CHAPTER 21 THE TRUTH BEHIND TWIN'S PARENTS

2.8K 58 1
                                    

Gav's POV

Nagkakagulo ngayon sa Magic Empire. At alam ko iyon dahil sa pakiramdam na namana ko sa aking mga magulang ngunit hindi ko maintindihan bakit may dugo akong masama kahit hindi naman talaga ako kabilang sa mundo ng Masasama. Nagpasya akong tumakas sa pagkakabihag sa akin ng mga taga Dark Empire at habang papalapit ako sa Magic Empire ay bumabalik ang aking lakas lalo nang makita kong buhay ang aking kabiyak. Ang Reyna ng Magic Empire.

Nakatulala ang tatlong tao sa aking harapan ng ako ay mas lalo pang lumapit.

"Mahal kong asawa... Buhay ka.. Salamat sa Diyos.." Sambit ko sa aking Mahal na Reyna habang tulala pa din sila maski ang tao sa paligid.

Nawala ang pagkatulala ng kambal ng maintindihan nila na ang lalaki sa harap nila na may matikas na pangangatawan ay ang kanilang Ama.

"Papaaaaaa!!!" Sigaw ng kambal sabay yakap sa Amang matagal na nilang hindi nakikita.

Isang malakas na palakpak ang ginawa ni Gabby kaya bumalik sa ulirat ang mga taong nakapanood sa kanila at saka nagdiwang ngunit pinutol iyon ni Gavi at sinabing..

"Huwag muna tayong magsaya. Nararamdaman kong may paparating pang laban. Huwag tayo pakampante." Sabi niya sa lahat.

Sabay sabay naman na nagtinginan ang magkakaibigan na pawang iisa ang mga nasa isipan.

"Huwag po kayong mag alala Papa, mas magpapalakas pa kami at ngayong kasama na po namin kayo, mas lalakas pa tayo." Sabi ni Safi ng buo ang loob.

"Uhh.. Pa, ano po bang nangyari sa inyo ni Mama?" Seryosong sabi ni Gabby sa Ama. Sumeryoso naman ang mukha ni Gavi sa tanong na iyon sabay lumungkot.

- - -

Lumipas ang ilang minuto ay naging maayos na ulit ang lahat sa Magic Empire. Nasa tower naman ang mag a-ama kasama ang mga kaibigan ng anak nila.

"Sige na Gavi, Simulan mo na ikwento sa mga bata ang nangyari nuon." Sabi ni Mama Safi kay Papa Gavi.

(ANG MGA NAKA ITALIC AY ANG KWENTO)

"Noong panahon pa ng aming mga magulang ay may mga magkakaibigan. Sina Felix, Gellie, Jay at Sally. Nagkaroon ng mabuting pagkakaunawaan sina Gellie at Jay ngunit isang araw ay magulang na lamang ang magkakaibigan dahil sa inasal ni Gellie. Laging nahihilo at kung ano ano ang gustong kainin. Lumipas ang isang buwan at nalaman nilang buntis ito at si Felix ang Ama. Ang pamilya nina Jay at Sally ang may ari ng Liviano Empire, ang Dark Empire na ngayon. Noong panahon na iyon ang Liviano Empire ang panagalawang tahanan ng mga nag aral dito sa ating Empire. Ngunit dahil sa pangyayaring iyon, nagkaroon na ng maraming giyera. Noong pinanganak ni Gellie si Safianna, ang inyong Ina ay nilusob ang kanilang lugar. Hanggang sa lumipas ang limang taon, nagsimula ng panibagong buhay ang Mama niyo kasama ang kaniyang mga magulang. Noong nakarating dito ang Mama ninyo ay nakilala ko siya. Ngunit hindi pa din nawawala ang mga hadlang sa aming pag iibigan. Nuong una ay pinagbawal pa ng aming mga magulang ang aming pag iibigan ngunit napunta din sa kasalan. Ilang taon ang lumipas, kayo ang naging bunga ng aming pagmamahalan. Ngunit hinadlangan muli ito ng aming magulang nang matuklasan nila na ako ay anak ng taga Liviano Empire na kinagulat ko din dahil hindi ko alam ang katotohanan na iyon. Isa akong Half-White, Half-Black. Pero malaki ang tiyansang mawala ang black ko, sa pamamagitan ng isang ritwal na ginawa ng mga magulang ni Safiana. Ngunit hindi iyon natuloy dahil nung nilusob ang Magic Empire, kinailangan ko kayong dalawa na isakripisyo. Kaya dinala kayo ng Lolo Felix at Lola Gellie niyo sa mundo ng mga tao. Hindi din sila normal na tao katulad niyo. Kapag napupunta sila sa mundo ng tao ay nagiging matanda sila ngunit dito sa Magic Empire, sila ang pinaka mataas na kinikilalang Reyna at Hari ng mga engkantada. May dugo silang engkanto/engkantada. Kaya lahat ng kapangyarihan na mayroon ang mga magulang namin, na mayroon din kayo. Makukuha niyo. Sa tamang panahon.."

"Ibig mo po bang sabihin Papa, maari at konektado ang lahat ng nangyayari ngayon sa nangyari noon?" Sabi naman ni Safi na biglang ikinagulat ng mag asawa.

"Ganun na nga Anak. Pero hindi pa tayo sigurado." Sabi ni Safiana sa Anak.

*****

#revisedcorrectionsfinalized #done

MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon