Ginising si Arthur ng kanyang nanay. Sabado na anak! Hindi ka ba pupunta ng Indang?
Indang? Bakit po?
Anak ng... noong isang linggo mo pa ako kinukulit na magi-inquire ka sa CvSU. Ayaw mo ba?
Napatingin si Arthur sa kalenderyo. December 12, 1998. Oo nga pala. Ngayon nga pala 'yun. Teka, bakit parang napakabilis ng panahon?
Naghihintay sa plaza sina Shai at ang kanyang mga barkada. Naroon din sina Lex, Jeffrey at Ryant Roi na kasama din papunta sa Indang.
Dumating si Arthur at nagtataka. Teka. Bakit pati kayong tatlo eh nandito, tanong niya.
Dude, nakalimutan mo ba? Ikaw ang nagyaya sa amin. Parang antok ka pa yata at hindi mo na naaalala, sagot ni Lex.
Hindi matandaan ni Arthur na niyakag niya ang tatlo. Pero hinayaan na lang niya na sumama ang mga ito sa kanila.
...
Magkatabi si Arthur at Shai sa bus at hindi nagkikibuan. Napansin ito ng kanilang mga kasama.
Arthur, magakaaway ba kayo ni Shai, tanong ni Ryant Roi na nasa likuran nila.
Naku hindi, sagot ni Arthur. Binuksan niya ang kanyang bag. Laking gulat niya na nasa loob ang kanyang touch screen na smart phone, mga bagong pera at ang libro na The Time Traveller's Wife. Napatingin siya kay Shai na parang nakakita ng multo.
B-Bakit? A-anong problema, tanong ni Shai na nabigla sa ikinilos ni Arthur.
W-wala. Wala. Okay lang ako. Napabuntong-hininga ng malalim si Arthur. Napansin ni Shai na parang may itinatago si Arthur sa bag dahil mahigpit ang yakap nito dito.
Nakarating na sila sa loob ng Cavite State University. Pumunta sila sa Office of the Student Affairs Building para humingi ng application form. Sa isang kiosk ay nag-uusap sila hawak ang listahan ng mga kurso.
Lex, ano ba ang balak mong kunin sa college, tanong ng isa sa mga kasama ni Shai.
Industrial Engineering sana. Kaso hindi naman offered dito. Ikaw ba Jeffrey?
Nautical Engineering. Kaso wala din dito, sagot ni Jeffrey.
Sa ating apat, mukhang si Arthur lang ang papasok dito. Paano kasi nandito ang hinahanap niyang course na Veterinary Medicine, wika ni Ryant Roi.
Gusto ko din sana dito kaso walang course na Political Science na offered dito. Teka, nasaan ba si Arthur, tanong ni Shai.
Sa loob ng Office of the Student Affairs nakapila si Arthur dala ang mga requirements. Kailangang walang mabago sa panahon na ito, dapat kong ituloy ito, bulong ni Arthur sa sarili. Habang nasa pila ay may natanaw siyang babae sa labas na pamilyar sa kanya – si Aida na may hawak na requirements at tila may hinihintay. Gulat na gulat si Arthur. Teka, hindi ito ang lugar na una ko siyang nakita. Ang natatandaan ko ay sa boarding house kami nagkakilala.
Nang natapos magpasa si Arthur ng requirements ay hinabol niya si Aida sa labas. Doon ay nakita niya na may kasama itong lalaki at nakaakbay sa kanya. Oo nga pala, may boyfriend siya at kaka-break lang nila noong nagkakilala kami, bulong nito sa sarili. Akalain mo na makikita ko din siya dito. Natigilan si Arthur at biglang napaisip. Teka, bakit parang iba ang nararamdaman ko? Bakit mas hinahabol ko si Aida kaysa kay Shai? Kaya nga ako nag-time hop ay para kay Shai. Pero bakit ganun? Ano ba itong iniisip ko?
Biglang tumunog ang smart phone ni Arthur. Agad niya itong sinagot.
Kamusta Arthur, are you having fun, wika ng boses ng matanda sa linya.
I-ikaw ba 'yan, Manong? Nalilito na ako sa nangyayari, wika ni Arthur na may mataas na boses. Napansin ng mga ibang estudyante ang hawak niyang celphone ka hindi katugma ng Nokia 5110 at 3210 na hawak ng nakakarami.
So you finally saw Aida. How do you feel?
Manong, nagtataka ako dahil nakaka-connect ako kahit 4G ang phone ko. Pero ang ikinagulat ko ay bakit nakita ko si Aida dito?
Well, let's say that this is a test for you. Tingnan natin kung sino ang mas matimbang sa 'yo – si Shai ba na hiniling mo na makasama o si Aida na walang clue kung sino ka sa panahon na ito.
Manong, ano ba ang gusto mong palabasin?
Simple lang Arthur. Gusto kong malaman kung talagang seryoso ka sa hiling mo na bumalik dito sa nakaraan. Pero parang mali yata ang nakikita ko. Kung ako sa 'yo, puntahan mo si Shai at samahan siya. Gumawa ka na din ng paraaan kung paano mo sasabihin sa kanya ang lahat na dapat mong sabihin noon pa.
Oo, Manong. Gagawin ko 'yun.
So ano ang pakiramdam mo Arthur?
Ipinagtataka ko lang ay masyadong mabilis yata ang oras. Kahapon ay August pa lang pero ngayon ay December na.
Ganun ba? Pasensiya ka na pero hindi ko kontrolado ang oras.
Hindi namalayan ni Arthur na nasa likuran na niya si Shai. Nagtaka siya kung sino ang kausap niya. Nakita niya na kakaiba ang celphone na hawak niya.
Pambihira ka naman, Manong! Bakit kasi nag...
Naputol ang linya ng telepono. Biglang kinuha ni Shai at kanyang smart phone. Anong laruan ito Arthur?
Teka! Ibigay mo sa akin 'yan! Mahalaga 'yan. Huwag mong hawakan!
Ano ba ito, tanong ni Shai habang iniaabot ang kanyang smart phone.
Actually, camera ito, Shai
Ca-camera? Sinong niloko mo eh may kausap ka diyan? At kung camera 'yan, saan mo inilalagay ang film?
Hindi na kailangan ng film dito, Basta may memory card ka lang eh okay ka na.
Memory card? Ano 'yun?
Paano kasi, sa halip na film ay ito na lang ang inilalagay.
Inilabas ni Artur ang Micro SD sa smart phone at iniabot kay Shai. Itong liit na 'to nagkakasya ang lahat?
Oo. Ang totoo niyan, pwede kang mag-save ng pelikula at music diyan.
Habang pauwi sila ay hawak ni Arthur kanyang smart phone. Pinapanood siya ni Shai at namamangha sa hawak niya. Saan mo ba nabili 'yan? Parang wala akong nakikitang ganyan sa TV o sa mall. At tsaka bakit wala 'yang keypad tulad ng iba?
Itinago ni Arthur ang kanyang smart phone at hinarap si Shai. Alam mo, may mga bagay na dapat na di mo na inaalam. Tungkol sa gamit ko na 'to, huwag mong masyadong isipin. Balang araw ay malalaman mo din.
Ang labo mo naman. Bakit ba may mga ganyan kang dahilan? Bakit ba ayaw mong sabihin?
BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...