Ano ba ang nangyayari, Arthur? Ano ang ibig sabihin ng mga nakikita ko, wika ng kasalukuyang Shai habang naglalakad papalapit sa dalawa.
Wala akong oras makipagtalo sa 'yo, Shai. Sa ngayon, pabayaan mo muna kami.
Humawak ang batang Shai sa mga kamay ni Arthur. Ito na ang pagkakataon mo, Arthur para makahingi ka ng tawad sa kanya. Sinabi ko na sa kanya kanina ang lahat. Hindi mo na kailangang matakot. Alam na niya ang totoo.
Totoo ba ang sinabi niya sa akin? Na hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa din dahil gusto mong patawarin kita sa mga ginawa mo sa akin?
Oo, Shai. Tama ka... este siya... este kayo pala.
Paano mo nagawa ang mga bagay na ito, Arthur?
Kahit ako, hindi ko din alam dahil kung alam ko eh hindi ko na hinayaan na mangyari ito. Pero sa ngayon, pwede ba na hayaan mo muna kami.
Naiwan ang kasalukuyang Shai sa may parking area. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman. Bakit ganun? Bakit nang nagkita uli kami, bumalik ang sakit ng nakaraan?
Sa taxi, hindi alam ni Arthur ang gagawin kay Shai. Ang oras ay 5:45 na ng hapon at mabilis na lumulubogang araw na makikita sa may dalampasigan ng CAVITEX. Shai, nakikiusap ako, konting tiis pa. Makakauwi ka na.
Hindi na kailangan Arthur. Ito na ang desisyon ko. Pwede bang humingi ng pabor? Pwede mo ba akong dalhin sa tabing-dagat?
Tumigil ang taxi at iniwan sila sa isang dalampasigan na malapit sa Cavite City. Lumakad si Shai sa buhanginan kasunod si Arthur. Nilanghap ni Shai ang simoy ng dagat. Humarap siya kay Arthur at unti-unting umuurong palayo papunta sa dalampasigan.
Shai, ano ang ginagawa mo?
Huwag kang sumunod, Arthur. Diyan ka lang. Ito ang ang gusto kong paraan ng pagpapaalam sa 'yo.
Huwag mong sabihin 'yan. Hindi ka pwedeng mawala!
Pero ito ang dapat na mangyari. Maraming salamat sa 'yo. Naintindihan ko na ang tinutukoy mong pagsasakripisyo para sa 'yong minamahal. Ganun pala ang pakiramdam. Masakit pero kapag naunawaan, masarap pala sa pakiramdam dahil 'yun ang tama.
Napansin ni Arthur na unti-unting naglalaho ang mala-alikabok na imahe ni Shai habang tinatangay ng hangin.
Hindi mo na kailangang magsakripisyo sa mga susunod na araw. Mahal na mahal kita Arthur... Paalam...
Agad na tumakbo si Arthur para yakapin si Shai ngunit naglaho na ito kasama ang hangin. Napaluhod si siya at hindi napigilan ang kanyang sarili na umiyak at sumigaw. Shai! Bakit? Bakit mo ito ginawa?
Mula sa likuran ni Arthur ay lumitaw ang matandang lalaki. Ang ginawa ni Shai ay kapalaran ng mga tao na nagmamahal ngunit walang mapapala sa huli dahil hindi ito nakatakda.
Sinugod at sinuntok ni Arthur ang matandang lalaki. Ito ba? Ito ba ang gusto mo? Ganito ba ang dapat na mangyari? Ganitong sakit ba ang gusto mong maramdaman ko?
Bumangon ang matandang lalaki at sinuntok di si Arthur. Tumalsik si Arthur ng mahigit limang metro. Napakalakas nito at hindi makapaniwala si Arthur sa kanyang naramdaman.
Hindi mo pa din ba maintindihan ang mga nangyayari? Kung hindi dahil sa 'yo, hindi sana magiging malala ang sitwasyon. Sana pinigilan mo na siya agad noong una pa. Tapos ako ang sisisihin mo? Tinutulungan kita noon pa para maayos mo ang nakaraan.
Pero hindi 'yun ang nangyari, manong. Lalong lumala! Lalong naging kumplikado ang lahat! Paano ko ngayon aayusin ang mga bagay na sinira ko? Wala na si Shai! Siya ang Shai na pinapangarap ko na mamahalin ako.
Pero hindi siya ang Shai na minahal mo. Matigas at manhid ang totoong Shai dahil sa 'yong ginawa noong pinili mo si Aida. Hindi na 'yun mababago. Pero ang Shai sa nakaraan ang gumawa ng paraan para kayo magkaayos. 'Yun na ang pagkakataon mo kanina. Pero bakit di mo 'yun ginawa noong magkaharap kayo?
Natakot ako, manong. Natatakot ako. Sobrang takot ako dahil pakiramdam ko ay ako ang pinakamasamang tao dahil niloko ko siya. Sa tingin mo ba eh mapapatawad niya ako?
Ang tunay na pag-ibig, marunong magpatawad. Malay mo naman, Arthur...
Malay? Malay ko? Ibig sabihin ay walang kasiguraduhan ang lahat? Isinugal ni Shai ang buhay niya kahit alam niyang walang kasiguraduhan. At ako? Natakot lang! Hindi ko kaya! Hindi ko kaya!
Sa huli, sumuko ka din. Umamin ka din sa wakas sa tunay mong nararamdaman. 'Yan lang naman ang dapat mong mapagtanto. Matuto kang sumuko lalo na kung hindi kayo para sa isa't-isa. Kahit ipaglaban niyo ang pag-ibig niyo, pero kung hindi kayo ang itinakda, huwag mo nang ituloy. Pero sa nangyari ngayon, pinatunayan mo na tunay kang magmahal. Sa likod ng mga pagtanggi at pagsisinungaling mo sa 'yong nararamdman ay binigyan mo siya ng proteksyon laban sa puwersa ng oras.
Napaitigil si Arthur at napaupo. Alam niya na tama ang sinabi ng matandang lalaki sa kanya. Kung ganun, ano ang dapat kong gawin?
Tumayo ka dyan, Arthur. Lumakad ka at huwag nang lilingon pa. Kaya mo nang magpatuloy sa buhay kahit wala si Shai. Kailangan mong mabuhay. Hindi pa katapusan. Sapat na nagsisisi ka. Tulad ng sinabi ko kanina, ang tunay na pag-ibig ay nagpapatawad.
...
Samantala, dumating ang kasalukuyang Shai sa kanyang bahay na balisa at malungkot. Nasa abroad ang kanyang asawa bilang isang physical therapist sa Germany. Sinalubong siya ng kanyang kapatid na si Liza. Ginabi ka yata, ate. Handa na ang dinner mo at 'yung pampaligo mo.
Pagkatapos niyang kumain at maligo, binuklat niya ang notebook na bigay sa kanya ng shai na mula sa nakaraan. Habang binabasa niya ito, tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang luha. Binasa niya ang mga sulat ng mga nangyari sa kanilang paglalakbay sa iba't-ibang panahon ni Arthur. Nang napunta siya sa huling pahina ng notebook, nakita niya ang isang sulat mula kay Shai na mula sa nakaraan.
Dear future Shai,
Sana mapatawad mo na si Arthur. Alam ko na mahirap ang desisyon na 'yun. Pero hindi lang ikaw ang naghirap. Kaya nga siya bumalik sa nakaraan para sa 'yo... at sa akin. Magkaiba man ang paraan na pagmamahal natin sa kanya, naniniwala ako na tunay ang pagmamahal na ibinigay niya sa atin. Walang may kasalanan sa nangyari dahil ito ang nakatakda - ang hindi natin siya makakatuluyan sa kahit na anong panahon.
Tulungan mo sana siya sa pamamagitan ng pagbigay ng tawad sa kanya. Alam kong mali 'yun dahil kilala natin ang isa't-isa. Pero 'yun ang dapat na mangyari. Sana ay magawa mo 'yun dahil ang tunay na pag-ibig ay marunong magpatawad.
Mag-iingat ka at ingatan mo ang mga bagay na mayroon ka sa kasalukuyan.
Yours truly,
Shai (from the past)
Lalong bumuhos ang luha niya na nagpahagulgol sakanya sa buong magdamag.

BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...