Hinang-hina si Shai na naglalakad sa isang mall sa may Las Piñas. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito ang lugar na 'yun. Pero saan ko 'yun makikita? Hinahanap nita ang Telestar, ang call center na kung nagtatrabaho ang kasalukuyang Shai Valiente De Borja. Kailangan ko siyang makita bago pa ako maglaho ng tuluyan. Nasaan siya? Nasaan... ako?
Bumaba si Arthur sa isang mall sa Las Piñas na kung saan nakita niya ang bakas ng buhangin ni Shai. Agad siyang pumasok sa loob at sinundan ang mga ito. Ngunit nag paaakyat siya ng escalotor ay nakita niya nagba-vacuum cleaning ang mga janitor.
Nakupo! Sandali lang po mga bossing, pigil ni Arthur sa mga naglilinis na janitor. Alam niyo po ba kung saan papunta ang bakas ng buhangin na nililinis niyo?
Naku sir, kanina pa po kami naglilinis. Di na po namin matandaan kung saan ito galing, paliwanang ng isang janitor.
Samantala, nakaupo si Shai sa loob ng comfort room at pinipilit na tumatayo. May isang babae pumasok at nakita si Shai na hindi makatayo.
Miss, okay ka lang miss? At agad na inalalayan ng babae si Shai. Nang tiningnan ni Shai ang babaeng tumutulong sa kanya, napansin niya na may name plate ito na may apelyidong de Borja.
Mrs. De Borja? Salamat at nakita kita... at nawalan ng malay si Shai.
Ang babaeng tumutulong sa kanya ay si Shai Valencia – de Borja, ang kanyang kasalukuyan. Napansin ng kasalukuyang Shai na kamukha niya ang babae na halos puro buhangin ang buong katawan. Agad niyang inilabas ito sa comfort room at dinala sa emergency clinic ng kanilang call center agency.
Sa kabilang banda, nagtatanong-tanong si Arthur sa mga tao sa paligid tungkol kay Shai. Ngunit pare-pareho ang kanilang sinasabi na hindi nila kilala ang taong hinahanap niya. Nasaan siya? Pakiusap, sana ay okay ka lang, bulong niya sa sarili.
...
Sa clinic, unti-unting nagkamalay si Shai. Kaharap niya ang kasalukuyang Shai na pinaghahanda siya ng pagkain at gamot.
Gising ka na pala. Kumain ka muna.
Matagal ang titig ni Shai sa kanyang sarili sa kasalukuyan. Napakaganda ko pala sa future. Sophisticated, dignified at higit sa lahat, successful career woman, wika ni Shai na napapangiti.
S-sa future? Wait, sino ka ba? At bakit kamukha mo ako noong bata pa ako, nagtatakang tanong ng kasalukuyang Shai.
Hindi ka maniniwala sa mga ikukuwento ko. Pero ito ang magpapatunay na tayong dalawa ay iisa, inilabas ni Shai ang notebook at iniabot sa kasalukuyang sarili. Galing ako sa nakaraan. Sinundan ko ang isang tao na mahal ko... kahit na alam namin hindi kami nakatadhana sa isa't-isa. Ako si Shai na mula sa nakaraan at hinabol ko si Arthur sa kasalukuyang panahon. Ngunit dahil natuklasan ko ang sarili ko sa kasalukuyan, unti-unti akong maglalaho. Pero bago mangyari 'yun, kailangan muna kitang makita.
Nananaginip ba ako? Posible ba 'yun? Ako ay ikaw mula sa nakaraan? Pero bakit mo hinabol ang walang hiyang Arthur na 'yun?
Mahirap ikwento ang detalye. Siya ang una na bumalik sa nakaraan, ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit siya bumalik dahil mayroon siyang malaking dahilan. – ang humingi ng tawad sa mga ginawa niya sa 'yo. Kaso, hindi ko din na inasahan na minahal ko siya agad. Kaso nagdesisyon siya na bumalik sa kasalukuyang panahon. Kahit mali, sinundan ko siya. Kaya heto, ilang oras na lang ay maglalaho na ako at ang lahat ng alaala na mayroon kami ay mawawala na din.
Ginawa mo 'yun? Pero Bakit? Hindi mo alam ang sakit na idinulot niya sa damdamin ko, galit na galit na sabi ng kasalukuyang Shai. Niloko niya ako!
Alam ko 'yun. Pero sa inyong dalawa, siya ang mas naghirap at nagdusa. Kahit na nakasal siya ng wala sa oras hanggang sa kasalukuyan, gusto niyang humingi ng tawad sa 'yo. Kitang-kita ko ang paghihirap ng kanyang kalooban at hanggang ngayon, hindi siya matatahimik hangga't hindi mo siya pinapatawad.
Isinumpa ko na si Arthur. Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako naging ganito sa kasalukuyan? Dahil 'yun sa kanya. Dahil gusto kong gumanti sa mga ginawa niya at ipamukha sa kanya kung ano at sino ako ngayon.
Pakiusap, hindi ikaw 'yan. Mabuti ka. Mapagpatawad ka. Nakikiusap ako, kapag nagkita kayo ni Arthur, mag-usap kayo. Patawarin mo na siya. Kahit hindi kayo ang nagkatuluyan, sana ay magkaroon pa din kayo ng pagkakataon na maayos ang lahat. Kahit 'yun man lang...
Mukhang okay ka na. Maaari ka nang umalis at bumalik sa pinanggalingan mo. Ayoko nang marinig ang mga kasinungalingan na pinagsasabi mo, wika ng kasalukuyang Shai.
Ganyan ba talaga ang ginawa sa 'yo ni Arthur? Talagang wala bang kapatawaran ang ginawa niya? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang pagnanasa ni Arthur na mapatawad mo siya. Hindi din ako makapaniwala na ikaw ang nakikita kong sarili ko sa kasalukuyan. Mukhang mali ang ginawa kong desisyon na pumunta sa panahon niyong dalawa dahil ginulo lang ang lahat.
Lumabas si Shai sa call center at sumakay ng elevator. Napaisip ang kasalukuyang Shai sa mga sinabi sa kanya kanina. Agad niyang hinabol ang batang si Shai ngunit sarado na ang pinto nito.
Nang bumukas ang elevator, Agad na naglakad palabas si Shai patungo sa indoor parking area. Mas maarami na ang mga buhangin na lumalabas sa kanya.
Mabilis na sinusundan ng matandang Shai ang mga bakas ng buhangin. Mula sa malayo ay napansin ni Arthur ang isang bakas ng buhangin na papunta sa indoor parking area. Agad niya itong sinundan.
Sa main entrance ng indoor parking area, nagkasalubong si Arhur at ang kasalukuyang Shai. gulat na gulat sila. Makalipas ang labing-isang taon ay nagkita silang dalawa.
Anong ginagawa mo dito, tanong ni Shai kay Arthur. Ngunit hindi siya nito sinagot. Agad siyang iniwan nito at tumakbo palabas habang sinusundan ang bakas ng buhangin. Hindi kaya... Teka... Sandali lang, Arthur!
Naabutan ni Arthur ang naghihinang si Shai na nakasandal sa isang pulang kotse. Agad niyang tiningan ang lagay nito. Shai, ano ba na naman ang ginawa mo? Bakit ka ba pumunta dito?
Sorry, Arthur. May kailangan lang akong makita at makausap bago ako mawala, wika ni Shai na hirap na hirap magsalita. Binuhat siya ni Arthur. Sa kanilang paglalakad ay nakasalubong nila ang kasalukuyang Shai na naglalakad papalapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...