XVI

5 1 0
                                    

Call center trainer... lives in Las Piñas City... married to Ronald de Borja... graduated in De La Salle University – Dasmariñas... Ako ba talaga ito, tanong ni Shai. Nag-scroll down pa siya at nakita ang kanyang sarili. Successful na siya sa kanyang propesyon ngayon at may maayos na buhay dahil nakapag-pundar na siya ng bahay, sasakyan at negosyo. Tiningnan din niya ang iba pang mga pictures. Nag-iba ang kanyang mood nang makita ang isang larawan na na-upload noong isang taon – namayapa na ang kanyang mga magulang dahil sa isang malagim na aksidente. Tiningnan pa niya ang iba pang mga larawan at status niya.

Kung ganun, naging maayos ang buhay ko dito, wika ni Shai. Ngunit biglang nakaramdman si Shai na parang nahihilo at naiinitan, nakita niya ang kanyang mga kamay na parang nagkakaroon ng buhangin. Pinagpag niya ito ngunit hindi nawawala. Maya-maya pa ay parang nalulusaw ang mga ito na tila naglalaho. Tumakbo siya sa salamin, nakita niya ang sarili na parang umuusok at lumalabo ang imahe habang nakaharap siya sa salamin. Ano ito? Ano ang nagyayari sa akin?

Sa isang coffee shop, magkaharap si Arthur at si Aila...

I'm sorry kung naabala kita, Arthur.

It's okay. Wala 'yun, Aila.

Kamusta ka na? Pinatatanong kasi nina Mama at Papa 'yung lagay mo. By the way, pasensiya na kung di ako napapadalaw dun sa bahay. Don't worry, kukunin ko 'yung mga gamit ko next week.

Ganun ba? Basta pumunta ka na lang doon. Lagi naman bukas ang bahay para sa 'yo.

Para yatang balisa ka at stressed. May nangyari ba sa 'yo?

Ako? Wala naman, Aila. I'm fine.

It's been three weeks. Ang bilis pero feeling ko pa din eh nasa paligid lang si Aida. May ibibigay sana ako sa 'yo. Iniabot niya ang isang kahon na nakabalot sa isang magandang gift wrap. Regalo ko 'yan para sa 'yo.

Binuksan ni Arthur ang regalo. Isang bagong journal ang laman nito. Napangiti siya kay Aila. Alam mo talaga ang gusto ko.

Si Aida kasi eh lagi kang nireregaluhan ng mga ganyan. Mabuti at nagustuhan mo.

Samantala, nanghihina si Shai na naglalakad papunta sa kuwarto ni Arthur. Nakita niya ang dala niyang notebook at agad na kinuha. Binuklat niya ito at nabasa ang isang pahina.

Ang ikatlong babala, isa lang ang pwedeng Shai ang mag-exist sa mundo? Bumalik sa kanyang isip ang sinabi ng matandang lalaki kahapon. Kung ganun, ito na kaya ang sinasabi niya ako ang maglalaho?

Agad na lumabas ng apartment si Shai na nakasuot ng jacket ni Arthur. Sa kanyang paglalakad ay may bakas ng buhangin sa daan. Pumunta siya sa sakayan ng bus. Kailangan ko munang gawin ang isang bagay bago ako maglaho, wika ni Shai na hinahabol ang paghinga.

Lumabas sina Arthur at Aila sa coffee shop. Inihatid ni Aila si Arthur sa apartment sakay ng kotse. Napansin niya na bukas ang pinto nito. Nakita niya na madaming buhangin sa sahig.

Si Shai... Nasaan siya?

Shai? Sino siya, tanong ni Aila.

May bisita kasi ako dito eh. Hinanap ng dalawa si Shai sa pero din nila makita.

Maya-maya ay dumating ang matandang lalaki na nakasuot ng isang kartero. Huli ka na, Arthur. Nangyari na ang dapat na mangyari sa kanya.

Ano ang ibig mong sabihin, manong? Nasaan siya?

Arthur, sino siya, tanong ni Aila.

Kamusta, Aila. Wala akong oras na makipagkilala sa 'yo. Arthur, nadiskubre na ni Shai ang kanyang pagkatao sa kasalukuyan. Dahil sa Facebook na 'yan, napabilis ang proseso ng kanyang paglaho sa panahon na ito na parang buhangin na unti-unting nauubos sa hourglass.

Hindi ko ito inaasahan. Kung ganun, nagsisimula na siyang mawala?

Oo. Bago lumubog ang araw ay maglalaho na siya at ang lahat ng alaala na ibinigay mo sa kanya ay mawawala na din. Ang mga buhangin na nakikita mo sa paligid ay isang patunay na hindi na niya kayang labanan ang pwersa ng oras na nagpapanatili sa kanya dito.

Kug ganun, saan siya pwedeng pumunta, manong?

'Yan ang hindi ko masasagot. Binalaan na kita ibalik mo siya agad sa panahon niya. Pero hindi ka nakinig. Pero hindi kita pwedeng sisihin sa mga nangyari. Kahit si Shai ay ginusto din ang nangyari sa inyo ngunit sinamang-palad siya.

Agad na tumakbo palabas ng bahay si Arthur. Nakita niya sa daan ang mga bakas ng buhangin.

Sandali lang Arthur, pigil ni Aila sa kanya. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Pero sa tingin ko ay sundin mo ang nararamdaman mo ngayon. Hindi ko kilala ang Shai na 'yun pero alam ko na kailangan mo siya... at kailangan ka niya. Sundan mo na siya. Ako na ang bahala sa apartment.

Salamat, Aila. Babalik agad ako.

Mabilis na tumatakbo si Arthur habang sinusundan ang bakas ng buhangin ni Shai. Nakarating siya sakayan ng bus. Pakiramdam niya ay sumakay ito ng bus.

Sa biyahe, nag-iisip si Arthur ng mga posibleng puntahan si Shai ngunit walang pumapasok sa kanyang isip. Diyos ko, huwag niyo pong pababayan si Shai. hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama.

#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon