Tumigil ka nga diyan sa mga pinagsasabi mo. Time travel-time travel ka pang nalalaman diyan. Gumana na naman ang imahinasyon mo, wika ni Arthur na nakahanap ng dahilan upang hindi siya mahalata ni Shai.
Eh bakit para kang nagulat sa sinabi ko?
Nag-isip si Arthur ng puwedeng palusot. Na-natawa lang ako dun sa sinabi mo...
Natawa? Sinong niloko mo! Eh obvious na nakita ko ang reaksiyon mo na may sinabi akong totoo na itinatago mo. Kilala kita Arthur. Gagawa ako ng paraan para malaman ko ang totoo sa 'yo.
Teka, bakit mo ba ito ginagawa?
Kasi kaibigan kita...
Kaibigan? Oo nga pala, magkaibigan lang pala tayo. 'Yun din ang dahilan kung bakit ko itinago ang nararamdmaman ko sa 'yo nang mahabang panahon. Kaibigan... 'yun ang turing mo sa akin at ang salitang 'yun ang nagbigay sakit sa kalooban ko ng mahabang panahon, bulong ni Arthur sa sarili. Natigilan siya sa kanyang kinakain. Napalitan ng lungkot ang masungit niyang mukha na agad napansin ni Shai. I have to go, wika niya
Teka, hindi pa tayo tapos kumain. May lakad ka ba?
Wala. Gusto ko na kasing umuwi, at lumabas si Arthur na nagmamadali. Hinabol siya ni Shai sa daan. Bakit ba, Arthur? Ano ba ang nasabi ko at apektado ka?
Biglang tumigil si Arthur sa paglalakad. Nagsimulang gumilid ang mga luha sa kanyang mata. Hindi makaharap si Arthur. Alam kong mali. Pero bakit ko ba pinipigilan ang lahat? Paano kung kaya kong baguhin ang lahat-lahat sa amin ngayon? At bakit ako natatakot ngayon pa na may pagkakataon na ako?
Arthur? Okay ka lang ba? Sige, sabihin mo na sa akin. Nahihirapan din naman ako.
Humarap si Arthur kay Shai at lumapit. Alam mo ba matagal kong pinagarap na mangyari ito? Matagal kong iniisip na sana ay matagal kong sinabi ang mga bagay na ito nong una pa.
Arthur, hindi kita maintindihan.
Talagang hindi mo ako maiintindihan at hindi mo ito kayang intindihin. Sa panahon na ito, unti-unti kong nararamdaman na iba na ang pagtingin ko sa 'yo. Mahal kita Shai. Mahal kita noon pa, ngayon at sa panahon na darating pa.
Gulat na gulat si Shai at hindi makapagsalita. Wait, Arthur, seryoso ka ba?
Seryoso ako, Shai. Ngayong nasabi ko na ang lahat sa 'yo, hindi pa din ako matatahimik dahil hindi nagbago ang ginawa ko sa 'yo noon at ngayon. Niloloko lang kita. Hindi ako Arthur na kilala mo. Galing ako sa hinaharap at nagbalik ako para iayos at itama ang lahat. Handa kong patunayan na nagsasabi ako ng totoo.
Tumingin si Arthur sa kanyang relo. 5:55:48 na ng hapon. Hinawakan niya ang kamay ni Shai. Gusto mo bang malaman kung ano ang kinabukasan nating dalawa? Nakita ni Arthur ang pinto ng public CR na nakasara. Muli niyang tiningnan ang kanyang relo. 5:55:50 na. Agad silang pumunta sa pinto at nang sumapit na ang 5:55:55 sa relo ay agad silang pumasok sa loob.
...
Nagulat si Shai sa kanyang nakita. Nasa loob sila ng SM Mall of Asia. Napansin niya na bumalik si Arthur sa kanyang tunay na edad na tatlumpu't dalawa samantalang siya ay nanatili sa kanyang edad na labing-anim.
Arthur, ikaw ba 'yan, pagtataka ni Shai sa hitsura ni Arthur.
Oo. Ako nga. At ito ang panahon ko... welcome to 2015.
Napatingin si Shai sa paligid. Lumabas siya ng mall at nakita niya ang malaking ferris wheel at ang Manila Bay. Napansin din niya na kakaiba ang mga pananamit ng tao na malayo sa kanyang suot. Talaga bang nasa future ako?
Ito ang tunay na panahon ko. Dinala kita dito para maniwala ka sa mga sinasabi ko.
Hindi alam ni Shai ang kanyang nararamdaman kung dapat ba siyang matuwa, magalit, matakot o malungkot sa kanyang nakikita.
Lumabas sa kanilang likod ang matandang lalaki na nakasuot ng isang traffic enforcer. Hindi tama na nandito siya sa panahon mo, Arthur.
Lumapit si Arthur sa matanda na galit na galit. Di ba ikaw ang nagdala sa akin dito? Di ba ikaw ang nagsabi sa akin na dapat kong itama ang lahat? Ngayon nandito na siya, kaya ko nang maayos ang mga bagay na dapat ay noon ko pa ginawa!
Arthur, hindi mo alam ang mga pwedeng mangyari sa kanya kapag narito siya bilang tao sa nakaraan. Ibalik mo na siya sa panahon niya. Nakikiusap ako bago pa lumala ang lahat.
Hindi ko alam ang mangyayari kung hindi mo ipinaliwanag sa akin ng buo at detalyado ang lahat. Sa kasong ito, wala ka nang magagawa., wika ni Arthur.
Teka, ano ba ang nangyayari? Sino siya Arthur, tanong ni Shai na naguguluhan.
Maraming puwedeng mangyaring masama sa 'yo at sa kanya. Hindi ito ang panahon na dapat ay magkasama kayo.
Wala na akong pakialam sa sinasabi mo, Manong. Nasabi ko na kay Shai ang totoo. Ipapakita ko sa kanya ang kapalaran namin dito sa kasalukuyan nang sa ganun ay matahimik ako.
Hinablot ni Arthur ang kamay ni Shai at umalis. Hindi na nagawang habulin ng matanda ang dalawa.
Arthur, saan mo ba ako dadalhin, pagtataka ni Shai habang mabilis na naglalakad.
Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat. Pero sa ngayon, kailangan na tayo umuwi.
Ihahatid mo ako sa bahay namin?
Hindi. Uuwi ka sa apartment ko.
Ano? Hindi puwede. Magagalit ang mga mga magulang ko sa 'yo.
Binitawan ni Arthur ang kamay ni Shai at tumigil sa gitna ng kanilang nilalakaran. At sa tingin mo ba ay makakauwi ka sa inyo? Nandito ka sa taong 2015. Paano ka uuwi? Magko-commute ka? Alam mo ba ang palabas sa lugar na ito?
Hindi nakakibo si Shai na parang mapapaiyak.
Puwes, sumama ka sa apartment ko. Doon ko ikukuwento sa 'yo ng detalye ang nangyari sa kasalukuyang panahon. Isa lang ang gusto kong mangyari. Sana ay magtiwala ka sa akin. Huwag kang mag-alala, hindi kita ipapahamak at pababayaan sa panahon na ito.
Arthur, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Biglang bumuhos ang mga luha ni Shai. Agad siyang niyakap ni Arthur ng mahigpit.
Huwag kang mag-alala, Shai. Sinisigurado ko sa 'yo na ligtas ka sa piling ko. Ako ang bahala sa 'yo.
Agad silang sumakay sa bus pauwi ng Cavite. Ang hindi nila alam ay habang nasa biyahe ay naroon ang misteryosong matandang lalaki na maingat na nagmamatyag at sinusundan sila pauwi.

BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...