FINALE

8 1 0
                                    

Sandali lang, Shai. huwag kang umalis. Nakikiusap ako. Pakinggan mo muna ako sa speech ko, pigil ni Arthur kay Shai na palabas ng gate. Bumilis ang tibok ng puso ni Arthur. Lahat ay nakaabang sa sasabihin niya.

Humarap si Shai sa stage at lumapit ng kaunti. Biglang itinapat sa kanila ang spotlight.

May gusto sana akong ikwento sa 'yo, Shai... at sa inyong lahat. Isang kakaibang kwento. Bumaba si Arthur sa stage at lumapit kay Shai. Bigla siyang lumuhod sa harapan ng babae. Nagulat ang lahat sa nakita.

Tumayo ka dyan, Arthur! Huwag mo akong ipahiya dito.

Hindi kita ipinahihiya sa kanila. Ang totoo, gusto ko na makita ng lahat na ang taos-puso kong paghingi ng tawad sa lahat ng mga ginawa ko sa 'yo. Malaki ang kasalanan ko sa 'yo at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ang lahat. Patawarin mo ako kung nlioko kita.

Tahimik ang lahat sa ipinakita ni Arthur. Samantala, si Shai ay tila namumuo na ang mga luha sa mata. Gago ka talaga! Nakakainis ka! Bakit ngayon mo lang ginawa 'yan?

Hindi kumikibo si Arthur. Handa siya kung sasaktan man siya ni Shai. Pinipigilan din niya ang kanyang luha na lumabas.

Kinuha ni Shai ang microphone kay Arthur. Napakasakit ng ginawa mo sa akin! Walang kapatawaran 'yun. Pero dahil may galit sa puso ko, hindi ako matahimik. Iyon ay dahil ikaw ang dahilan! Gusto mong patawarin kita sa harap ng mga taong ito? Oo! Pinapatawad na kita. Pero hindi ako nakakalimot sa ginawa mo sa akin.

Tumahimik ang lahat. Naghihintay si Arthur ng iba pang sasabihin sa kanya ni Shai. Handa niya itong tanggapin sa kahit na anong paraan.

Pero dahil may isang tao ang nagsabi sa akin na dapat kitang patawarin. Malayo ang pinaggalingan niya para sa 'yo, at para sa sandaling ito. Sinasabi ng puso ko na dapat ka nang lumaya sa sakit na nararamdaman ng iyong kalooban. Iniabot ni Shai ang ang notebook na sinulatan nila ni Shai na mula sa nakaraan. Ibinigay niya sa 'yan sa akin, Arthur. Hindi man naging tayo Arthur, dumating ang parte ng pagkatao ko na nagmahal ng wagas para sa 'yo... at 'yun ang pinagsisisihan ko dahil hindi ko 'yun ginawa. Pinalitan ko ng galit ang pagmamahal ko sa 'yo. Akala ko 'yun ang tama. Pero nagkamali ako. Sana katulad na lang ako ng dati na handang magsakripisyo para sa taong mahal ko... at ikaw 'yun. ikaw lang... Kaya nga para matuldukan na ang lahat ng ito, tanggapin natin muli ang isa't-isa. Bilang magkaibigan... tulad ng dati. Taos-puso kitang pinapatawad, Arthur.

Niyakap nila ng isa't-isa na tila nabunutan sila ng tinik sa dibdib.

Mga ka-batchmates, ito na yata ang pinakamadramang gabi para sa ating lahat – ang reconciliation nina Shai at Arthur, sigaw ni Lex habang yakap si Jamie na naiiyak sa nangyari.

Lumapit sa kanila ang mga kaklase nila at kinamayan sila. Congratulations for both of you. Sana tuloy-tuloy na 'yan, wika ni Jamie.

Akala ko pa naman magkakabalikan kayo. Pero siyempre, di na pwede 'yun. masaya kami para sa inyo, sabi ni Jeffrey.

Muli ay nag-class picture ang lahat. Magkatabi sina Arthur at Shai sa gitna na magkaakbay. Ito ang ginawang cover picture ni Arthur sa Facebook nang siya ay makauwi. Binuklat muli ni Arthur ang notebook. Muli niya itong binasa at inalala ang mga nangyari sa kanila ni Shai.

Nang nakarating siya sa huling pahina ng notebook, binasa niya ang kapirasong sulat ni Shai para sa kanya.

Dear Arthur Lee (of past and present)

We may not be in both past and present but I believe that we have a better future from now on.

Yours truly,

Shai (of past and present)




               Durugtungan...

🎉 Tapos mo nang basahin ang #TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee) 🎉
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon