"Hindi mo ko malilinlang Jharo...alam kong isa sa inyo ng Jharo na nasa palasyo ngayon ay impostor!" sagot ni Francis...marahil naka balik na si Jharo sa palasyo...nakabalik na ang aking kapatid.
"Kung ganun ikaw nga ang nasa likod ng lahat ng ito.....tama ang kutob ko hindi pa din nag babago ang plano mo....hanggang ngayon ba naman ay nais mo pa din agawin ang trono ng aking ama? Nagtagumpay kang mabilog ang isipan ng aking ina ngunit hindi ako." tugon ko.
"Paanong...." Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Marahil iniisip mo kung paano ko nalalaman ang lahat ng ito....wag kang mag alala hindi si Aleonah ang nagsabi saakin at lalong hindi din ang aking ina sapagkat alam kong hindi niya alam ang tunay na layunin mo."
"Kung ikaw ang tunay na Jharo kailangan na kitang tapusin ngayon....madaling kong mapapatunayan na impostor ang isang Jharo na nasa palasyo."sampit ni Francis.
"Paano kung sabihin ko sayong na ang tunay na Jharo mismo ang nasa palasyo? Alam mo Francis...damang dama ko na namalapit ka ng bumaksan gaya ng monorkiya mo paanong hindi babagsak ang iyong bansa kung ang mga namumuno dito ay isang malaking kahihiyan ano nalang sasabihin ng lahat ng tao kapag nalaman nila ang lahat ng iyong binabalak?" sabi ko.
"Hindi mo ko madadaan sa mga pinagsasabi mo Jharo!"
"Bakit? Sa tingin mo igagalang ka pa ng lahat pag nabatid nila na isa kang masamang prinsipe? Paano kapag nalaman ng lahat ang pinaka malaking lihim mo?"
"Anong pinag sasasabi mo?" pagtanggi ni Francis.
"Marahil hanggang ngayon ay hindi pa alam ng reyna na ginagamit mo lamang siya upang maging hari ng aking bansa...napaka galing mong magbalat-kayo kaya naman pala napaibig mo ang aking ina at nag tagumpay ka sa pag kitil ng buhay ng aking ama! Nga pala batid ko na hindi mag papakasal si Jharo sa kasintahan mong si Aleonah at ganun din ang mangyayari saaking ina gagawa at gagawa ako ng paraan upang hindi ka mapakasalan ng aking ina."
"Paano ka gagawa ng paraan? Kung tatapusin ko na ang buhay mo!" hiyaw ni Francis
"Ilang beses mo pa balak kitilin ang aking buhay Francis? Alam kung may kinalaman ka sa nangyaring kaguluhan sa koronasyon bakit? Sablay ba ang sniper na inutusan mo? Kaya pinadakip mo nalang ako upang kitilin? Hindi ka pa ba masaya na minsan mo na kong pinatay?"
"Manahimik ka!" Hiyaw ni Francis "Kaya kitang patayin kahit ilang beses ko pang gustuhin hanggang sa malagutan ka na ng tuluyan ng hininga!" dagdag pa nito.
"Gawin mo! Hindi ako natatakot sayo" pang aasar ko at tinutukan niya ko ng baril.
"Masyado ka yatang nag mamadali Francis!" biglang sulpot ni Aleonah sabi na nga ba hanggang ngayon ay nililinlang pa din nilang dalawa ang isipan ng aking ina!
"Ano't naparito ka! Wala bang nakasunod sayo?" napatigil si Francis.
"Hindi mo kailangan mag madali Francis sapagkat kailangan malaman muna natin ang lokasyon ng kayamanan ng Hari ng bansa." Sagot ni Aleonah
"Bakit ka pumunta dito hindi mo ba alam na baka nasundan ka!"
"Francis, wag kang mabahala sapagkat malinis ako gumalaw hindi kagaya mo na puro kapalpakan...so sino ang lalaking ito? Siya ba ang impostor o ang tunay na Hari?" sabi ni Aleonah...batid na nila na dalawang Jharo ang umaaligid sa palasyo at ang mukhang ito ang nagligtas ngayon sa aking kapatid ngunit hindi pa ko nakakatiyak alam kong may balak pa din sila kay Jharo sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Searching the Casanova's Prince
Fiksi RemajaNot everything will stay, Even some memories will fade away. But you are the one who will choose your way. It's either facing the nightmare of the past or accepting the present and move forward. Indeed, everything is hard... But the search is not ov...