Sobrang pula ng mukha ko. Alam ko yun kasi parang nararamdaman ko ang dugo ko na nagsitakbuhan sa mukha ko. Ano ba nangyari sa akin at nagawa kong mag responde sa halik niya!? Haaaaaaaaaayss! Hindi ko na kaya pang magsungit kaya tumakbo na ako palabas.
"Iha saan ka pupunta?" yaya nay. dahil nakita niya akong tumatakbo palabas ng bahay.
"Papahangin lang po!" ako. at nagmadali akong lumabas at nag punta sa kung saan man ako ipadpad ng paa ko.
--Brian's POV--
I know she liked it. She is so cute ng mamula siya sa ginawa ko at ginawa niya. She was so musshy. Pero hindi ko pa alam kung sino ang lalaking sinasabi niya na gusto niya.
Lumabas na ako ng kwarto "Ano nangyari doon iho?" bungad tanog ni yaya nay.
Ngumiti lang ako na mukhang nakuha naman ni yaya nay kaya napatawa ito "Ang pilyo mo talaga iho at sana naman huwag na kayo mag away."
"Saan po siya ngayon?" Brian.
"Nako nagmadaling tumakbo palabas at walang tsinelas na suot." yaya nay.
Na naman? Naalala ko noon na nagkakilala sila ng tisoy na yun dahil wala din siyang tsinelas na suot. aniya ni Brian sa sarili ng maalala ang nakaraan.
Ang babaeng to grabeh talaga. Hindi ba niya alam ang salitang hangover at sakit ng katawan? Nagsimula akong maghanap sa likod bahay, from the swimming pool to the garden to the garage to the... tama!
I went to the nearest little forest malapit lang naman sa bahay. Nilakad ko iyon at masakit ang paa ko kahit pa may tsinelas ako dahil mabato ang entrance nito paano pa kaya ang babaeng naka paa lang?
"Samantha! Asan ka na!?" asan kaya nag susuot ang babaeng to? "Rabbit may malaking asong ulol dito!" naghanap ako hanggang sa makarating ako sa man-made lake dito. "Carrots." Brian. at nilapitan ko siya.
--Samantha's POV--
Nakayakap ako sa folded legs ko habang naka patong ang ulo sa mga ito. Staring at the lake made me see my reflection. Sobrang gulo ng buhok ko, black eyebags, at nangangamoy alak. Ang pangit ko naaaa! Hinalikan pa akong ng lalaking yun! How dare him! Pero gusto ko naman. Tsss! Haaaay. Siya pa lang naman ang unang lalaki na nahalikan ko ng ganoon eh. Kasalanan to ng lola ni Calvin. Opo, naalala ko na ang nangyari kagabi. Pilit ko talagang inalala.
May narinig akong tumawag sa pangalan ko at alam kong siya yun. Talagang imamasacre ko siyaaa! Pero sa totoo lang gutom na ako.
"Andito ka lang pala." at hingal na tumabi sa akin. Hindi ko siya pinansin at binaling ang tingin sa ibang direction. "Still thinking about the kiss?" Brian.
Kaya namula na naman ako. At may reason na ako para hindi tumingin sa kanya. KAKAHIYA!
"Kuneho, hindi ka pa ba gutom?" Brian. pero hindi parin ako sumagot. Nakita kong kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya baka may urgent meeting! tama! savior!
"Opo, sige po," kaya napatingin ako sa kanya "ihahatid ko po siya diyan pabalik. Oo nga po, sobrang lasing kagabi, tapos ayaw pa kumain..." Brian. parang kilala ko kung sino tumatawag sa kanya at alam kong ako ang sinusumbong niyaaaa!
Pilit kong inagaw ang phone niya "Hoy tama na! Please, wag mo akong isumbong. Brian, naman eeeh." ako. tapos binaba niya iyon at nag stone face na naman siya.
"Joke lang." Brian.
Alam mo ba yung feeling na galit ka na at sa sobrang galit mo hindi mo na alam kung ano gagawin mo para makaganti!? Kakainis talaga ang asong to! Talagang may mapapatay na ako!
to be continued...
Salamat nga po pala sa mga sumabaybay sa istorya ng kuneho at aso. haha joke lang. :D Seryosong usapan na, sobra sobrang thank you sa nag basa at nag vote dito! Sana po ay magustuhan niyo ito hanggang sa huli! 😘😘❤❤
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED BESTFRIEND || COMPLETED
RomanceNakilala ko siya sa pinaka AWKWARD na sandali. Mas nakilala ko rin siya sa pinaka HINDI INAASAHANG mga panahon. Hindi ko talaga inakala na magiging mag best friends kami, all I just know that in an instant BFF na kami. #1 Girlbestfriend (May 22, 20...