Chapter Twenty Three

15 0 0
                                    

Rain

"Huy Rain? Wag ka ngang magtutulog. Huy! Gising!" Naramdaman ko nalang na inaalog alog ako ni Jaycee sa balikat.



"Hmmm... Ano ba.. Gusto ko pa matulog eh.." Bigla niya akong hinampas. "ARAY!" Napasigaw ako kaya naman lahat ng kaklase ko, nakatingin sakin. At ang matindi pa, pati pala si Mrs. Ebueva.



Oops?



"Ms. Murphy, what's the matter? Are you sleeping during my class?" Mataray na tanong ni Mrs. Ebueva.



Lunok. Mapapalunok nalang talaga ako.


"A-Ahh.. Eh.. Ma'am.. Sorry po, di na mauulit." Naka peace sign pa talaga ako ah! Sana naman tanggapin niya. Oh baka naman gusto niya pa na magbigay ako ng pang peace offering? Tch.



"Talagang hindi na ito mauulit. Bagong taon na, Iha! Di ka pa ba magbabago? Ha?" Biglang nagtawanan ang mga classmate ko, maging itong katabi ko, tumatawa narin. Great.




"Sorry po talaga."

"Hmm.. Sige. Patatawarin kita pero mangako ka na di mo na yon gagawin ulit. Is that clear?"


Tumango nalang ako. "Opo, sorry po ulit."


Nang irap siya sakin at tumingin sa oras, "Okay class, you may take your lunch."

Lahat na nagsigawan at nagsitayuan. Inunahan pa nila si Mrs. Ebueva palabas ng room. Pero napahinto rin sila ng tawagin sila ni Mrs. Ebueva, may sasabihin pa yata.


"Yung result ng test niyo, mamaya ko sasabihin. And, I just want to inform you that you have a new classmate. That's all." At lumabas na siya.


New classmate? Hmm.. Sana naman pwede ko yung maging kaibigan. Haha. Namumulubi ako sa kaibigan eh, nakakasawa si Jaycee. Joke! Haha. Hmm, nagugutom na ako. -_-

"Jaycee! Tara sa cafeteria!" Hinila ko siya pero bigla siyang nagpumiglas.


"Ahh... Eh... Sorry Rain, may kasabay ako eh." Tinaasan ko siya ng kilay. Aba! First time to ah!


"Kasabay? Sino yan huh? Si Kuya Sun no? Hahahaha! Ayiiie!" Pang aasar ko pa habang tinutusok ang tagiliran niya.

"Ahh.. Hmm.. Paano ko ba sasabihin sayo... Kasi.. Kasi Rain... A-Ano.. K-Kami--"


Di na natuloy ni Jaycee ang sasabihin niya nang may nagsalita na.

"Kami na ni Jaycee." Napalingon kaming dalawa sa pintuan and..









Gulay!






"K-Kuya Sun?" Gulat na gulat kong tanong. S-s-sila na?




"I'm sorry for not telling you this, Rain." Kuya Sun apologized. Umiling naman ako ng mabagal.



"K-Kailan pa?" This time si Jaycee naman ang sumagot.



Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon