Chapter Thirty Two

17 0 0
                                    

Rain

Habang yakap ko si papa, parang bumalik lahat ng alaala ko. May sakit, kalungkutan, lumbay, at siyempre hindi ko maikakaila na maging masaya. Bumalik siya, binalikan niya kami. Akala ko, hindi na to mangyayari pa eh. Akala ko, lilipas nalang ang araw na hindi ko na makikita si papa, na kung magkita man kami, baka kasama pa niya yung bago niyang pamilya gaya nga nung tinanong sakin yun ni Christian. But no, ang saya ko lang at maging maganda ang pagkikita namin ni papa.

"Yehey! Andito na nga ikaw, Rain! Ang maganda kong kapatid!" Nabigla ako nang yumakap din samin yung lalaki kaya naman napahiwalay ako.

"T--Teka! S-Sino ka ba kasi?!" Tanong ko dito at di ko alam na naitulak ko na pala siya sa pagkakaalis ko sa yakap. Maging si papa din siyempre, natulak ko.

Ngumiti siya sakin, "Ako si Cloud. Ikinagagalak kong makilala ka, mahal kong kapatid." Inilahad niya pa ang kamay niya sakin. Kinunutan ko lang siya ng noo at napatingin nalang ako sa gilid ko nang may kamay na pumatong sa balikat ko, at iyon ay si mama na nakangiti sakin.

"Pumasok muna kaya tayo?" Sumang ayon naman sila papa at si Cloud na kapatid ko DAW. Seryoso? Kapatid ko siya? Di ako makapaniwala! Bakit ang gwapo niya?

Pumasok na nga kami sa loob at pagpasok namin, nagulat ako nang inakbayan ako ni Cloud. "Lil sis, simula ngayon tawagin mo na akong Kuya ah?"

Nakangiti pa ito sakin at ginulo ang buhok ko. Shit! Kuya ko talaga to? Nakakainis! Naka-crushan ko siya dahil ang gwapo niya! Ang bango bango pa! Tapos, Kuya ko talaga siya? For real? Parang hindi ko naman alam na may kapatid ako, ah? Hindi kinuwento sakin ni mama o sinabi man lang. O baka naman, kapatid ko lang siya kay papa?

"Cloud, wag ka munang ganyan. Naninibago pa siya sa ngayon. Okay?" Sabi naman ni papa kaya tumigil ito.

"Rain, may ibibigay pala ako mamaya, ha? Tapos gala tayo. Ha? Ha?" Parang batang sabi niya at umupo siya sa may sofa. Ay hindi pala umupo, humiga pa siya at inunan ang kamay niya.

"Maghahanda lang muna ako ng makakain niyo." Tumayo si Mama at pumunta sa kusina. Since, wala nang espasyo sa sofa dahil kay Kuya Cloud, kumuha nalang ako ng monoblock malapit sa pintuan ng bodega. Pagbalik ko, ipinwesto ko iyon malapit kay papa.


"Rain, anak, kamusta ka naman? Ang.. pag aaral mo?" Nginitian ko si papa.


"Okay lang po. Pumasa po ako kahit papaano papa."

Bumuntong hininga siya at ngumiti ng mapait, "Dalaga ka na Rain. Pasensya na kung hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo, anak." Naging seryoso ang muka niya at hinawakan ang kamay ko, "Akala ko... kapag makikita mo ako, matutulad ako sa iba na kinamuhian at pinagtatabuyan ng anak nila, hinahayaan nalang at walang pakialam kung may mangyari mang masama sa magulang niya, sasabihan ng kung ano anong masakit na salita at kung ano pa man." Napahinto sa pagsasalita si papa at ngumiti sakin, saka ko lang napansin na nangingilid na pala ang luha niya sa mata niya. "Pasensiya na anak sa pag iwan ko sa inyo ng mama mo."

Napatahimik siya at pinunasan niya ang luha sa mata niya. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak pero bigla nalang bumuhos ang luha ko.

"Eto lil sis." Tumingin ako sa hawak ni Kuya Cloud na nasa tabi ko na pala ngayon. Inaalok niya sakin yung box of tissue. "Stop crying, Rain. Okay? Ayaw ng Kuya mo na nakikita kang umiiyak. Kakarating lang namin, mag iiyakan pa ba tayo dito?"

Ngumiti ako ng mapait at umiling. "S--Sorry papa, K-Kuya..?"

Ngumiti sakin si Ku..ya Cloud at pinat ang ulo ko at nginitian ako. Si papa naman, kumuha ng tissue na hawak ko at pinahid niya iyon sa pisngi ko. Ngumiti ako kay papa.

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon