ba nang magtanong ako sa kaniya nung araw na nawala ako, iba ang kinilos niya nang marinig ang pangalan ni Christian.

"Go inside, Elaine." Napatingin ako kay Christian na nagsalita at hinila niya si L-- or should I say Lexi palampas sakin. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makalayo na sila.

I sighed deeply. Biglang humangin ng malakas kaya naman nakaramdam ako ng lamig. Nirub ko yung braso ko at naglakad na papunta sa loob.

Bakit ba kasi ako naghihintay sa kaniya? Tsk. Makapasok na nga lang sa loob.

***

Nakaupo lang ako sa kitchen habang hawak ang isang basong tubig na nakalapag sa lamesa. Hindi kasi ako makatulog kaya nagpapaantok lang ako.

Bakit kaya hindi ako makatulog? Tsk. Kanina lang inaantok na ako pero bigla kong naisip ang usapan nila Christian at yung babae. Lasing daw? Bakit daw ginawa iyon at hindi sinasadya na mangyari?

Napahawak ako ng mahigpit sa baso. Sandali nga lang..

What's for being curious? Bakit ba iniisip ko pa yon? It's not actually my business though, and also wala naman dapat akong pakialam doon.

Nakarinig ako ng kalampag ng pintuan kaya naman napatingin ako doon. Napatigil si Christian nang makita niya ako.

"Aish..." Napapikit pa siya at nagkakamot ng ulo habang papalapit sakin. "What are you doing here?" Parang pagalit niya pang tanong sakin.

Sinundan ko siya ng tingin habang papunta siya sa ref at kumuha ng isang bote ng fresh milk. Umupo siya sa upuan na katapat ko lang.

Napalunok nalang ako nang bigla niya akong titigan. Para bang kinikilala niya ako.

Halos atakihin ako sa gulat nang kalampagin niya yung lamesa ng palad niya.

"Ano ba, Christian?! Tulog na sila!" Pabulong ngunit pagalit kong sabi.

He then smirked, "I'm asking you, why are you still here? Huh?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ikaw ba? Pinakialaman ko at tinanong ko kung ano ang pinag usapan niyo kanina ni L-Lexi?"

Binaba niya ang hawak niyang bote ng gatas sa lamesa at masamang tingin ang pinukol sakin. "Hinihintay mo siguro ako no?"

Di ako nakapagsalita kaagad dahil sa tanong niyang yon at napayuko nalang. "Hinihintay? Anong klaseng pag iisip meron ka? Bakit naman kita hihintayin dito? Ano ba kita? Tss."

"Well, you don't have to answer it. Ganito nalang," napatingin ako sa kaniya. "Just forget what you saw and what your hear a while ago."

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon