Nagising si Arthur sa kanyang kuwarto dahil sa tunog ng kanyang smart phone. Tumatawag sa kanya si Lex.
Arthur, huwag kang mawawala sa alumni homecoming. Lagot ka sa amin ni Jeffrey. Excited na kami na umakyat ka sa stage para makuha ang award for the Alumnus of the Year.
Sige. I'll be there, Lex.
Alright. Ready na din 'yung mga alak at pagkain na ipapa-serve ko sa table natin. See you next week, at pinutol ni Lex ang linya.
Habang nagkakape, naalala ni Arthur ang nangyari sa kanila ni Shai. tatlong buwan na ang nakakaraan ngunit malinaw pa din kay Arthur ang huling paalam sa kanya ni Shai sa tabing-dagat. Napahinga na lang siya ng malalim.
Biglang tumunog ang smart phone niya. Binasa niya ang text na galing kay Aila. Busy ka ba? Can I invite you for lunch?
Nag-reply si Arthur. Yes. Just tell the time and place and I'll be there.
...
Habang kumakain ng lunch, malayo ang tingin ni Arthur na tila balisa na agad na napansin ni Aila.
Are you alright? Di mo ba gusto 'yung kinakain mo? Pwede akong umorder ng iba.
No. It's okay. I'm... fine.
No. You don't look fine. Are you still thinking of that Shai girl?
Napatungo si Arthur. Alam ni Aila kung ano ang sagot sa tanong niya.
I thought na mas pinili mo 'yung twin sister ko kasi mahal mo siya. Pero mali pala ako. Pero minahal ka ng kapatid ko at hindi ka nagkulang sa kanya as her husband. Pero dahil...
Aila, please. Can we just don't talk about those things? Di kasi ako nagiging komportable.
Why? Dahil magkamukha kami ni Aida at naaalala mo siya?
Hindi. Can we just forget the past ang move on? Kasi wala naman mangyayari eh kung babalikan lang natin ang lahat.
I'm sorry Arthur. Di ko sinasadya na sabihin ang mga bagay na...
No. You don't need to apologize. Let's have our lunch, okay?
Nang matapos ang lunch nila, may ibinigay na regalo si Aila sa kanya. Merry Christmas, Arthur!
Whoa! T-thank you. Nakakahiya naman sa 'yo dahil wala akong regalo.
It's okay. Pasensiya ka na sa bigay ko.
Binuksan ni Arthur ang regalo. Isang fountain pen na kulay green. Napangiti si Arthur at nagpatawa kay Aila.
Finally! Ngumiti ka din.
Thank you, Aila.
No problem. See you next time, at sumakay si Aila sa kanyang kotse at umalis.
Napahinga ng malalim si Arthur habang pinagmamasdan ang fountain pen.
...
Napapaligiran ng magagandang ilaw at dekorasyon ang Infant Jesus Academy para sa alumni homecoming ng batch '99. Nagsimulang magdatingan ang mga dating classmates ni Arthur.
Ano ba 'yan? Wala pa si Arthur! Anong oras ba siya darating, tanong ni Jeffrey kay Lex.
Darating 'yun. Nagsabi na siya eh. Hintayin lang natin, sagot ni Lex. Biglang may kumulbit sa likod niya – si Shai.
Excuse me, nakita niyo na ba si Arthur, tanong ni Shai.
Napalunok si Lex. A-actually, hinihintay din namin siya.
Ganun ba? Pwede ba na kapag nakita niyo siya eh pakisabi na hinahanap ko siya?
S-sure. No problem, sagot ni Jeffrey. Lumuwag lang ang pakiramdam ng dalawa nang lumayo na si Shai. Lex, ikaw na ang magsabi kay Arthur na hinahanap siya ni Shai.
Ayoko nga! Baka masapak ako nun. Totoo ba na naging girlfriend siya ni Arthur?
Oo. Balita ko nga 'yun. Kaso na-shotgun wedding naman siya bigla. Simula noon, hindi na ako nagtanong ng mga bagay tungkol sa naging relasyon nila.
Sa gate ng school ay pumasok si Arthur. Sinalubong siya ni Jamie, ang class valedictorian nila at asawa ni Lex. Welcome, Mr. Lee. Akala namin eh hindi ka dadating.
I'm sorry if I'm late. Thank you for inviting me, Jamie.
Hay naku! Hindi pwedeng mawala ang Alumnus of the Year sa gabing ito. Sumenyas si Jamie sa emcee na magsisimula na ang programa.
Ladies and gentlemen, welcome to the alumni homecoming of batch '99 of Infant Jesus Academy. Nag-speech si Jaimie at Lex tungkol sa mga accomplishments at mga hindi makakalimutang alaala ng batch '99. Sinundan ito ng audio-video presentation ng mga lumang larawan ng batch. Nanag nakita nila ang picture ni Ryant Roi ay hindi napigilang malungkot at maluha nina Lex, Arthur at Jeffrey. Nang matapos ito, muling bumalik si Jamie sa stage para i-award ang alumnus of the year.
Sa totoo lang, hindi namin inakala na ang tatanggap ng award ng Alumnus of the Year ay isang tao na nagbigay ng malaking karangalan sa batch natin dahil sa kanyang kontribusyon Philippine Pop Literature. Akala namin, itinuloy niya ang pagiging doktor niya. Pero higit pa doon ang ginawa niya. Sinusubukan niyang gamutin ang sakit ng lipunan sa pamamagitan ng kanyang mga nobela nagmulat sa mga kabataan ng tunay na sitwasyon ng ating bansa. It is my honor and priviledge to award this year's Alumnus of the Year to Mr. Arthur Lee!
Nakakabingi ang palakpakan ng mga tao habang naglalakad si Arthur paakyat ng stage upang kunin ang maliit na trophy kay Jamie. Inalalayan naman siya nina Jeffrey at Lex sa podium para magsalita.
Pasensiya na sa inyo mga batchmates pero hindi po ako prepared for a speech. But anyway, thank you for this award. I have no plans to attend this alumni homecoming pero dahil makulit ang mga best friends ko na sina Lex at Jeffrey eh napapayag nila ako...
Sa kalagitnaan ng kanyang speech ay nakita niya si Shai na nasa kaliwang table kasama at nakatingin sa kanya. Napalunok siya at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nagtaka ang mga tao na biglang napatigil siya sa pagsasalita. Ang tagal ng titigan nila. Parang tumigil ang takbo ng oras. Biglang bumalik kay Arthur ang lahat ng alaala niya mula nang bumalik siya sa nakaraan hanggang sa maglaho si Shai sa dalampasigan.
Hindi na nakatiis si Shai at tumayo na tila paalis na sa bulwagan.
Sandali lang, Shai... bago ka umalis, sana ay pakinggan mo muna ako.

BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...