Ano? Pakiulit nga ang sinabi mo. Totoo ba 'yan, gulat na gulat na tanong ni Arthur kay Shai.
Sa mga nangyari sa atin, naisip ko na sa kabila ng mga nangyari sa 'yo, ako pa din ang mahal mo sa hinaharap. Kilala kita mula pa noong mga bata tayo. Pero hindi ko inasahan na umabot ka sa punto na halos masira ang buhay mo dahil hindi tayo nagkatuluyan sa huli. Ipinakita mo ang totoong ikaw at tanggap ko 'yun. Ngayon na hindi pa nangyayari ang mga pagkakamali mo, baka sa pagkakataon na ito ay maitama mo ang lahat. Lumapit si Shai at niyakap si Arthur. Hindi ko alam kung tama ba ang sabihin ko sa 'yo na mahal kita. Pero isa lang ang sinisigurado ko, na hindi ka na muling luluha nang dahil sa akin.
Yumakap di si Arthur kay Shai. Napakatagal nilang nagyakapan hanggang sa nagtama ang kanilang paningin. Dahan-dahan nilang inilapit ang kanilang mga labi hanggang sa ito ay maglapat. Nakaramdam sila ng matinding kuryente na nagpalambot sa kanilang mga buto. Hanggang sa pumikit silang dalawa. Parang obra na ipininta ang kanilang hitsura na kung saan ang mga puno at palubog na araw ang nagsilbing background picture nila.
Matagal na magkalapat ang kanilang mga labi hanggang sa unti-unti naglayo ang kanilang labi at nagdikit ang kanilang ilong habang hinahabol ang kanilang paghinga.
Shai, alam ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng pinangarap ko noon pa. At ang nangyaring ito sa ating dalawa ay hinding-hindi ko malilimutan.
Ako din Arthur. Ganito pala ang pakiramdam. Ito pala ang sinasabi mo na sana ay noon ko pa naramdaman. Muling yumakap si Shai kay Arthur. Mahigpit ito na tila ayaw nilang pakawalan ang isa't-isa.
Sobrang saya ng nararamdaman ni Arthur sa mga oras na iyon. Parang ayaw na niyang umalis sa panahon kung nasaan siya. Pero mabigat ang kalooban niya. Hindi tama ito. Hindi sa ganitong panahon. Tama ba na mangyari ang mga bagay na ito bago pa kami sumapit sa panahon na magkakahiwalay kami, bulong ni Arthur sa sarili.
Nang maihatid na ni Arthur si Shai pauwi sa kanila, pumunta siya sa plaza. Nakita niya doon ang matandang lalaki na nagbebenta ng balot.
Oh Arthur! Ako ba ang hinahanap mo, tanong ng matandang lalaki.
Hoy manong! Marami akong gustong itanong sa 'yo.
Sige sabihin mo sa akin. Pero isa-isa lang ha, pabirong wika ng matandang lalaki. Bakit? Nagustuhan mo ba ang date niyo kanina?
Hindi 'yun, manong. Nagtataka ako sa nangyayari. Di ba sabi mo na hindi dapat mabago ang lahat sa nakaraan? Eh paano na? Kami na ni Shai. Pero dapat sa 2004 pa niya ako sasagutin? Paano 'yun? Nabago ko na ang nakaraan na malamang makaapekto sa hinaharap ko.
Ah. 'Yun ba? Eh ano naman? Di ba 'yun naman talaga ang dapat mangyari? At tsaka ayaw mo naman makinig sa aking mga babala. Kaya hinayaan na kita sa gusto mo. Di ba 'yun ang gusto mo?
Alam mo manong, nagsisimula na akong magduda sa 'yo. Sino ka ba? Ano ba ang papel mo at bakit parang interesado ka sa kwento ko.
Arthur, hindi na mahalaga kung sino ako. Gawin mo ang gusto mo. Bakit? Ayaw mo bang samantalahin ang pagkakataon na itama ang lahat?
Pero may mali. Alam ko na mayroong mali. Pero hindi ko alam kung ano 'yun.
Bakit? Gusto mo bang bigyan kita ng isa pang extra ride?
Anong extra ride ang sinasabi mo, manong?
Isa na lang ang pagkakataon mo na pumunta sa ibang panahon. Bibigyan kita ng isa pa. Pero ako ang masusunod kung saan kita dadalhin.
Huwag na. Gagamitin ko ang nahuhuling pagkakataon sa ibang pagkakataon.
Mahal mo ba talaga si Shai? Siya ba talaga ang itinitibok ng puso mo?
Napatigil si Arthur. Anong klaseng tanong 'yan, manong? Alam mo ang sagot diyan.
Oo naman Arthur. Pero gusto ko na manggaling sa 'yo ang sagot. Alam ko na nag-aalangan ka na ituloy ang nangyayari sa inyo ni Shai. Alam ko 'yun. May bagay na nagpapagulo sa isip mo.
Iniisip ko lang naman 'yung pwedeng mangyari kung babalik ako sa totoong panahon ko.
Kung ganun, ano ang maitutulong ko sa 'yo?
Ibalik mo ako sa panahon ko.
Ang panahon na 'yun ba ang gusto mo? Sigurado ka ba? Iiwan mo si Shai sa panahon na 'to? Baka magsisi ka. Binabalaan kita. Sa oras na pinilit mong bumalik sa panahon na 'yun eh magiging katapusan niyo nang dalawa.
Wala na akong pakialam. Naging kami na sa panahon na 'to. Nakahingi na ako ng tawad sa kanya.
Pero hindi kita papayagan na makabalik basta-basta sa panahon mo. Alam ko na hindi pa ito sapat sa 'yo. May hindi ka pa nagagawa. Kung ako sa 'yo, gagamitin ko na ang extra ride na special offer ko sa 'yo.
Napaisip si Arthur. Sige, tatanggapin ko na. Pero bago 'yun, may gagawin lang ako sandali.
Umuwi si Arthur at nagsimulang magsulat sa isang notebook. Magdamag siyang nagsulat ng kanyang tunay na nararamdaman hanggang sa natapos niya ng madaling-araw.
Bukang-liwayway nang pumunta si Arthur sa harap ng bahay ni Shai. Iniwan niya ang notebook sa may bintana ng kuwarto ni Shai. Agad siyang bumalik pauwi sa bahay. Ang oras, 5:53:43 ng umaga. Humarap siya sa pinto ng kanilang bahay.
5:55:55...
Agad siyang pumasok sa pinto na pikit ang mga mata.
...
Nang inimulat niya ang kanyang mga mata, nasa Office of Student Affairs Building siya at nakapila hawak ang kanyang mga requirements para sa enrolment. Ang taon, May 17, 2000. Habang nasa pila, napansin niya si Aida na nasa katabing linya.
Teka, bakit ako nandito? Napansin niya na malungkot ang mukha ni Aida. Bigla niyang naalala na sa panahon na ito nag-break nasila ng boyfriend niya. Siguro medyo di pa siya nakaka-move on.
Sabay silang nakatapos sa pag-aayos ng requirements. Sabay din silang lumabas sa building. Naglakad si Aida palabas ng university. Dumaan siya sa mahabang tulay na malapit sa dorm. Kasunod niya si Arthur na may layong limang metro naglalakad sa kanyang likuran. Nakahalata si Aida sa ginagawa ni Arthur. Sinusundan mo ba ako?

BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...