Chapter 48: Forgive

96 2 0
                                    

             Wala naman akong nakikitang mali sa paglantad ko sa media, malamang kailangan makilala ng lahat ng tao sa bansang ito kung sino ang kinikilala nilang prinsipe at Oo, hindi ako ang nilalang na yun pero alam kong babalik at babalik din si Jharo, hindi niya maaring takasan ang lahat ng responsibilidad niya...alam kung pupunta siya sa mismong koronasyon.

"Jharo" nagulat ako nang katukin ako ng reyna.

"Bakit po?" ngayun lang kami ulit makakapag usap hayss kailangan kong humingi ng paumanhin sa nagawa ko.

"Maari ba kitang makausap?" tugon nito at pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Tungkol saan po ba?"

"Anak, natutuwa lang naman ako dahil sa nakikita ko magiging mahusay kang hari gaya ng iyong ama"


"Salamat" mahinang sagot ko.

"Ah...Jharo kung masama pa din ang loob mo..."

"Hindi...Hindi ko na din problema kung dadating ang araw at lolokohin niya lang din kayo isa pa desisyon niyo yan...paumanhin, ginagalang ko naman ang desisyon niyo" casual na sagot ko.

"Anak...patawad" Niyakap ako ng reyna...minsan naisip ko na napakabait ng ina ni Jharo at kaya niya nagawa ang pakikipag relasyon kay Francis ay dahil sa nalulungkot na siyang mag isa hmm pero bakit ganun? si Setong? matagal ng wala si Mark pero hanggang ngayun siya pa din ang mahal ni Setong kung sa bagay...alam ko magbabago pa yun balang araw.

O______________O!!! Oo nga pala! paano kung mahulog na siya kay....hindi! hindi naman siguro at hindi maaring mahulog ang loob niya kay Jharo isa pa...inis na inis siya kay Jharo tsk! imposeible! pero bakit ganito? bakit pumapasok sa isip ko ang mga ganitong bagay? dahil ba inagaw at inangkin na ni Jharo ang buhay ko? kung ganun pati si Setong?? hindi ako papayag! umisip ka ng paraan Khyle! isip! isip!

"Ah...Jharo ayus ka lang ba?" natulala ako...

"O-Opo naman" mahinang sagot ko sa reyna.

-----------

            Maaga kong gumising hmm isang napaka gandang araw medyo nakakapanibago dahil hindi na larawan ni Mark ang nasisilayan ko pagmulat ng aking mata kung di.....

"Setong!!!!" nako bunganga nanaman pala ni Tita Ellyn haysss ang ganda ng gising ko eh panira talaga!!!

"Bakit po?????" hiyaw ko.

"Nandito si Khyle " sagot nito!!!

Hmmm Ano raw??

Teka loading ...processing!!! ahahaha

^____^  tama ba dinig ko??? agad akong naghilamos at nagayos...

"Khyle?" 

"Magandang umaga Setong ahmm pasensiya na napaaga yata ako" 

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon