AUTHOR'S POV
Lumipas ang ilang araw at mas lalong pinatibay ang pamilya ng Hari at Reyna katulong ang mga kaibigan at mga estudyante sa Magic Empire ang kanilang mga kapangyarihan. Nagkaroon sila ng maliit na salo salo sa isa pang sikretong lugar sa Magic Empire na hindi alam ng kalaban. Gumawa naman ng sikretong daanan si Safiara sa tulong ng kanilang mga kaibigan.
--------
Isang umaga habang masayang nagkakainan ang mga estudyante sa kanilang canteen ay nakarinig sila ng malakas na kalabog sa labas ng Magic Empire.
"Walang lalabas, kami muna ni Safi." Sabi ni Gavi sa mga kaibigan.
"Pero baka kayo ang mas kailangan nila, kami na lang ang lalabas." Sabi naman ni Rose. Lumabas siya kasama sina Red at Ced. Di pa sila nangangalahati sa paglalakad ay...
"Nag crack na ang transparent shield ng Magic Empire. Dali punta na tayo sa kanila.!" sabi ni Ced.
Mabilis namang hinawakan ni Ced ang mga balikat ng mga kasam at saka nagteleport sa lugar ng mga kaibigan, nagtinginan at saka nagman nagteleport ang lahat sa tuktok ng Magic Empire kung saan nandoon ang Hari at Reyna.
"Ano ang dahilan at naparito kayo?" Nagtatakang tanong ni Gavi sa mga kaibigan ng anak nila.
"Nilulusob po ang ating lugar Mahal na Hari." Sabi ni Xyan na siya namang kinagulat ng mag asawa.
Nag chant muli ng mahika si Safiana at nag teleport silang lahat sa harap mismo ng kanilang kaharian. Doon na lamang nila napagtanto na isa itong babala dahil wala silang nakitang bakas na taga Dark Empire ang may pakana noon. Subalit mararamdaman pa rin ang mga maiitim na aura sa paligid na nalaman nila kay Ced.
Kinagabihan, tinipon nina Safiara at Gabby ang buong kaharian at inanunsyo ang isang matinding laban na magaganap.
"Mahal naming mga Empireans, Alam naman nating lahat ang nangyari kanina. Subalit hindi natin ito dapat ipagsawalang bahala. Kinakailangan namin ang tulong ng bawat isa. Maghanda tayo. Magpalakas. At ang pinaka layunin ngatin ay ang matalo sila. Ipangako ninyo na walang mamamatay sa ating lahat. May mga ibibigay kami na mga Healing Candy. Magagamit niyo iyan para mas mabilis natin matalo ang mga kalaban. Katahimikan para sa Magis Empire. At kaayusan. Iyan ang pinaka layunin na hanggang ngayon ay sinusunod pa rin mula noon hanggang sa mga susunod na panahon. Maraming Salamat Po." Mahabang pahayag ni Gabby sa lahat ng mga tao na nandoon ng gabing iyon.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasyNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.