Sino ka? Sinusundan mo ba ako, wika ni Aida kay Arthur na nasa likuran niya.
Ako? Sinusundan ka? Nagkakamali ka, Aida.
Teka, kilala mo ako?
Oo. Kilala kita Aida.
Nagkita na ba tayo? Di kita kasi matandaan kung saan mo ako nakilala.
Hindi na mahalaga 'yun, Aida. Oo nga pala, gusto mong kumain? Ang haba kasi ng pila kanina kaya nagutom ako. Don't worry, it's my treat.
Dinala ni Arthur si Aida sa pinakasikat na kainan ng mga estudyante sa university...
Arthur pala ang pangalan mo. Pasensiya ka na kung di kita matandaan kung saan man kita nakilala, wika ni Aida.
Okay lang kung di mo ako matandaan. Malalaman mo din sa hinaharap ang lahat.
Ha? Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo. Actually, nagtataka nga ako at sumama ako sa 'yo.
Hindi naman ako masamang tao sa tingin mo, hindi ba?
Natawa si Aida sa sinabi ni Arthur. Hindi ka nga masamang tao pero weird ka naman.
Ganun ba? Siguro nga, bulong ni Arthur sa sarili.
Nang makatapos silang kumain, inihatid ni Arthur si Aida sa sakayan sa may terminal na pa-Trece. Salamat sa treat, Arthur. Sana magkita tayo uli sa first day of class.
Oo. Mag-ingat ka, Aida.
Nang nakaalis na ang jeep, lumitaw sa likod ni Arthur ang matandang lalaki na nakasuot hitsurang taong-grasa. Mukhang iba ang ngiti mo kapag nakikita si Aida. Mas bagay sa 'yo kaysa sa ngiti mo kapag kasama si Shai.
Bigla ka naman pasulpot-sulpot, manong.
Mukhang naguguluhan ka sa nararamdaman mo para kina Shai at Aida, Nga ba?
Napansin mo din pala.
Alam mo ang magiging kapalaran ni Aida sa totoong panahon mo. Pero bakit parang mas gusto mo siyang habulin kaysa kay Shai? Hindi kaya mas mahal mo siya?
Ang totoo, parang naramdaman ko na ito noong mamimili ako kung sino ang pananagutan ko sa kanilang dalawa. Pinili ko si Aida kasi 'yun ang dapat...
Pero noong pinili mo si Aida, nagdusa ang iyong kalooban dahil iniwan mo Shai hanggang sa kasalukuyan.
Mahal ko si Shai. Alam ko, unfair ako kay Aida. Pero may mga bagay na mas nakakahigit si Aida kaysa kay Shai.
Pero tandaan mo, mahal ka na rin ni Shai. At sa panahon na 'to, wala pa kayong mutual understanding ni Aida. Kaya mo pang pigilin ang lahat para maging okay kayo ni Shai.
Sa ngayon, hindi ko alam ang desisyon ko. Pero isa lang ang sigurado, pakiramdam ko ay nauulit lang ang nangyari sa amin kaso lang ay sa ibang pagkakataon at panahon.
So gusto mo na bang bumalik sa panahon na magkasintahan na kayo ni Shai?
Pasensiya ka na, manong. Pero hihilingin ko uli sa 'yo na sana ibalik mo na ako sa dati kong panahon.
Hindi nga pwede ang gusto mo Arthur. Hindi pa tapos ang dapat mong gawin dito.
Pwes ano ba 'yun? Nahihirapan na ako sa kakaisip dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako.
Ang dahilan ko kung bakit kita dinala dito ay gusto kong makisugarado ka sa nararamdaman mo. Kailangan mong pumili kung kanino ka sasama dahil ang kapalaran mo sa hinaharap ang maaapektuhan ng matindi.
Alam mo manong, diretsuhin mo na. Ano ba talaga ang dapat kong gawin?
Kung ako ang masusunod, gusto ko na bumalik ka kay Shai. Pero hindi 'yun ang sinasabi ng nararamdaman mo. Si Aida ang isinisigaw ng puso mo.
Kaya nga manong, ibalik mo na ako sa panahon ko nang sa ganun ay maging maayos na ang lahat.
O sige. Ibabalik na kita sa panahon mo. Hindi ka talaga nagbago. Mas pinili mo ang dapat kaysa sa gusto mo.
Tumingin sa orasan si Arthur. 3:33:27 na ng hapon. Lumakad siya papunta sa isang public comfort room. Pumasok siya ng eksaktong 3:33:33.
Gumising si Arthur sa kanyang kuwarto. Bumalik na siya sa kanyang totoong panahon. Naramdaman niya ang pananakit ng kanyang mga paa nang siya ay bumangon dahil sa arthritis. Tumingin siya sa buong paligid. Nakita niya ang picture frame nang kasal nila ni Aida. Nandito na nga ako. Salamat naman, bulong niya sa sarili.
...
Samantala, sa taong 1999, nagising si Shai nang may ngiti sa kanyang mga mukha. Agad niyang naisip ang nangyari sa kanila ni Arthur sa Tagaytay. Nang binuksan niya ang bintana sa kuwarto, napansin niya na may isang notebook. Agad niya itong kinuha at binuksan. Nakita niya ang mga sulat ni Arthur. Halos kalahati ng mga pahina nito ay may sulat. Nakadetalye sa loob nito ang nangyaring paglalakbay nila sa iba't-ibang panahon. Bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari na nagpangiti sa kanya. Ngunit may napansin siya na isang pahina na medyo lukot at parang natuluan ng likido dahil na ikinalabo ng mga guhit sa papel. Agad niya itong binasa.
Shai,
Nang muli kitang nakita at nakasama, pakiramdam ko ay nakarating ako sa langit at nabigyan ako ng panibagong buhay. Sa kabila ng mga mangyayari sa hinaharap, minahal mo ako. At doon ay nagpapasalamat ako sa 'yo.
Ngunit ikinalulungkot ko but I have to go back to my present time as Arthur in the year 2015. Ayokong mabago pa ang mga bagay na hindi dapat sa panahon ko. Ayoko nang lumala pa ang mga mangyayari sa panahon ko. Sapat na para sa akin na nakasama kang muli at masabi sa 'yo ang noon ko pa dapat sinabi. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal pero kailangan ko nang bumalik at ituloy ang buhay ko. Kahit anong gawin ko, tila parang hindi tayo nakatadhana sa isa't-isa. Hayaan mo na lang na ako ang magdusa sa kahihinatnan natin. Kung tutuusin, ayoko pa talagang umalis. Pero hindi ko kayang magtagal, maraming bagay ang naghihintay sa akin sa hinaharap.
Mahal na mahal kita. Muli, paalam.
Arthur
Namalayan na lang ni Shai na tumutulo ang kanyang mga luha sa binabasa niyang huling sulat. Bakit Arthur? Bakit kung kailan na mahal na kita ay iniwan mo ako?
Lumingon si Shai sa pinto. Bigla niyang naisip ang paraan na ginagawa ni Arthur kapag pupunta sa ibang panahon. Tumingin siya sa orasan. 5:55:50 na ng umaga. Pumunta siya sa harap ng pinto hawak ang notebook.
Nang sumapit ang 5:55:55, agad niyang binuksan ang pinto at agad pumasok ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...