CHAPTER 10 GODS AND GODDESSES OF MAGICS

4.6K 113 0
                                    

SAFI'S POV

Grabe nakakapagod ang araw na ito. Ngunit mas kailangan ko palang maghanda sa mga mangyayari sa mga susunod na araw. Kaya kahit kinakabahan ako ay pilit ko itong nilalabanan para di nila mahalata na ako ay natatakot sa kahihinatnan ng lahat. Naka ayos na ako para matulog ngunit tila di pa ako dinadapuan ng antok. Hanggang sa ako ay napapikit.

"Safi..."

"Safiara.."

"Bakit di niya tayo naririnig?"

"Teka..."

"Despertarse.."

"Na-nasaan ako? Sino kayo?" Sabi ni Safi habang may mga sampu na tao sa harap niya. Ay hindi, hindi pala tao. Teka... pamilyar sila sa akin. Bakit ganun? Parang nakita ko na sila.

"Oras na para makilala mo kami.."

"Ako si Argen at siya si Oro, kambal kami katulad ninyong dalawa ni Gabby." Sabi ng isang diyosa (ata) na may kulay Silver na buhok at yung isa naman ay Gold.

"Kami ay ang Gods and Goddesses of Magics. Kailangan na naming magpakita sa iyo para ipagkaloob ang isang bagay na dapat mong tanggapin ng bukal sa iyong loob." Sabi ni Oro.

Pinalibutan si Safi ng may walong Gods at saka sinabi ang kanilang mga pangalan.

"Crudo, God of Nature."

"Azul, God of Water."

"Rojo, God of Fire."

"Marion, God of Wind."

"Rucio, God of Sound."

"Rosa, Goddess of Force."

"Let, Goddess of Lightning."

"Clara, Goddess of Ice."

May lumalabas na walong klaseng kulay sa katawan ng mga Gods at Goddesses, kasabay naman ito ay ang pag control at pag mamanipula nina Argen at Oro sa mga ito.

"Por la potencia que le hemos dado, foralecer sus habilidades spiritual y mental. Recibir este energia a medida que se convertira en uno del guerrero mas potente y apasianado unted sera."

Mangilang ulit narinig iyon ni Safi. Samantala nag aalalang nag uusap sina Iris, Rose at Ivy.

"Shit! Hindi ko mabuksan ang pintuan ng kwarto ni Safi." Sabi ni Iris na alalang alala na sa kasama.

"Sabihin na kaya natin kay Master Wayne?" Sabi naman ni Ivy.

"Huwaaaaaaaaaaaaaggg!!! Si... Si Gabby... Kailangan natin siya.." Suhestiyon naman ni Rose.

Pagkabukas na pagkabukas ni Rose ng pinto ay sakto namang nasa harapan ng pintuan ang mga lalaki.

"Anong nangyayari sa kapatid ko?" alalang tanong ni Gabby sa mga babae.

Kinuwento naman ni Rose ang lahat kay gabby, saglit silang natahimik at napukaw ang atensyon ng mag salita ang binata.

"Panahon na siguro para gawin ko ito.." Sabi ni Gabby na pinagtaka ng limang tao sa harap niya.

Itinapat niya ang kanyang kamay sa door knob ng kwarto ni Safi at iniikot ikot iyon. Tumagal ng dalawang minuto at nang mabuksan ay....

"Safiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!" Sigaw nilang lahat.

***** 

#revisedcorrectionsfinalized #done


MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon