Chapter 47: To Let Him Go

100 3 0
                                    

          Papunta na ko kila Khyle nang makita ko sa telibisyon si Jharo aba aba! talaga palang naglantad na siya sa media hmm ang angas ng dating niya ang layo sa lalampa lampa at maputlang itsura ni Jharo ah! alam ko na baka makeup lang! proud pa siyang magiging hari siya eh hindi naman niya malulutas lahat ng sulinarin ng bansa sus! nagpapabango ng pangalan!

"Khyle alam mo na ba ang balita?' bungad ko pagdating ko kila Khyle.

"Oo..." nakita ko na uminom siya ng gamot hmmm

"Ah...okay ka lang ba?"

"Oo.."

"Tingin ko kasi hindi"

"Wala to, Setong" nilapitan ko si Khyle at nilapat ang palad ko sa noo at leeg niya hmm mainit si Khyle nako kinakabahan ako.

"Hindi maganda ang pakiramdam mo no?"

"Hindi ako sakitin"

"Parang hindi yata kapaniwala kapaniwala yun" kuha ko ng twalya at dinampi sa kanya.

"Setong hindi mo na kailangan gawin to"

"May lagnat ka...nasaan ang mga bata?"

"Naglalaro sa labas"

"Naisip mo ba na kung sa kaling mawala ka...paano na kaya sila?"

"Napamahal na sila saakin...yun ang totoo"

"Alam ko naman yun Khyle kaya nga kailangan ingatan mo ang sarili mo alam ko naman na kahit sila ay ayaw din na mawala ka sobra sobra ang pagmamahal sayo ni Lilo at ni Ilayda"

"Eh ikaw ba? ganun na din ba kalabis ang pagmamahal mo sakin?"

O_____O!!!!! nagkatitigan kami ni Khyle tila nabasag ng katahimikan ang lahat....humito ang oras at kahit anong gawin ko hindi ko maigalaw ang sarili ko ...hindi ko maiwasan ang mga titig niya...

JHARO's POV: Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ba talagang nararamdaman ko para kay Setong pero ano nga ba kasing meroon sa babaeng ito? sa una natutuwa lang ako sa kanya pero hindi ko din maipagkakailang gusto ko siya...gusto kita dahil mahal kita O_______O!!! tama nga ba ang iniisip at nararadaman ko? ang babaeng lampa na to? MAHAL KO na??? pinipigilan ko naman pero...ako? ni minsan sa buhay ko hindi ko naranasan umibig at ang pakiramdam na to? ito na ba yun? ano bang alam ng isang nilalang na gaya ko sa larangan ng pagibig? bakit? bakit ganito ang nararamdaman ko...pilit kong iniwasan ang mga titig niya kahit na sinisigaw ng puso ko ang tunay na nararamdaman ko habang punong puno naman ng katanungan ang sigaw ng isip ko.

"Wag mo ng sagutin" pag iwas ko...tama hindi naman ako si khyle para mahalin si Setong! hindi ako magpapakaimpostor! hindi ko siya mahal! guni guni ko lamang ang lahat ng ito!

"Khyle...." tatayo sana ko pero napatigil ako.

"Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko" dagdag ni Setong.

"Ayos lang" sagot ko.

"Pero kasi...gusto kita....hindi ko alam kung bakit pero gusto kita totoo yun! gusto kitang makasama gusto kitang araw araw makita yung para bang ayaw kong matapos ang isang araw ng hindi man lang kita nakakausap o nakikita? hindi ko din maipaliwanag pero yun ang totoo"

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon