II

39 1 0
                                    

Pinagmamasdan ni Arthur ang buong paligid sa labas ng Infant Jesus Academy, ang kanyang pinasukang paaralan noong high school. Nakabalik ba talaga ako sa nakaraan? Pero paano? Ang basketball court sa tapat ng simbahan na naging plaza central, ang groceries na naging isang fastfood at marami pang iba ay bumalik sa dati. Diyos ko po! Ano bang kababalaghan itong nangyayari?

Suot niya ang school uniform at pumasok siya sa loob ng school compund. Namangha siya sa kanyang nakita. Hindi ako makapaniwala. Nagbalik ang lahat sa dati. Pero paano nangyari ang lahat ng ito?

Tinapik siya ng isang grupo ng mga estudyante. Dude Arthur! Bakit parang wala ka sa sarili mo? Nang humarap siya ay nakita niya sina Jeffrey, Lexell at Ryant Roi, ang kanyang mga malalapit na kaibigan. Gulat na gulat siya na ipinagtaka ng tatlo.

Lex? Jeffrey? Ryant Roi? Kayo ba talaga 'yan, tanong ni Arthur.

Pare, okay ka lang? Para kang nakakita ng multo, wika ni Ryant Roi.

Ryant Roi! Buhay ka! Sabay yakap ni Arthur. Napabalikwas si Ryant Roi. Dude, anong problema?

Natutuwa ako na makita kayo na... biglang natigilan si Arthur. Bumalik sa kanyang isip ang nangyari sa kasalukuyan. - si Lex ay isang industrial enginner, si Jeffrey ay naging kapitan ng isang cruise ship sa Greece at si Ryant Roi ay namatay sa sakit na meningitis anim na taon pagkatapos nilang maka-graduate ng high school. Hindi nila puwedeng malaman na nagbalik ako sa nakaraan. Baka iwasan nila ako, bulong niya sa sarili.

Arthur, hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Naka-drugs ka ba, tanong ni Jeffrey na natatawa.

Naku Jef, malamang nasobrahan 'yan sa paglalaro ng arcade at naging imaginative 'yang si Arthur.

H-hindi naman sa ganun. Napanaginipan ko lang kayo kagabi... palusot ni Arthur na nag-iisip pa ng mga pwedeng sabihin.

Kung ano man ang panaginip mo, ikuwento mo na lang mamayang recess, dugtong ni Ryant Roi.

Tumunog ang school bell na hudyat ng simula ng klase. Nagbalikan na sila sa kanilang mga classroom. Si Arthur ay nasa section A, si Lex ay nasa section B, si Jef, ay sa section C at si Ryant Roi ay sa Section D.

Sa klase ay napansin ni Arthur si Shai na kasama ang kanyang mga kaibigan at nag-uusap. Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga. Naku, si Shai 'yun. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganun? Naramdaman ko na naman ito after eighteen years. Diyos ko po! Ano ang gagawin ko, bulong ni Arthur sa sarili.

Sa likod niya ay may isang notebook na tumama sa kanyang ulo. Paglingon niya ay nakatayo sa likod sina Melvin, Reggie at Bryan na bully sa kanilang klase.

Hoy Arthur, tahimik ka na naman, Ano ang problema? Nag-i-imagine ka na naman 'no, tanong ni Melvin na may nakakaasar na ngiti.

Naku naman! Nakalimutan ko ang tatlong mokong na ito. Bumalik sa isip niya ang naging buhay ng tatlo sa hinaharap. Si Bryan, Reggie at Melvin ay naging mga security guard at nagkaroon ng mga asawa na kinatatakutan nila.. Bigla siyang napatawa at napansin ito ng tatlo. Agad silang lumapit sa kanya at pinaligiran sa upuan. Natakot ang buong klase at si Shai ay nag-alala sa mangyayari kay Arthur.

Ano ang tinatawa-tawa mo dyan? Nakakainsulto ka ha, pananakot ni Reggie.

Patuloy sa pagtawa si Arthur na ikinainis ni Bryan. Kukutusan na sana si Arthur ni Melvin nang biglang tumayo ito at tinadyakan si Melvin. Nang susugurin siya nina Bryan at Reggie ay inunahan na niya ito ng magkasunod na suntok at sipa. Bagsak ang tatlo sa sahig.

Hoy! Kayong tatlong mokong, hindi habambuhay ay mga bully kayo. Kapag naka-graduate tayo, mararanasan niyo ang mga bagay na hindi niyo maiiwasan.

Napatingin si Arthur kay Shai. Walang naglakas-loob na umawat sa nangyari hanggang sa dumating ang kanilang guro na nabigla sa nangyari.

...

Ipinatawag ang apat sa principal's office. Doon ay binigyan lang ng verbal warning si Arthur samantalang ang tatlo ay tatlong araw na suspended sa klase. Nang lumabas sila sa opisina, nagbanta si Melvin kay Arthur. Patay ka sa akin mamaya sa labas, gagong Arthur!

Ako? Tatambangan mo sa labas? Sige ba! Sino ang tinakot mo? Gusto mo magtawag ka pa ng tropa mo para masaya!

Ang yabang mo ah! Hindi ka naman ganyan dati! Hindi ka nga kumikibo kapag pinagtitirpan ka namin. Bakit may tropa ka ba sa labas na ipagtatanggol ka, tanong ni Reggie,

Wala. Naisip ko lang na sana noon ko pa ito ginawa. Kasi wala naman kayong binatbat. Mga utak-taho kasi kayo, pang-aasar ni Arthur.

Utak-taho pala ha? Humanda ka sa amin mamaya. Bubugbugin kita hanggang sa hindi ka makapasok bukas.

Gawin niyo na lang mamaya. Abangan niyo na lang ako sa labas para mangyari na ang dapat mangyari, at bumalik sa klase si Arthur samantalang ang tatlo ay pumunta sa guidance office.

Pagpasok niya sa classroom ay tahimik ang buong klase. Nagtaka sila sa ikinikilos ni Arthur na parang walang takot o pag-aalala sa kanyang mukha. Nang umupo siya ay binulungan siya ni Shai na katabi niya sa upuan. Ang cool ng ginawa mo kanina. Saan ka ba bumili ng lakas ng loob? Magkano ba 'yun?

'Yun ba? Sana noon ko pa ginawa 'yun sa tatlong mokong nang hindi na maulit pa, sagot ni Arthur.

Teka Arthur, bakit parang iba yata ang ikinikilos mo ngayon. May nakain ka ba? Epekto ba 'yan ng paglalaro mo ng mga video games?

Mamaya ka na makipagkwentuhan. Mag-aral muna tayo.

Napataas ng kilay si Shai. Aba! Tama ba ang narinig ko? Mag-aral muna tayo? Alam mo, may mali sa ikinikilos mo ngayon eh. May pinopormahan ka ba dito sa school?

Wala. Pwede bang mamaya mo na ako kwentuhan? Mag-aral muna tayo. Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat mamaya. Kaso baka hindi ka maniwala.

Sus! Ako pa ang tinanong mo. Eh kahit nga magkuwento ka ng alien eh naniniwala ako. Mamaya ka nga makipag-usap sa akin. Baka mapagalitan na naman ako. Napangiti ng patago si Shai dahil sa ikinikilos ni Arthur. Basta mamaya ikukuwento mo. Promise?

Tumango na lang si Arthur habang nagsusulat sa kanyang notebook.

...

Uwian na at nang palabas na ng school si Arthur ay pinigilan siya ng guwardiya.

Kamusta ang pagbabalik mo sa nakaraan? Nagustuhan mo ba?

Namukhaan ni Arthur ang hitsura ang lalaki. Bumalik sa isip niya ang matandang lalaki na kasunod niyang gumamit ng comfort room sa mall bago mangyari bago siya nakabalik sa nakaraan. Ikaw 'yun! Ikaw nga! Bakit ka nandito? At bakit ako nakarating dito, tanong ni Arthur.

Teka lang, isa-isa lang ang tanong. Alam ko lahat ng sagot. Kailangan mo munang sagutin ang tanong ko. Nagustuhan mo ba ang pagbabalik mo dito sa nakaraan?

#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon