Chapter Forty Two

12 0 0
                                    

Rain


"HAPPY BIRTHDAY!"


Sabay sabay naming sigaw nang nakarating si mama dito sa bahay. March 11 na ngayon, at yung pagdalaw sana namin ni Christian sa laguna ay hindi na natuloy, sinabing katapusan eh. Hindi tuloy nangyari. Haha.



Nagulat naman si mama at nabitawan ang paper bag na hawak niya at napatakip ng bibig niya.



Lahat naririto, sila Papa, Kuya Cloud, Christian, si Jaycee, Kuya Sun, at yung dalawang itlog na sina Kuya Nate at Kuya Carl, at mabuti rin naaya namin si Kuya Brandon sa pamamagitan nung dalawa.



"Hala umiiyak na tuloy si Tita!" Sigaw ni Jaycee at lumapit pa kay mama para yakapin ito. Nagtawanan naman kami.




"Isang araw lang sa isang taon ang mag birthday, kaya sulitin na, mahal." Ang sweet talaga ni papa kay mama. Haha. Si Kuya naman sumang ayon pa kay papa.




"Heto po titaaaaa! Ang birthday cake niyo! Hohoho!" Nakakaloko namang sigaw ni Kuya Nate at Kuya Carl na hawak na ngayon ang cake ni mama. Nasa lamesa lang iyon kanina ah? =_=



"Ano pang hinihintay natin??" Ani papa.




Kinantahan namin si mama ng happy birthday song. Hindi na nga siya makapagsalita eh. Hahaha. Naiiyak na kasi. Si Kuya Sun naman at si Christian, kinantahan pa si mama ng happy birthday song in Korean version.. yung san isuka ham nida ba yun? Ah basta may ganun akong naririnig at halos paulit ulit.



"Wish na mama! Saka yung blow the candle!"


Tumango naman si mama at pinikit ang mata niya tapos nagsimula na siyang mag wish, mamaya pa ay hinipan niyan na yung candle.



"Yehey!" Sigawan namin.



"Ano winish mo?" Tanong naman ni papa. Ngumiti si mama.





"Sana ay manatili tayong ganito, masaya, walang nasasaktan at humaba pa ang mga buhay natin." Nagpalakapakan naman kaming lahat. "Salamat sa inyo ha? Akala ko, wala nang makaaalala sa kaarawan ko."



"Suuuus si mama nagdrama! Haha." Sabi naman ni Kuya. Inakbayan ko tuloy si Kuya at ginulo niya ang buhok ko.



"Huwag ang buhok ko Kuya!" Nagtawanan naman sila nang nagreklamo ako.



"Edi ano pang hinihintay natin? KAINAN NAAAAAA!"





"WOOOOO!"



***

Madaming dumating na bisita ngayon, mga kakilala ni mama at papa, pati nga mga pinsan ko na minsan lang din magparamdam, nandidito rin. Hindi na tuloy magkasya sa bahay kaya nandito nalang kami sa labas. Magkasama kami ni Christian habang yung dalawa ding love bird, nagsolo. Yung tatlo naman, nandun, nilalaro nila ang pinsan kong si Paolo, 7 years old. Pinahiram ni Paolo yung dalawa ng PSP niya kaya ayun, naglaban laban sila. Sakto at dalawa yung dala ni Paolo na PSP.




"Baby.." napalingon ako kay Christian nang hawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako sa ginawa niya.



"Hmm?"

"Kailan mo sasabihin sa kanila na tayo na?" Nabigla ko sa tanong niya at medyo lumayo sa kaniya. Leshe! Oo nga pala, hindi pa alam nila mama at papa na kami na, maging si Kuya!




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon