Nakaupo si Shai sa kanilang terrace at iniisip ang mga nangyari noong nasa Indang sila. Hindi ko talaga maintindihan ang Arthur na 'yun. Bakit ba parang ang daming kakaiba sa kanya? Bigla siyang naging magaling sa klase. Kinatakutan nasiya ng mga classmates namin na bully. Mas gusto niyang magtigil at tumulong sa librarian na si Ms. Tumamaw. At tsaka bakit niya ako iniiwasan? Ano ba ang nagawa kong mali? Pumunta siya loob ng bahay at kinuha ang landline phone. Tinawagan niya si Arthur na nasa bahay at tila may hinahanap sa kanyang bag.
O Shai. Bakit ka napatawag?
Wala naman. May gusto lang akong itanong sa 'yo. Busy ka ba?
Hindi naman. May hinahanap lang kasi ako sa bag ko.
Ano? 'Yung camera mo na hawak kanina.
Oo. Nawawala eh. Di ba kanina hawak ko 'yun?
Napangisi si Shai at may kinuha sa kanyang bulsa. 'Yun ba 'yung may nakasulat na Sony sa harap at may nakasulat na Xperia sa likod?
Teka. Huwag mong sabihin na nasa 'yo 'yan! Akin na 'yan!
Ayoko nga. Masyado kang malihim noong mga nakaraang araw. Teka, paano ba ito gamitin?
Huwag kang aalis diyan sa inyo. Pupunta ako dyan. Kukunin ko ang smart phone ko.
Smart phone? So 'yun pala ang tawag dito, at agad na ibinaba ni Arthur ang telepono. Lumabas siya ng bahay sakay ng bisikleta. Pambihira! Nakalimutan ko na kamag-anak pala ni Lupin ang babae na 'yun. Ang galing talaga niya pagdating sa pagkuha ng mga gamit ko na hindi nalalaman.
Samantala, hawak ni Shai ang smart phone ni Arthur. Paano kaya ito gamitin? Aksidente niyang napindot ang Unlock Button sa gilid at binasa ang nasa screen. Swipe to open, at pinadulas niya ang kanyang daliri sa papuntang kanan sa lock icon ng screen. Laking gulat niya sa nakita dahil madaming icon ang lumabas sa screen. Whoa! Ano ba ito? Napindot niya ang Music Icon at biglang tumugtog ang kantang Simply Jessie ni Rex Smith. Aba! Ayos 'to ah! Ang linaw ng tunog! Naupo siya malapit sa pintuan ang masayang pinakinggan ang kanta.
Samantala, mabilis na tinatahak ni Arthur ang daan papunta kina Shai. Naalala ko nga pala na nakakatakot ang papunta sa kanila. Ang layo ng agwat ng mga street lights at maraming aso sa bawat kanto na madadaanan. Diyos ko po! Eto na naman ako. Pero matagal-tagal na din akong hindi nakapunta at naranasan ito, bulong ni Arthur habang nagbibisikleta.
Pinindot ni Shai ang music playlist ni Arthur. Mayroon siyang nakitang mga kanta na hindi pamilyar sa kanya. Ano 'to? Everything Changes by Take That? Pinindot niya ang kanta at nagsimulang tumugtog. Ah! Alam ko 'to. Tumayo si Shai at sinabayan ang kanta habang kumakanta. Nilakasan niya ang volume nito at napasayaw sa pinakikinggan.
Malapit na si Arthur sa bahay ni Shai. Narinig niya na tumutugtog ang kanyang smart phone. Agad siyang bumaba sa harapan ng bahay ni Shai at naabutan niya ito na kumakanta at sumasayaw kasabay ang tugtog. Napahinto siya sandali at pinanood ang babae na dahilan ng kanyang pagbalik sa nakaraan. Gusto niyang tumawa ngunit pinigil niya ito. Hindi pa niya ito nakita sa buong buhay niya. Ninamnam niya ang sandaling iyon. Napakatagal kong di nakita si Shai na na napaka-care free at walang iniisip na alalahanin.
Biglang may lalaking lumitaw sa likod ni Arthur na isang matandang lalaki at batang babae na ikinagulat nito.
Sino ka? At anong ginagawa mo dito, tanong ng matandang lalaki na may hawak na kalaykay.
Ah, Ma-magandang gabi po, kakausapin ko lang po si Shai.
Bakit? Sino ka ba, tanong ng batang babae.
Nakita ni Shai si Arthur na kausap ang dalawa. Agad siyang tumakbo papalapit sa kanila. Arthur? Ano ang ginagawa mo dito?
Naku! Naalala ko ang first time na nakarating ako dito. Graduation namin 'yun. Patay! Nabago na ang hindi dapat mabago.
Kilala mo siya, wika ng matandang lalaki.
Opo, Papa. Classmate ko po siya, piningot ni Shai ang tainga ni Arthur at hinatak palayo sa dalawa. Paano mo nalaman ang bahay namin? Alam mo bang ikaw lang ang naglakas-loob na pumunta dito ngayong gabi?
Aray! Hindi naman ako magtatagal eh. Kukunin ko lang 'yang smart phone ko na ninakaw mo.
Ayoko nga! Sa akin muna ito. Dahil marami kang dapat ipaliwanag sa akin.
Wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo. Kaya pwede ba, ibigay mo na 'yan sa akin!
Talagang importante 'to sa 'yo? Itinapat si Shai ang smart phone sa bibig ng flower vase na malapit sa kanila. Kapag pumalag ka, ihuhulog ko ito sa tubig.
Biglang tumawa ng malakas si Arthur. Ganun ba? Sige, ihulog mo. Kung gusto mo ako pa ang gumawa niyan eh. Kinuha ni Arthur ang kanyang smart phone at inihulog sa vase na may tubig. Nagulat si Shai sa nakita. Baliw ka ba? Baka masira 'yan! Mukhang mahal pa naman.
Agad na kinuha ni Arthur ang smart phone at pinunasan agad. Nagulat ang batang babae, ang matandang lalaki at si Shai sa nakita dahil gumana ito. Water resistant 'to. Kaya di ka dapat mag-alala. Kaya puwede ba, huwag kang kukuha ng mga bagay na hindi sa 'yo?
Paalis na si Arthur nang pinigilan siya ng matandang lalaki. Toto, Kumain ka na ba? Pumasok ka muna sa loob. Sumabay ka na sa amin.
Naku hindi po. Uuwi na po ako. Kinuha ko lang po ito sa anak niyo.
Kuya, sumabay ka na. Gusto kang makilala ni Papa kaya ka niya niyayakag. Ang totoo niyan, ikaw ang unang manliligaw ni ate.
Lalai! Ano ka ba? Nakakainis ka! Binatukan ni Shai si Lalai. Para matigil na 'to, pumasok ka na sa loob, Arthur.
Nag-alangan si Arthur. Shai, alam mo kasi na...
Gusto mong sikmuraan kita? Wala naman pasok bukas kaya puwede kaming magpuyat ngayon. Halika na, wika ni Shai na nakataas ang kilay.
...
Nakaupo si Arthur kasama ang buong pamilya ni Shai sa hapag. Wala naman ito sa plano. Paano ba ito? Hindi ko ito napaghandaan, bulong nito.
Naghain ang nanay ni Shai ng pritong bangus, sabaw ng malunggay at kanin, ikaw pala si Arthur. Alam mo palagi kang ikinukwento sa amin ni Shai. Guwapo ka pala sa personal.
Mama! Nakakahiya sa bisita, bulong ni Shai na nagtitimpla ng orange juice.
Arthur, tatapatin na kita. Hindi pa ako natanggap ng manliligaw para sa anak ko.
Napabagsak ang pitsel na hawak ni Shai. Papa! Hindi naman siya nanlili...
Shai, simula ngayong gabi, puwede ka nang dalawin ni Arthur, wika ng Papa ni Shai.

BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...