Ako muna ang magkukwento. – Author
*****
Safi.
Yan ang tawag sa akin ni Kuya Gabby. Twins kami ngunit dahil hindi naming alam ni kuya sino ang nauna sa amin kaya mas gusto niyang tawagin ko siyang Kuya. 16 taong gulang na kami. Maliit pa lang kami ang ikwento ni Lola sa amin ay di na kami mapaghiwalay. Sabay kami kung kumain sa umaga, matulog, parehas ng hilig, ng ugali. Pinagkaiba lang naming habang lumalaki ay mabilis uminit ang ulo ni Kuya Gabby samantalang ako naman ay malakas ang topak. Pero kahit ganon ay nananatili pa rin ang pagiging magkapatid namin.
Nuong nasa sampung taong gulang pa lamang kami ay nasubok na ang aming pasensya ng mapa away ako.
FLASHBACK
"huhuhu.." iyak ko kasi may isang kumpol na mga bata ang nambabato ng bato sa akin dahil alam kong mahina ako minsan. Hindi ako pala imik at hindi lumalaban dahila ayaw ni Lolo na mapapa-away kami. Ng biglang nakita ni kuya gabby ang nangyari sa akin..
"Anong ginawa niyo sa kapatid ko huh?!!" sigaw ni kuya gabby na ikinagulat ko dahil tumigil lahat dahil sa galit na nangibabaw sa kanya. Tumigil ang oras, ang galaw ng mga tao at ng hayop. Nakita iyon nina Lolo at Lola kaya binuhat kami at pilit na pinapakalma si Kuya gabby.
"gabby.. apo.. kumalma ka.." sabi ni lola na may halong pag aalala..
"hindi na dapat sila lumalabas at nakikihalubilo sa iba.. ako na bahala sa kanya.." sabi naman ni Lolo ng bigla nitong tinuro ang hintuturo sa gitnang noo ni kuya. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi at kinikilos ng aming lolo at lola hanggang sa nahimatay si Kuya.
"Inalis mo ang alaala niya?" sabi ni Lola kay Lolo.
"Mas nararapat na rin yun kesa sa mas lalong mangibabaw ang galit niya. Masyado pang maaga para madiskubre nila na hindi sila normal na tao.." ang huling mga salitang narinig ko kay Lolo bago tuluyan akong mawalan ng malay..
Nagising ako na parehas kami nakahiga ni kuya gabby.
FLASHBACK ENDS
*****
UPDATE AGAD.. :)
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasyNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.