XV

10 1 0
                                    


Kasamang umuwi ni Arthur si Shai sa kanyang bahay. Nagluto ng hapunan si Arthur samantalang si Shai ay tulala na nakaupo sa sala. Tahimik si Arthur na nagluluto. Ayaw niyang magsalita ng kahit ano kay Shai dahil baka magalit o umiyak ito. Napaisip siya sa kundisyon ni Shai na hindi maganda ang kahihinatnan sa panahon niya.

Lumapit si Arthur kay Shai. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang mga kamay nito. Kumain muna tayo, alam ko na gutom ka na.

Arthur, paano kapag nawala ako? Mawawala na ang lahat sa atin, naiiyak na wika ni Shai.

Shai, ipagtatapat ko sa 'yo ito. Alam mo, noong sinagot mo ako noong 2004, ako ang pinakamasayang tao noon. Kasabay din nun ay ang pag-amin sa akin ni Aida na buntis siya. Pakiramdam ko, ako ang pinakamalas na tao sa mundo. Pero nang nakasama ko si Aida, itinuro niya sa akin ang isang bagay na dapat mo din na malaman.

Ano 'yun, Arthur?

Na sa mundong ito, nagiging tama ang desisyon ng isang tao kapag pinanindigan mo. At siyempre, kapag hindi mo ito pinanindigan, doon ka nagkamali.

Kung ganun, sinasabi mo ba sa akin na nagkamali ka ng desisyon noong iniwan mo ako noong 2004?

Noong una, akala ko mali ang ginawa ko. Pero noong nakasama ko na si Aida, ibinangon niya ako muli sa nangyari sa atin. Alam niya na mahal kita kaysa sa kanya. Ngunit tinanggap niya ako, tinulungan at sinuportahan sa lahat ng aking desisyon. Pero naging makasarili ako. Umaasa ako na magkikita pa tayo noong mga panahon na 'yun. Pero hindi na pwede dahil kasal na ako kay Aida. Nang dumating ang sakit niya, doon ko naisip kung gaano siya kahalaga sa akin. Nang namatay siya, sabi niya na balikan kita. Kaso may asawa ka na din kaya pinili ko na manatili sa tabi niya hanggang sa mamatay siya. Hindi ako nagkamali sa desisyon ko. Dahil doon ko natutunan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal – sakripisyo.

Tama, nagmamahal tayo kahit ang kapalit ay matinding sakripisyo. Masakit man, pero 'yun ang tama, di ba, tugon ni Shai.

Minsan, para sa kabutihan ng lahat, dapat tayong magsakripisyo para sa mga taong mahal natin kapalit man ay ating pansariling kaligayahan. Ang tunay na nagmamahal ay hindi madamot o sakim.

Yumakap ng mahigpit si Shai kay Arthur. Napaiyak silang dalawa dahil sa kanilang nararamdaman sa isa't-isa. Siguro nga eh hindi tayo para sa isa't-isa, Shai. Kahit ano ang gawin natin, hindi talaga tayo sa huli, bulong ni Arthur.

...

Kinaumagahan, nagising si Arthur na katabi si Shai sa kanyang kama. Pinagmasdan niya ito ng matagal. Hinaplos-haplos ang kanyang buhok at pisngi. Isang mapait na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi na puno ng panghihinayang at kalungkutan. Kung ganito lang sana ang nangyari sa amin, hindi sana hahantong ang lahat sa masakit at mahirap na sitwasyon.

Habang nabili si Arthur ng agahan nila ni Shai, dumating ang matandang lalaki na nakasakay sa bisikleta na may sidecar. Nagtitinda siya ng pan de sal. Arthur, binabalaan kita na habang nagtatagal si Shai na mula sa nakaraan ay nagiging peligroso ang buhay niya.

Pero manong, paano ko ba siya pababalikin sa panahon niya? Hindi naman siya katulad ko na pwedeng bumalik at pumunta kung kailan ko gusto.

'Yun na nga eh. Kailangan niya muling subukan ang ginawa niya noong pumunta siya dito.

'Yung notebook, kailangan niyang gamitin ang notebook na ibinigay ko sa kanya. Tama ba ako manong?

Ganun na nga, sabihin mo sa kanya ang paraan na 'yun para makabalik na siya kaagad.

Nagmamadaling bumalik si Arthur sa kanyang bahay. Naabutan niya si Shai na ginagamit ang kanyang laptop computer. Nakita niya na bukas ang kanyang Facebook account.

Arthur, naalala ko noon na nabanggit mo ang Facebook. Ano ba 'to?

Ah. Yan ba? 'Yan ang paraan ngayon para maging connected ka sa mga tao. Social media ang tawag dyan.

Ano nga ba uli 'yun?

Ganito kasi 'yan. Sa panahon ngayon, ang internet, lalo na ang mga ganyang social media sites ang makabagong paraan ng pakikipagkaibigan o kaya kung may hinahanap kang tao, maaari mo siyang makita dyan. Halos lahat ng tao sa Pilipinas ay may mga account sa Facebook.

Umupo si Arthur sa tabi ni Shai. Gusto mo bang makita ang hitsura ng mga classmates natin noong high school tayo? Sino ang gusto mong makita ang hitsura ngayon?

Ahm... 'Yung kapatid ko na lang, si Liza.

Okay. I-type mo dun sa search box ang name niya tapos i-enter mo.

Ginawa ni Shai ang sinabi ni Arthur. Nakita niya ang kanyang kapatid na twenty-four years old na. Sa isang isang radio station ito nagtatrabaho.

Wow! Kapatid ko ba 'yan? Ang galing! Ini-scroll down niya ang iba control pad at nakita at nabasa niya ang mga status nito pati ang mga uploaded pictures nito.

Biglang tumunog ang smart phone ni Arthur. Nakita niya tumatawag si Aila, ang kakambal ni Aida.

Arthur, can we meet today? May sasabihin kasi ako sa 'yo ng personal.

S-sure. Saan ba?

Doon sana sa coffee house sa may Manggahan. Meet me at 10:00 this morning.

Okay, at ibinaba ni Arthur ang telepono.

Napatingin si Shai sa kanya. Sino siya?

Si Aila, 'yung twin sister ni Aida. Makikipagkita ako sa kanya.

Ganun ba? Sige, pwede mo naman akong iwan dito.

Inihatid ni Shai ng tanaw si Arthur na naglalakad palabas ng bahay. Nang makaalis ito, agad siyang bumalik sa laptop. Isinulat niya sa search engine ang kanyang pangalan. Lumabas ang kanyang larawan at ang pangalan na Shai Valiente - De Borja.

De Borja ang apelyido ng asawa ko? Nang i-click niya ang pangalan ay lumantad sa kanya ang kanyang sarili sa kasalukuyan na ikinagulat niya.

#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon