BFF 28

1.1K 39 0
                                    

"Tara, kain na tayo?" ang galing talaga mang alaska ng asong to!

"Mauna ka na hindi pa ako gutom."

at katahimikan...

bru - bru - bru

Tinig ng tiyan ko na sobrang gutom na. Haaaays! Bad trip! Bakit kasi ngayon pa siya tumunog!

Nakita ko naman ang sobrang lapad na ngiti ni Brian na malapit na siyang matawa.

"Bakit ba!?" natawa lang siya ng bahagya.

"Tara na nga." hinigit na niya ako and carried me on his back.

Pagdating namin sa bahay may nakita akong pink na kotse sa labas. Baka may bisita? Sino naman kaya? Binaba ako ni Brian at nakita ko na nag iba ang reaction niya dito.

"May problema ka?" kasi sobrang seryoso ng mukha niya pero umiling lang siya. Bago paman ako makapaglakad uli pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Do you still remember the day na sinabi ko sayo na pupunta ang kapatid ko dito?" at tumango lang ako.

"And you know how I hated her, right?"  at naalala ko nga yun kasi sobrang bilis niya magpatakbo noon.

"Do you trust me?"

ting!

Para akong nabingi sa sinabi niya. Bakit ba sobrang ayaw niya sa babaeng yun eh kapatid naman niya? Wala akong sinagot dahil wala akong mahanap na dahilan kung bakit ko siya pagkakatiwalaan.

Habang naglalakad hanggang makapasok kami hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko alam kung kikiligin ba ako.

Nakita namin si yaya nay na may kausap na babae at nakatalikod ito sa amin. Kita ko ang kurba ng katawan nito at ang mataas na buhok nito. "Oh, andito na pala kayo iho." yaya nay. at lumingon ang babaeng sobrang puti at mamula mula ang pisngi at labi. Talagang ang ganda niya.

"Brian!" sigaw nito at naglakad papunta dito. Hinalikan niya ito sa pisngi pero pilit niyang inaagaw ang kamay ni Brian. Sobrang sakit nga ng kamay ko dahil ayaw bumitaw ni Brian.

"Its so good to see you. And who is she? your new maid?" dagdag nito. Okay! ikaw na maganda! alam ko na kung bakit ayaw ni Brian sa kanya.

"Lets talk outside Karen." sumenyas si Brian na doon muna ako kay yaya nay.

Nagpunta ako sa kusina at nakita kong nagluluto si yaya nay pero wala ng carrots sa ref kaya naupo nalang ako.

"Nay, sino po ba ang babae kanina?"

"Ah, si Mam Karen, kapatid ni Brian." yaya nay.

to be continued...

UNEXPECTED BESTFRIEND || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon