BFF 7

1.6K 51 1
                                    

Hmmm.. ang init ng unan ko. I'm actually hugging a pillow at sinisiksik ang ulo ko dito. Ang bangooo..

Teka.. mukhang wala na ako sa couch ah.

(0.-)

(-.0)

(0.0)

"Aaaaah!" napatago ako sa kumot dahil katabi ko si Brian kagabi pa?!

Napaupo siya at napakamot ng ulo "Ano ba ang problema? You did not like it?" Brian.

"Bakit ka nasa tabi ko?!" ako.

"Kasi gusto ko." napaka talaga ng lalaking to!

"Walang hiya ka talaga!" pinagsusuntok ko siya.

"Ah! aray! a-ano bah! Aray! Aw- a- ouch! Gusto mo naman aah! Hindi mo ba nagustohan?" at nag ngiting aso ang tsongo.

Lalaki ba tong babaeng to? lakas manuntok! sa isip ni Brian.

Tumigil na ako sa pagsuntok.

"Let's eat, gutom lang yan kasi nakatulog ka agad kagabi." Brian.

Tumayo siya but before he close the door "Or gusto mo ako ang breakfast mo?" binato ko ang unan timing lang nasara niya ang pintuan.

Napaka talaga ng taong to!

Naghakot ako ng mga gamit ko. Infairness dala niya lahat ng gamit ko. Nilagay ko sa isang maleta at bumaba na.

Nakita ko siyang nakaupo sa couch na tinulogan ko kagabi. Nagkakape ang mga aso? Pero dumaan ako sa harap niya.

"Saan ka pupunta?" Brian.

"Maghahanap ng matinong boyfriend!" ako.

"Gusto mo hatid na kita? Malayo pa ang main road dito." Brian.

I just stared at him badly. "Masunog ka sana diyan sa iniinom mong kape!"

Siya na nga ang nagpatay sa pangarap ko siya pa tong hindi marunong mag appreciate ng gandang katulad ko!

Naglakad na ako palabas. Tumambad ang sobrang laking lawn. Alam mo yung feeling na para kang nasa desert at hinahangin lang ang buhok mo?

Pero nagpatuloy parin ako.

"Hoy babae!" Brian.

Nagmadali akong maglakad.

"Wag mo akong sundan!" ako.

"You're pretty when you're angry." Brian.

Malapit na niya akong maabutan. Pero kahit anong bilis ko naabutan niya parin ako.

"Talagang tototohanin mo?" Brian. Narinig ko siya tumawa. "Andito na nga yung grasya oh!"

"Hindi ka grasya! Disgrasya ka! Babaerong aso!"

Nagulat ako ng kinarga niya ako na parang sako ng bigas.

"Ibaba mo ko aso ka!" ako.

"Wag ka malikot kung ayaw mo mahulog." Brian.

Asong gala na to! Aaaaargh!

"Ibaba mo nga ako sabi eh!" ako. Ang init ng sikat ng araw at sobrang kumukulo ang dugo ko sa taong to!

Gusto ko na umuwi at gawin ang mga ginagawa ko. Bakit pa kasi nila ako sinali sa gulong ito?! Now, I feel like nothing to Dad.

"Bakit ka natigil?" Brian. Niyugyog niya ang balikat niya "Buhay ka pa?" tapos tumigil siya sa paglalakad under this big tree.

"Oo!" pasigaw kong sabi. Dahil ito kay Dad. I wish tito was my true dad for sure hindi niya to gagawin sa akin.

"Buhay ka pa nga." tapos nilapag na niya ako. "Ano problema mo?"

"Ikaw!" then... my voice broke. "Bakit pa kasi kailangan ng ganito!?" pinagsusuntok ko ang dibdib niya at napaupo na ako sa damuhan.

"Hey." Brian.

"Wag mo ko ma hey hey! Kung di dahil sayo buhay pa sana pangarap ko!" ako.

"Ano ba pangarap mo?" Brian.

"Wala kang pake! Hindi tayo close!" iyak parin ako ng iyak but..

to be continued...

UNEXPECTED BESTFRIEND || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon