IX

11 1 0
                                    

Kinaumagahan, nagising si Arthur sa kanyang apartment. Bigla siyang bumangon at bumaba ng hagdanan papunta sa kusina. Nakita niya si Shai na nagluluto ng agahan.

Gising ka na pala. Oo nga pala, nagluto ako ng agahan para sa 'yo.

Napansin ni Arthur na nag-iba ng hitsura si Shai. Medyo nagkalaman ito at tumangkad ng konti

Shai, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nadagdagan ang edad mo?

Actually, nanaginip ako kagabi. Nakita ko 'yung lalaki na nakita natin kahapon at binalaan ako ng tatlong bagay .

Ano ang mga 'yun? Anong sinabi ni manong tungkol sa mga babala?

Hindi ko ito agad naintindihan noong una. Sabi niya, ang isang araw na pananatili ko sa panahon mo ay katumbas ng anim na taon sa nakaraan. Ibig sabihin, 22 na ako ngayon. Pangalawa, tinanong ko siya tungkol sa sarili ko sa panahong ito. Sinabi niya na hindi ko pwedeng harapin ang sarili ko sa panahon ngayon dahil malamang na isa sa amin ang mawala, paliwanag ni Shai.

Eh ano 'yung pangatlo?

'Yung pangatlo, huwag daw ako gagawa ng mga bagay na pwedeng gumulo sa kasalukuyang oras dahil maaaring makaapekto ito sa akin. Ano ang plano mo Arthur? Paano mo ako ibabalik sa panahon ko?

Sa ngayon, hindi ko pa alam. Hindi ka pwedeng lumabas basta-basta. Ang dapat sa 'yo ay mag-research ka tungkol sa mga nangyayari sa panahon na ito nang sa ganun ay hindi ka mahirapan na mag-adjust.

Eh ano naman ang gagawin ko sa bahay mo?

Mag-internet.

Ha? Eh boring 'yun eh. Sumama na lang kaya ako sa 'yo?

Ha? Pero papasok ako sa trabaho.

Ano? May trabaho ka na? Saan? Natuloy ba ang pagdo-doktor mo? Saan ang animal clinic mo?

Actually, hindi 'yun clinic.

Ha? Kung ganun, ano at saan ang trabaho mo?

...

Dinala ni Arthur si Shai sa kanyang school. Nakita niya ang trabaho nito bilang librarian. Pinipigilan ni Shai ang sarili na tumawa. Totoo ba ang nakikita ko, Arthur? Ikaw? Librarian? This is not real, at nagsimulang tumawa si Shai. Hiyang-hiya si Arthur kanyang sarili.

Alam ko na hindi kapani-paniwala. Pero ito ang nangyayari. At tsaka pwede ba na tumigil ka na sa katatawa? Nakakahiya at bawal ang maingay dito.

Sige na. Hindi na ako tatawa. Pero tanong ko lang, bakit naging ganito ang sitwasyon mo? Ano ba talaga ang nangyari sa mga susunod na araw.

Gusto mo ikuwento ko sa 'yo? Pero baka lalo kang hindi maniwala, wika ni Arthur habang nag-aayos ng mga libro.

Maniniwala ako, kahit medyo weird ang mga nakikita ko. Ano ba 'yun?

After natin na maka-graduate ng high school, nag-aral ka ng Political Science. At ako, nag-aral ako ng Veterinary Medicine. After mo maka-graduate, naging tayong dalawa. Pero may isang bagay na nangyari na hindi ko inasahan. Kinuha ni Arthur ang kanyang wallet sa bulsa at ipinakita kay Shai ang isang wedding picture na kasama si Aida. Napakasal ako kay Aida dahil nabuntis ko siya. Doon na tayo nagkahiwalay. Ngunit hindi nabuhay ang anak namin. Pinili namin na magsama bilang mag-asawa ng mahigit twelve years. Nag-aral uli ako. Education ang course ko kaya heto, nasa school ako at nagtuturo at the same time, librarian din. Pero may nangyaring masama kay Aida. Naaksidente siya sa jeep two months ago.

So ano na ang nangyari sa akin nang nakapag-asawa ka na?

Ang huli kong balita sa 'yo ay ikinasal ka na din sa isa sa mga ka-batch natin noong high school. Pagkatapos nun, wala na akong balita sa 'yo. May mga bagay kasi na gusto kong sabihin sa 'yo pero hindi ko nasabi noong naghiwalay tayo.

Siguro 'yun din ang dahilan kung bakit ka nakabalik sa nakaraan. May kailangan kang ayusin o itama. Kung ganun, kailangan mong bumalik uli sa nakaraan? Pero ano ang itatama o aayusin mo, tanong ni Shai.

Gusto ko lang naman na humingi ng tawad sa 'yo sa mga nangyari, sa mga ginawa kong masama at kasinungalingan sa 'yo.

So, mag-sorry ka na sa akin Arthur, para matapos na ito at para makauwi na ako.

Pero may duda ako sa mga nangyayari. Ang totoo, hindi ko maintindihan ang takbo ng mga pangyayari. Bukod pa sa hiling ko, alam ko na may malaking kinalaman ang matandang lalaki sa akin.

Ah. 'yung kaaway mo kahapon at nagpakita sa panaginip ko? Oo nga. Ako din eh. May mga bagay na hindi malinaw sa akin na alam ko na siya lang ang makakasagot. Kung ganun, ano na ang plano mo?

Ano ang plano ko? Baka ano ang plano natin! Dalawa na tayong involved sa time hop na 'to. Dapat gumawa tayo ng paraan para maayos ang lahat.

May naisip ako Arthur, kaya mo bang bumalik noong panahon na naging close tayo sa isa't-isa. I mean 'yung panahon na nagugustuhan na kita.

Hindi ako sigurado pero kung pupunta tayo dun eh hindi ko alam ang puwedeng mangyari.

Pero subukan pa din natin. Malay mo baka 'yun na ang hinahanap nating sagot sa mga nangyayari.

Sige Shai, subukan natin.Tumingin si Arthur sa orasan. 10:09:07 na ng umaga. Pumunta sila sa pinto ng stockroom. Saktong 10:10:10 sila pumasok sa loob.

...

Napunta sila sa isang baseball game sa Cavite State University Main Campus. Pinagmasdan nilang dalawa ang buong paligid. Nasaan na tayo, tanong ni Shai. Bumalik muli ang dalawa sa edad na labing-anim.

Biglang may kumulbit sa likod ni Arthur na isang matabang lalaki. Nandito ka lang pala Arthur. May naghahanap sa 'yo sa may booth natin.

Niel? Ikaw ba 'yan, tanong ni Arthur sa lalaki.

Pare, naka-shabu ka ba? Magkasama lang tayo kahapon ah tapos parang nakalimot ka. Teka, sino ba 'yang kasama mo?

Siya? Ah! Shai, si Niel, brod ko, pakilala ni Arthur.

Brod? Anong brod? Saan kita brod?

Teka Niel, magka-batch tayo sa fraternity. Batchmates tayo.. Nakalimutan mo na ba?

Wala naman frat dito sa university eh. Diyan ka na nga, at umalis si Niel sa kinatatayuan ng dalawa.

Teka, ano bang date ngayon? Napalingon si Arthur at nakita sa isa sa mga tarpaulin doon ang petsa. September 15, 2000, Biyernes - ang araw na sinagot ni Aida si Arthur.

#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon