"Kapag nalulungkot ka nandito ko para pasayahin ka, kapag kailangan mo ng masasandalan nandito lang ako para pasandalin ka sa mga balikat ko, kapag kailangan mo ng tulong ko isang tawag mo lang ay darating na ako...."
"Itigil mo na yan! Isang kasinungalingan ang lahat ng iyong tinuran! Lahat ng iyong pangako ay walang say say!" sampit ni Celestine habang siya ay lumuluha kitang kita ko na namumukto ang kanyang mga mata.
"Patawad Celestine....matagal na kitang nais puntahan ngunit napakarami kong suliranin at kamakailan lang ay namatay ang aking ama"
"Kaya ka ba narito ay nais mo ng tapusin ang ating relasyon?"
"Celestine..."
"Manloloko ka Mark...sabi mo mahal mo ko sabi mo ipaglalaban mo ko!"
"Celestine hindi mo naiintindihan! Kailangan kitang protektahan hindi mapuputol ang ating relasyon! Kailangan lamang kitang mailayo sa kaguluhang nangyayari ngayon saaking paligid"
"Ayoko ng marinig pa ang iyong mga sasabihin!" kaagad siyang tumakbo at hinabol ko siya.
"Celestine! Harapin mo ko! Pakinggan mo naman ako oh!"
"Kahit anong paliwanag ang sabihin mo hindi na kita paniniwalaan manloloko ka!"
"Manloloko?" hinablot ko ang kanyang kamay at hinarap siya saakin.
"Bakit mo nasasabi yan? Bakit hindi mo muna pakinggan ang paliwanag ko"dagdag ko.
"Paliwanag? Tapos ano? Maglolokohan nalang ba tayo? Wala na yatang patutungunan ang relasyon natin eh....matapos kitang ipaglaban sa magulang ko heto lang ang igaganti mo saakin? Sana nakinig nalang ako sa kanila"
"Bakit hindi ba kita ipinag laban saaking mga magulang? Ipinaglaban din kita kasi mahal na mahal kita Celestine! Nagawa ko silang suwayin dahil mahal na mahal kita!"
"Btiwan mo ko!" tatawid si Celestine ng makita ko si Francis na nag mamaneho ng isang humaharurot na truck kaagad ko siyang tinulak at ako ang nahagip ng truck malakas ang pagkakahagip ng truck saakin kaya naman tumama ang aking ulo sa isang matigas na bagay at yun na ang huling pangyayaring naalala ko.
____
"Aking Reyna...isang magandang araw sayo" bati ko nang ako ay pumunta sa palasyo upang alamin kung totoo nga ba ang binalita ni Aleonah
"Francis....hindi ngayon ang tamang oras upang pumunta ka sa palasyo" batid kung simula nang mawala si Jeremy ay nag dududa na ang reyna saakin pero hindi ko siya hinayaang malaman ang aking mga plano. Batid niya na mainit ang dugo namin ni Jeremy sa isat isa kaya naman alam kung di malayong akoy pag dudahan niya.
"Binibisita lamang kita"
"Francis..."
"Batid kung buhay si Jeremy....nais ko lamang malaman kung totoo ang balitang aking nasagap"
"Kung kanino mo man narinig ang balitang yan..."
"Buong pag aakala ko ay wala na siya sapagkat yun ang ulat ng aking mga tauhan pero baka nga buhay pa siya dahil wala namang nakitang labi ng iyong panganay na anak"
BINABASA MO ANG
Searching the Casanova's Prince
Novela JuvenilNot everything will stay, Even some memories will fade away. But you are the one who will choose your way. It's either facing the nightmare of the past or accepting the present and move forward. Indeed, everything is hard... But the search is not ov...