Chapter Thirty Three

15 0 0
                                    

Rain

Ilang araw na yung lumipas simula nung binigay sakin ni Kuya Cloud yung ticket papuntang America. Sa May pa yung ticket na iyon at February palang ngayon. Hindi nila sinabi sakin na napag usapan na pala nila iyon at ako nalang ang hindi pumapayag dahil ngayon ko nga lang nalaman.

Sabihin mo nalang sakin kung magbabago na ang isip mo at sigurado ka na, okay?

Yun yung huling sinabi sakin ni Kuya Cloud bago sila umalis ni papa papunta sa bahay nila sa Pampanga, sinama pa nga nila ang aso na bigay ni Kuya Sun eh, paano mahilig pala si Kuya Cloud sa aso. Hehe. Facts na yon. Anyways, doon sila nakatira ngayon at maglilipat lang daw sila dahil dito na sila titira kasama namin ni mama. Sa totoo lang, masaya ako. Masaya akong buo na ulit kami at hindi naghanap si papa ng bago dahil si mama parin ang nasa puso niya. Lahat ng inis ko dati kay papa na hindi naman ganun kalala, nawala nalang bigla ng parang bula at lahat nalang ngayon ng nararamdaman ko ay pawang kaligayahan.

Pero hindi pa ganung ganap, dahil ginugulo ni Lance ang isip ko nitong mga nakaraan. Sinubukan niyang magpaliwanag sakin dalawang araw na ang nakalipas, pero hindi ko siya kayang harapin dahil naiinis ako sa kaniya.

Sino bang hindi maiinis? Liligawan niya daw ako? Anong gusto niya? Talaga bang gusto niya makita na masaktan uli ako? Na magpakatanga uli sa kaniya? Nasisiyahan ba siya doon?

Napabuntong hininga ako dahil sa iniisip ko. Ayaw ko na muna siyang maisip. Ayoko munang pumasok sa isip ko ang pangalang Lance, ni marinig man yung pangalan niya, at lahat ng sa kaniya, ayaw ko na. Gusto ko nang ipahinga ang utak ko.

Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Pagpikit ko ng mata, biglang nakita ko yung muka ni Christian na nakamake face lang. "Shit." I cursed at napaupo ako mula sa pagkakahiga.

Speaking of Christian, simula noong nagkasama sila ni Maika, halos palagi na silang magkasama. Hindi na ako pinapansin ni Christian, at kung kakausapin man niya ako, hindi na yung tulad nung dati. Bigla siyang... nag iba.

Namimiss ko na yung pang aasar niya sakin at yung paborito niyang linya na 'are you feeling better?' Tuwing makakasalubong ko siya sa lockers, lagi siyang iiwas. Kapag tinatawag ko siya, lilingon lang sakin tapos kapag hindi ako nakapagsalita kaagad, tatalikuran niya ako. Kapag pangalawang beses ko na siyang tinawag, hindi na siya lilingon. Para bang... naging siya yung Christian dati, yung ilag sakin. Yung kapag tumingin ay parang di ako kilala.

"Dahil sa ribbon, ganun nalang? Wala na agad? Limot mo kaagad yung pinagsamahan natin?" Di ko alam na navo-voice out ko na pala yung sinasabi ko. Nakatulala din ako ng hindi ko malaman.

"Si Travis, hindi rin tumatawag.." Napayuko ako at nilaro lang ang daliri ko. Pinaglaruan ko yung kamay ko. Tss. Kambal nga talaga sila, parehas ng ugali. Kapag masaya na, hindi ka na maaalala pa. Kapag may kasama na o nalayo lang ng saglit, parang hindi ka na kilala.

Pinailaw ko yung screen ng cellphone ko at nanlaki ang mata ko nang may nagtext. Ngayon lang yata ako naexcite na may nagtext ah?

Agad kong binuksan iyon at .. hindi naman sa nadis appoint, pero akala ko kasi kay Ch-- Travis galing, kay Kuya Cloud lang pala.

Rain Hatred Entries (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon