I

65 2 4
                                    

Mr. Lee, pinapatawag ka sa principal's office, wika ng isang teacher sa lalaking nakaupo at nag-aayos ng mga libro sa library. Makapal ang suot niyang eyeglasses. Matangkad, matipuno at kakikitaan na may pagka-suplado.

Agad siyang nagtungo sa principal's office. Hawak niya ang libro na may pamagat na The Time Traveller's Wife na binubuklat niya habang naglalakad. Nasa loob ng opisina si Mrs. Aurora na may dalang sulat na inabot sa kanya.

I was surprised by this letter, Mr. Lee. I never thought na may sideline ka pala na magsulat ng mga fiction novel through online. This letter arrived from a TV station yesterday at gusto nilang i-feature ka sa isa nilang show.

Nanalaki ang mga mata ni Arthur. Talaga po? So ano po ang desisyon niyo?

I'm sorry to tell you that we will not allow the TV station to have their shoot here in our school. I suppose that you understand the rules and regulations of the administrators especially for the faculty and staff.

I understand Ma'm, tugon ni Arthur na may malungkot na tono.

Well, I have a suggestion. Why don't you have an interview in a place somewhere near our school? You're famous now and your stories were definitely phenomenal. Kahit ako ay nagbabasa din at na-eentertain. You did a good job! Good luck to your writing career and I hope for the best. But please, don't leave this school.

Napangiti si Arthur sa sinabi ng principal. Isa itong malaking karangalan sa kanya dahil natupad na ang kanyang pangarap na maging isang ganap na manunulat. Bagama't stressful ang pagtuturo, hindi ito naging hadlang para makapagsulat siya ng magagandang fiction stories sa online.

Paglabas niya sa opisina, biglang tumunog ang kanyang celphone na agad niyang sinagot.

Anak, Forty days na ni Aida. Hindi ka ba uuwi sa Magallanes?

Uuwi po ako, Nay. Gusto niyo bang sumama?

Naku hindi na anak. Mas okay na ikaw na lang. Kailangan ka magpakita sa mga biyenan mo. Magpapadasal na lang kami dito sa Silang.

...

Kinabukasan ay pumunta si Arthur sa isang sementeryo sa Magallanes. May dala siyang bulaklak at kandila na iniligay niya ito sa harap ng isang puntod na may pangalan na Aida Lee. Apatnapung araw na ang nakakalipas nang maaksidente at masawi ang kanyang asawa ang sinasakyan nitong jeep.

Pasensiya ka na Aida. Sayang at hindi mo naabutan ang break ko bilang isang writer. Pasensiya ka na din kung naging pasaway ako noong buhay ka pa. Pero ngayon na nasa langit ka na, alam ko na wala ka nang poproblemahin dahil naiwan na ako dito.

Sa kanyang likuran ay dumating ang kakambal ni Aida na si Aila. May dala din itong bulaklak at mga kandila. Kanina ka pa ba Arthur?

Hindi naman. Kamusta ka na, Aila? Medyo matagal na din noong huli tayong nagkita.

Oo nga. Medyo okay naman sina Mama at Papa. Mahirap para sa amin ang pagkawala ni Aida kaya hanggang ngayon ay hindi pa din sila makausap ng maayos. Eh ikaw? Balita ko sikat ka na dahil sa mga isinusulat mo.

Hindi naman masyado, matipid na sagot ni Arthur. Naiilang siya dahil kamukha ng asawa niya si Aila kaya hindi siya makatingin ng tuwid. Tumunog muli ang celphone ni Arthur at agad niyang sinagot.

Pare, alumni homecoming na natin next week. Pupunta ka ba, tanong ng lalaki sa linya.

I'm not sure, Lex. May mga inaayos kasi ako sa...

You should be there, dude. May award na ibibigay sa 'yo ang school natin dahil sa ginawa mo as an online writer. Di ka dapat mawala. I'll text you about the details. So be prepared, dude. Kasi present lahat ang mga ka-batch natin. And that includes Shai and Karla.

I have no time for those flashback or trip back from memory lane. But I'll think about it. I'm not sure if I'll be there, at pinutol ni Arthur ang kanilang pag-uusap. I have to go, Aila. Pakikamusta na lang ako kina Mama at Papa.

Paalis na siya nang pinigilan siya ni Aila. Arthur, are you sure that you have to leave the apartment? I mean, puwede naman tayong maghati sa bills and other expenses. Bilin 'yun sa akin ni Aida.

Siguro eh mag-stay muna ako ng mga apat na buwan sa apartment. Naisip ko na umuwi at tumira na sa Silang dahil mas kailangan ako doon. Isa pa eh marami kaming mga alaala ni Aida sa lugar na 'yun. Paano ikaw?

Siguro eh ganun din. Palipasin ko muna ang apat na buwan bago ako makahanap ng bagong bahay.

...

Nagmamadaling pumasok si Arthur sa isang mall. Agad niyang hinanap ang comfort room. Nang nakarating siya sa loob ay nakita niya na puno ito ng tao. May lumapit sa kanyang matanda at nagtanong ng oras.

4:42 ng hapon na po Lolo, wika niya na naghihintay ng lalabas sa cubicle.

Bata, sa oras na pumasok ka sa cubicle eh puwedeng makahingi ng tissue?

Sige po.

Salamat ha. Sigurado ako na paglabas mo mamaya ay magbabago ang lahat.

Napangiti na lang si Arthur at agad na pumasok sa cublicle kapalit ng lalaking umalis.

Habang nakaupo siya sa toilet bowl ay bigla niyang naisip ang mangyayaring alumni homecoming. Naisip niya si Shai, ang kanyang kaklase at malapit na kaibigan na naging girlfriend nito nang maka-graduate siya ng college. Biglang bumalik sa kanyang isip ang kanilang huling pag-uusap.

Ikakasal na ako kay Aida. Patawarin mo ako, Shai. Tandang-tanda niya ang pagtalikod at paglayo sa kanya ng babaeng minahal niya simula noong pagkabata.

Magkikita na kami ni Shai. Parang hindi ko siya kayang harapin. Kung puwede lang sana na maayos at makahingi ako ng tawad sa kanya bago siya harapin eh di sana hindi ako nahihirapan ng ganito. Hindi pa din ako maka-move on sa nangyari sa amin.

Nang nakatapos na siyang gumamit ng banyo ay narinig niya ang mabagal na tunog ng paggalaw ng kamay ng kanyang wrist watch.

4:44:43 PM...

Pinihit niya ang doorknob ng cublicle...

4:44:44 PM...

... At lumabas siya ng banyo sa kanilang bahay na naka-tuwalya. Isang malakas na hampas sa kanyang likuran ang gumulat sa kanya.

Pambihira ka Arthur! Ang tagal-tagal mo sa banyo! Galit na galit ang nanay niya na nagmamadaling pumasok sa banyo.

Nagtaka si Arthur sa nangyari. Ang natatandaan ko ay nasa banyo ako ng mall. Teka, bakit nasa loob ako ng bahay naming? Napatingin si Arthur sa salamin. Nakita niya ang hitsura niya – payat, flat-tops ang buhok at bumata ang kanyang hitsura ng labing-pitong taon. Teka, bakit ganito ang hitsura ko? Bakit nandito ako? Napatingin siya sa kalenderyo. Ang petsa – August 16, 1998.

#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon