BFF 29

1.2K 45 10
                                    

"Kapatid?" talagang nagulat ako. Not because ngayon ko lang nalaman but ngayon lang nag sink in eh.

"Oo iha. Hindi dito lumaki si Karen kasi magkaiba ang ama nila pero iisa ang ina. Kaya nga sa isang taon bumubisita si Brian ng mga ilang buwan doon. Minsan naman si Karen ang nagpupunta dito. Ang pinakaayaw ko kung si mam Karen ang nagpupunta dito. Sobrang sama kasi ng batang iyan iha kaya mag ingat ka. Sa totoo nga iha may lihim na pagnanasa iyang si mam Karen kay Brian. Noon paman ay gusto na niya si Brian." natulala naman ako sa pinagsasabi ni yaya nay.

Iniba ko na lang ang topic kasi its getting in my nerves "Bakit wala na pong carrots sa ref?" at kinuha ang bowl ng pasas.

"Nako iha inalis ni mam Karen lahat kasi ayaw niya ng carrots."

aba! pero sa totoo lang I feel bad for myself kasi nakikisiksik ako dito. Pero hindi ko naman to gusto eh, si Brian may gusto nito.

"Aah, ganoon po ba?"

"Yes, I already threw them all in the trash." singit ni Karen "You can eat anything, right because you are just a maid here."

kanina pa siya ha!?

"Im not talking to you." pero kinokontrol ko lang ang sarili ko.

"Oh, you are a rude maid. Didnt you know that I am your boss here? Did Brian told you that?" at nag smile ng sobrang demonyo. Tapos kinuha nito ang pasas na kinakain ko.

"Hey, akin yan!" eh ako naman talaga kumuha noon.

"You are in my property, MAID."

talagang namumuro na tong babaeng to ha!? Asan na ba si Brian?

"Nay, asan po si Brian?"

"And now you are looking for my Brian?" tapos tinitigan niya ako ng masama "He is mine and mine alone so back off!" tinapik niya ang balikat ko kaya napa atras ako ng kaunti at inirapan ko siya.

"Nay, saan po si Henry?" at tumabi naman si Karen sa akin.

"Nasa rancho iha." yaya nay.

"Oh, better look for Henry because you are the same." Hindi ba niya alam na nasa harapan niya ang ina ni Henry? Walang respetong babae!

Lumabas na ako at nag hanap kay Henry sa rancho. Fortunately andoon siya.

"Henry!" tawag ko at lumapit sa kanya. "Nakita mo ba si Brian?"

"Kaaalis lang mam." Henry.

"Naku, Sam nalang itawag mo. hehe ganoon ba? Pwede mo ba akong ihatid sa bayan? May pupuntahan lang ako."

"Sige mam- Sam pala, kukunin ko lang po yung kotse." at tumakbo na paalis.

Hinimas ko si Samantha (yung kabayo po na katukayo ko) Asan na kaya si Brian? Bakit nawala siya agad? Sabi niya pagkatiwalaan ko siya? sabi ko sa sarili ko.

"Mam Samantha, tayo na po." Henry.

"Sam o Samantha nlang."

"Mam, hindi ko po kasi mawalawala hehe kasi nga asawa kayo ng best friend ko na amo ko." tapos ngumiti siya. Sige na nga! haha

Then we drove off. Hindi na ako nagpaalam kay yaya nay.

Gusto ko muna umalis. Para kasing ang sakit sa feeling. Ewan ko kung bakit. Baka dahil sa mga pinagsasabi nung Karen na yun. Hindi nga naman ako asawa ni Brian na aakuin ang property nito. Hindi din ako ka ano ano nila para maging close sa kanila. It seemed like nawala lahat ng english ko ng makaharap si Karen. Ngayon ko lang din napagtanto na wala nga pala kami ni Brian.

It was all a contract and now that the boss have returned kailangan ko na atang umalis.

to be continued...

UNEXPECTED BESTFRIEND || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon