Chapter Seventeen

10 0 0
                                    

Rain

Namulat nalang ang mata ko na kulay puti ang nakikita ko. Asan kaya ako? Ang sakit ng ulo ko. Tsk. Hindi naman ganito ang kulay ng kwarto ni Christian ah?



Bago pa ako makapag isip, nakita ko agad si Christian na nasa sofa at nanunuod. Teka.. Hospital ba to? Hala?


"Gising ka na pala." Sabi ni Christian na nakatingin parin sa TV. Tiningnan ko ang pinapanuod niya, psh! Basketball. :(




Pinatay niya yung TV at lumapit sakin. Napalunok ako sa paglapit niya. Bakit ganun? Kinakabahan ako sa kaniya?



"Are you hungry?" Tanong niya pagkaupo niya sa gilid na upuan ng hospital bed na pinaghihingaan ko ngayon. "What do you want to eat?" Tanong pa niya.


Ang lapit lapit na ng muka niya sakin kaya nagwawala nanaman tong puso ko. Yung mga mata niya, sa mga mata ko lang nakatingin. Parang hinihigop ng mata niya ang mata ko na wag lumihis ng tingin. Pambihira! Ano tong iniisip ko?



Nagulat ako sa inaasal niya. Bakit siya na ngayon ang mapagtanong at ako ang naging silent type? Ano yun? Nagpalit ba kami ng kaanyuan? Ganito ba epekto ng naospital? Ang galing naman pala. Tatahimik naman pala ako kapag naospital ako eh. Hayy..



"Aray!" Reklamo ko. Aba! Pitikin ba ako sa noo!

He smirked, "I told you. Are you hungry? What do you want to eat? I buy."


Whuuut? Si Christian ba talaga to? We?? Di nga? Bakit.. Bumait yata? Anong nakain nito? O siya dapat ang tinatanong ko kung nagugutom ba siya? Wala sa katinuan eh. Hayss..



Nakataas ang kilay niya sakin na para bang naghihintay ng sagot ko.



"A-Ano.. French fries." Sabi ko nalang.

Napakagat ng labi si Christian na para bang nagpipigil ng tawa. Nilayo niya rin ang muka niya sakin at napahawak ang index finger niya sa labi niya. What?! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? At bakit ang sexy niya sa ginawa niyang iyon? At... Bakit ganito ako mag isip? Waaaah! Madumi ang utak.


He cleared his throat, "French fries? Do you want to die that fast? Marami ng ingredients iyon na hindi nakabubuti sa katawan, and one thing, yung mantika nun, paulit ulit lang na ginagamit. Did you understand me? Eat healthy foods."


Halos mapanganga ako sa sinabi niya. A-Ang haba ng sinabi niya eh. Grabe! First time yon! Dapat pala nirecord ko. Tsk. Teka.. Asan nga pala ang phone ko?



Biglang tumayo si Christian using his... pokerface expression again. Nag bago nanaman, is he bipolar? "I buy you fruits. Hintayin mo ko." Malamig na boses na sabi niya at lumabas na ng room ko.



Naiwan ako na napatahimik. Bakit ganun yun? Anong nangyari kay Christian? Bakit hindi nagsusungit ang isang yon?


Bahala na nga. Ayos na na ganun siya kesa sa magsungit siya sakin na akala mo araw araw ako may atraso sa kaniya.


May nakapa akong matigas na bagay sa gilid ko, pagkakita ko, remote pala. Pasaway na lalaking yon, iniwanan ako ng remote? Pero, good thing. Makakanuod ako. Wahaha.


Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon