Nagulat si Arthur sa sinabi ni Karla. Aba? Totoo ba ito? Si Karla na matagal kong niligawan ay lalapit sa akin para maging date niya, bulong ni Arthur sa sarili.
Napatingin sina Lex, Jeffrey at Ryant Roi na nasa magkakahiwalay na lugar kina Arthur at Karla. Dude! Pagkakataon mo na, sigaw ng tatlo.
Napatingin din ang ibang mga kaklase nina Arthur at Karla sa kanila. Totoo ba ito? Talaga bang kailangang gawin ni Karla 'yun? Kapit sa patalim si Karla. Napagsawaan na kaya desperado na, bulong ng mga tao na nakapaligid sa dalawa.
Please be my date, Arthur. Alam ko na hindi ka nakalimot sa akin mula pa noong first year pa tayo. Kaya nga nandito ako para bumawi sa 'yo. I realized na sana ikaw na lang ang sinagot ko noon pa.
Naglalakad si Shai kasama ang mga kaibigan niya nang nakita niya na pinaliligiran na ng mga estudyante sina Arthur at Karla. Lumapit siya para makiusyoso.
So what's your answer Arthur, naghihintay na tanong ni Karla.
Arthur! This is your chance! Eto na ang hinihintay mo ng apat na taon, sigaw ni Ryant Roi.
Naku po. Hindi naman ito ang ipinunta ko dito eh, bulong ni Arthur. Nang napalingon si Arthur ay nakita niya si Shai. Bigla siyang nakaisip ng plano. Karla, Alam mo na matagal kitang nililigawan. Unang kita ko pa lang sa 'yo, nagustuhan na kita. Pero...
Pero ano Arthur, tanong ni Karla.
Alam mo, bago pa kita nakilala, may isang tao na unang bumihag sa puso ko. Medyo matagal na panahon na din noong hindi kami nagpansinan. Nang naging magkaklase kami, doon ko naramdaman na mas mahal ko siya sa 'yo.
Nagbulung-bulungan ang mga estudyante sa paligid at iniisip kung sino ang tinutukoy ni Arthur.
Alam mo Karla, walang lalaki ang hindi magkakagusto sa 'yo. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong gawing memorable ang huling Valentines' Day ko dito sa school.
Kung ganun, sino siya, tanong ni Lex at Jeffrey na nagtataka. Samantalang si Shai ay iniisip kung sino ang tinutukoy ni tao ni Arthur.
Nang uwian na, hinabol ni Karla si Arthur sa may gate. Sandali lang Arthur. That was the first time na may katulad mo na naging honest sa sarili. Thank you for that. I realized that it's okay to be alone this Valentines' Day.
Ano ka ba? Hindi ka nag-iisa. May pamilya ka naman. Mas mahalaga na sila ang kasama mo ngayon dahil sila ang mga tao na hindi ka iiwan kahit kailan, wika ni Arthur.
You know Arthur, you really have changed a lot. You're impressive. Mature ka na nga.
Nakita ni Shai na na-uusap sina Arthur at Karla. Napatungo si Shai at agad na naglakad palabas.
Nakita siya ni Karla. Shai! Saglit lang, sigaw ni Karla. Napalingon si Arthur at nagtama ang mga mata nila ni Shai. Lumapit si Karla sa kanya. Don't forget to bring the materials for our project next week.
Oo. Don't worry, mahinang bulong ni Shai.
Napansin ito ni Arthur. Agad na hinawakan niya ang kamay ni Shai. Karla, pasensiya ka na pero si Shai ang date ko ngayon.
Nanlaki ang mga mata ni Shai. Gusto niyang alisin ang kanyang mga kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Arthur sa kanya. Hindi na siya makagalaw.
I see. Si Shai pala ang date mo. I guess I don't need to worry dahil alam ko kung sino ang kasama mo. I have to go now, wika ni Karla bago siya sumakay sa kanyang school service.
Agad na bumitaw si Arthur kay Shai. I'm sorry. Hindi ko naman intensiyon na sabihin 'yun kay Karla.
Ang tagal mo siyang niligawan, di ba? Pero bakit nang binigyan ka na niya ng pagkakataon eh hindi mo tinagggap, tanong ni Shai.
Sabihin natin na parang hindi tama ang pagkakataon na 'yun. Ang totoo, hindi naman 'yun ang pakay ko kung bakit ako nagbalik galing sa... Natigilan si Arthur. Shit! Muntik na ako madulas, mahina niyang sambit.
I don't understand. Alam mo, parang malaki ang itinatago mo. Gusto ko talagang malaman ang mga bagay na 'yan.
Huwag na Shai. Hindi naman ito big deal eh. Lumakad palayo si Arthur. Sinundan siya ni Shai hanggang sa Dunkin' Donuts. Teka, hindi ka pa ba uuwi?
Mamaya pa. Gusto ko munang mag-hot choco at donut, sabi ni Shai.
Dumukot ng pera si Arthur at ibinayad sa counter ang inorder para sa kanilang dalawa.
Sir, bagong pera po ba 'to, tanong ng cashier. Napansin ni Arthur na naibayad niya ay buong dalawang daang piso na may mukha ni Diosdado Macapagal.
Agad na kinuha ni Shai ang pera at tiningnan na mabuti. Wow! Saan galing ito? Peke ba 'to Arthur?
Agad na hinablot ni Arthur ang pera. Dumukot siya ng ibang pera at ibinayad sa cashier. Akin na nga 'yan, pagsusungit niya na ikinainis ni Shai. Agad niya muling kinuha ang pera kay Arthur at inilagay sa loob ng kanyang blouse. Hoy Shai! Ibalik mo nga 'yan sa akin!
Ayoko, sabay dila niya kay Arthur.
...
Habang nagkakape sila, pinagmasdang mabuti ni Shai ang dalawang daang piso. Hindi ko naisip na may ganitong pera. Pero wala naman akong nakikitaan nito. Saan ka ba nagpapallit nito? At tsaka nakasulat na 2008 dito. Saan mo ba ito nakuha?
Hindi alam ni Arthur kung paanong paliwanag ang kanyang sasabihin. habang pinagmamasdan si Shai na hawak ang pera. Arthur, pwede ba na akin na lang ito?
Hindi puwede. Pera ko 'yan sa mga susunod na araw. Akin na nga 'yan! Kinuha niya ang pera kay Shai.
Alam mo Arthur, talagang nagdududa na ako sa 'yo. Ang dami mong inililihim pa sa akin. Baka sabihin mo sa susunod eh malaman ko na nagta-time travel ka.
Napabuga ng iniinom si Arthur sa sinabi ni Shai. Ano ka ba? Pwede ba na huwag kang magsalita ng ganyan?
Wait, you mean kaya mo ngang mag-time travel? Kaya mong pumunta sa future? Ano ang buhay ko sa 2015?
Napabuntong-hininga si Arthur at hindi agad makasagot.

BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...