Dumating si Arthur sa kanyang school at nagsimulang magtrabaho muli bilang librarian. May mga teaching load din siya na kung saan nagtuturo siya ng Araling Panlipunan sa high school.
Sa labas ng school ay nagpupumilit na pumasok si Shai na nasa edad na labing-anim. Nakikipagtalo siya sa guwardiya. Nakikiusap po ako. Gusto ko pong makausap si Arthur.
O sige, naiinis na wika ng guwardiya sa gate. Maghintay ka dito at ako ang tatawag kay Mr. Lee.
Nang nakahanap ng butas si Shai ay agad siyang tumakbo sa loob ng school at dumaretso sa library. Naabutan niya ang mga estudyante na nagbabasa. Itinanong niyasa mga ito kung nasaan si Arthur.
Wala pa siya eh. Baka nasa canteen. Punta ka na lang doon, wika ng isang estudyante sa kanya.
Habang nasa canteen ay bigla siyang nakita ng guwardiya. Agad siyang dinala sa principlal's office para makausap ni Mrs. Aurora. Bakit mo hinahanap si Mr Lee, tanong ni Mrs. Aurora sa kanya. At tsaka saan kang school nag-aaral.
I'm sorry Ma'm, pero baka po pwedeng makausap si Arthur. Malayo pa po ang aking pinanggalingan. Kailangan lang po talaga...
Napadaan si Arthur sa principal's office. Laking gulat niya nang makita niya ang batang Shai na kausap si Mrs. Aurora. Agad siyang pumasok sa loob at hinarap ang dalawa.
Oh there you are Mr. Lee. This girl is insisting that he knows you, isn't she?
Napatingin si Shai kay Arthur na may nanlilisik na mata. Napalunok si Arthur at agad na hinatak palabas si Shai ng opisina.
Bakit ka narito? Paano ka nakapunta dito? Itinuro ba sa 'yo ni manong ang papunta dito?
Hindi. Ginaya ko lang 'yung ginawa mo noong nag-time travel tayo. At nagawa ko. Tinapakan ni Shai ang paa ni Arthur at napatalon ito sa sakit.
Para saan 'yun?
Grabe ka! Inilabas ni Shai ang notebook at iniabot kay Arthur. Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang mga nakasulat diyan. Pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang totoong dahilan kung bakit ka umalis?
Napakamot ng ulo si Arthur. Hindi niya alam kung paano sisimulang magpaliwanag kay Shai. Pwedeng mamaya na tayo mag-usap? May trabaho pa ako. Doon ka muna sa library. Basta huwag kang magulo. Okay?
Oo na, masungit na sagot ni Shai.
Mangako ka sa akin na hindi ka gagawa ng gulo dito. Maliwanang?
Tumango lang si Shai at pumasok sa library.
...
Pumasok si Arthur sa kanyang klase. Hindi niya namalayan na kasunod niya si Shai na agad naupo sa isang bakanteng armchair. Habang binubuklat ni Arthur ang libro para sa pagsisimula ng klase, tumaas ng kamay si Shai. Sir, can I sit-in in your class? Napatingin ang lahat kay Shai. Nanlaki ang mga mata ni Arthur.
S-sure...
Sir Lee, sino siya, tanong ng isang estudyante.
Tumayo si Shai at nagpakilala sa klase. Good morning! My name is Shai Valiente from Silang, Cavite... and I'm Arthur Lee's girlfriend... from the past.
Nagbulungan ang mga estudyante. Ang iba ay nagtaka, natawa at natuwa. Wow Sir Lee, ang bata pala ng inyong girlfriend, wka ng isa niyang estudyante.
Nanatiling kalmado si Arthur. Ms. Valiente, welcome to my class. You can sit anywhere but make sure you'll behave properly. okay?
Ano ba 'yan? Napakasungit na teacher mo pala. Para kang mga teacher noong panahon natin, biro ni Shai.
Ms. Valiente, I have no plans to humiliate you in my class. Please seat down and make yourself comfortable. Okay?
Naupo si Shai at tumahimik. Alam niya na galit si Arthur. At sumama ang kanyang loob dahil napahiya siya sa klase.
Bago pa magsimula ang klase, biglang lumabas si Shai na hindi nagpapaalam. Agad na sinundan siya ni Arthur at pinigilan umalis.
Bitiwan mo nga ako! Naiinis ako sa 'yo, galit na galit na sabi ni Shai.
Shai, bakit ka ba nandito? Pwede ba na bumalik ka sa panahon mo? Gugulo lang ang lahat eh.
Alam mo, ngayon ko na naintindihan kung bakit gusto mong bumalik dito sa panahon mo. Kasi ito na ang buhay mo. Masaya ka dito. Pero ako? Iniwan mo ako! Pero sinundan pa din kita kahit na mali dahil mahal kita.
Magkaiba ang panahon natin, Shai. Hindi mo pa alam ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw, buwan, o taon. Nagawa ko na ang dapat kong gawin.
Ah ganun? At ako? Basta mo na lang ako iniwan? Tapos 'yung isinulat mo sa notebook, ang labo pa ng mensahe. Mahal mo ako? 'Yun ang sinabi mo, di ba? Pero bakit mo ako iniwan? Dahil ba nagawa mo na ang dapat mong gawin?
Shai, you have no idea kung ano ang nangyari sa akin after 2004 na naghiwalay tayo. May karapatan kang magalit dahil sa ginawa ko. Pero sinasabi ko sa 'yo, we better stop this time travel thing. Hindi natin alam ang magiging masamang epekto nito. Please Shai, I'm begging, hayaan mo na lang ako sarilinin ang lahat ng sakit sa nangyari sa atin.
Alam mo, napaka-selfish mo. Arthur, hindi ako tatawid sa panahon mo kung hindi ako handa. Wala na naman si Aida. Makakasama mo na ako.
Mali ka, Shai. hindi pwedeng mag-exist ang past at future mo sa iisang panahon. Naalala mo ba ang sinabi sa 'yo ni manong? Isa sa inyo ang mawawala dito sa panahon ko? Paano kung ikaw ang mawala? O 'yung ikaw sa panahon ngayon?
Napatigil si Shai. nakalimutan niya ang ikatlong babala ng matandang lalaki sa kanya.
Mula sa likod nila ay lumitaw ang matandang lalaki na nagde-deliver ng mineral water sa school. Tama ang sinabi sa 'yo ni Arthur , Shai. hindi kayo pwedeng magharap ng kasalukuyang ikaw dahil maglalaho ka.
Teka, bakit siya ang maglalaho, tanong ni Arthur.
Galing siya na nakaraan at wala siyang alam sa mga nangyari sa panahon ngayon. At hindi lang 'yan, dahil sa oras na mawala siya ay maglalaho na din ang alaala niyong nabago sa nakaraan. Sa madaling salita, mababalewala ang lahat ng mga nangyari at ginawa mo nang bumalik ka sa nakaaan, paliwanag ng matandang lalaki sa kay Arthur.
Kung ganun, ano ag dapat namin gawin ni Shai?
Wala kayong magagawa. Si Shai ay nakarating dito dahil may hawak siyang isang bagay na ginawa mo sa nakaraan, at 'yun ay ang notebook mo. Ito ang nagsilbing tulay niya sa magkaibang panahon. Pero sa kasamaang palad, dalawa ang kaniyang kahihinatnan – ang masakit na unti-unting paglaho ng katawan o paglaho sa oras na makita niya ang kanyang sarili sa kasalukuyan.
Napatigil ang dalawa at nagkatinginan. humawak si Shai sa kamay ni Arthur nang mahigpit. Ramdam ni Arthur ang takot ni Shai dahil sa panginginig at mabilis na tibok ng puso nito.

BINABASA MO ANG
#TurnBackTime (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasyNatuklasan ni Arthur Lee ang isang paraan para makapaglakbay sa iba't-ibang panahon. Dala ang sugat ng nakaraan ng kanyang unang pag-ibig, bumalik siya sa nakaraan upang itama ito. Ngunit may kabayaran ang lahat... Paano ito haharapin ni Arthur Lee...