Nagpahangin muna kami ni Kuya Gabby ng mga dalawang araw bago ang unang training namin, ay mali ako pala. Ngayon naman nandito kami ni Kuya kasama sina Flint at Xyan sa isang secret Underground ng Magic Empire at syempre kasama sina Red, Ced at Slater dahil iyon din ang bilin ni Master Wayne sa kanila. Nasa parteng gubat kami ng underground kung kaya't di mahihirapan si Xyan ipalabas ang kanyang kapangyarihan.
"Oh sige na magsisimula na kayo, dito lang kaming tatlo manunuod." Sabi ni Ced kina Flint at Xyan habang nakaupo sa itaas ng isang puno sina Red, Ced, Slater, Ced at Gabby.
"Kami muna Flint, sabihan kita pagtapos na kami ni Safi." – Xyan
"Magsisimula ako magpalabas ng kapangyarihan ko, at dahil ang iyong kakayahan ay ang kontrolin ang kahit anong kapangyarihan ng bawat nilalang dito sa lugar natin ay kailangan mo makontrol ang akin pati ang aking katawana. Kung gusto mo talaga magawa ito kailangan mo muna i-klaro ang iyong isipan saka mo lang magagawa ng tama ang gusto mong gawin. Focus, Safi and concentrate." Sabi ni Xyan kay Safi na ngayon ay nakapikit.
Ginawa naman ni safi ang sinabi sa kana ni Xyan. Pumikit siya at hinid siya nahirapan dahil natawag na niya ang Gods at Goddesses saka naman siya binulungan ni Crudo, ang God of Nature. Hindi man niya naintindihan ang nangyayari ay pumikit siya dahil sa hilo. Samantala nagulat ang magkakaibigang sina Red, Ced, Slater, Gabby at Flint sa nakikita nila. Nagkulay berde ang buhok ni Safi kasabay duon ay pati ang kay Gabby.
"Natawag na niya..." bulong ni Xyan.
Pagdilat ng dalaga ay nagpalabas si Xyan ng mga sanga na may dahin pero may mga tinik at sa isang kumpas ni Safi habang may matalim na tingin kay Xyan ay nakontrol niya agad ang kapangyarihan ni Xyan. Ilang minuto pa ang lumipas at nakontrol na rin niya si Xyan. Nag aalangan man pero sinubukan ni Xyan na kumawala sa pagkontrol sa kanya ni Safi.
"Gestionar..." Bulong ni Crud okay Safi kasabay nuon ay ang pag alis ni Crudo sa isipan ng dalaga.
Bumalik naman sa kanyang sarili si Safi ng hindi niya alam ang ginagawa dahil alam niyang kinokontrol lamang siya ni Crudo kanina. Hanggang sa naisip niya ang binulong sa kanya ni Crudo.
"Hindi ko siya pwedeng biguin." Sambit ng dalaga sa kanyang isipan. Kaya inisip niya na makokontrol niya si Xyan.
Contrate. Focus. Control.
Iyan ang mga nasa isip ni Safi. Nagulat naman ang apat na lalaking nasa itaas ng puno ng bumalik sa pagkasilver ang buhok ni Safi sabay kumpas ang dalaga ng kanyang kamay para mas lalong makontrol si Xyan. Nagulat naman ang apat na lalaki dahil sa mabilis na nakapunta si Gabby sa harap ng kambal pagkatapos ay...
"Tama na Safi.." Sabi ni Gabby habang ang isang daliri'y nakaturo sa pagitan ng mga kilay ngt dalaga. Ang sumunod na nangyari ay di inaasahan ng limang kalalakihan na kasama nila.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!" Sigaw ng kambal. Iyon na ang senyales na nakuha na ni Gabby ang mga lakas at kung paano natutuha ni Safi ang pagsubok na ginawa nila ng araw na iyon. Kasabay naman ng huling sigaw na narinig ng lima ang pagbagsak sa lupa ng dalawa. Mabilis naman na nakapunta sa kambal si Ced saka dinala sa clinic ang dalawa.
--- cont.
Samantala, hindi pa din nagigising ang kambal. Nang dumating naman si Nurse Lou.
"Kotang kota na sila ah, anong nangyari? Halos maubos ang kanilang enerhiya sa kanilang katawan lalo na si Safi." – Nurse Loe
Kinuwento naman iyon ni Xyan bagamat nanduon din naman ang apat na lalaking kasama niya ngunit tulala lamang sa mga nakita.
"Kailangan nila ng mahaba habang pahinga upang manumbalik ang kanilang lakas, sige alis muna ako Xyan." Pagpapaalam ni Nurse Lou kay Xyan.
Kaya lumipas ang isa hanggang dalawang araw pa bago bumalik sa pag eensayo ang kambal ngunit sa pagkakataong ito ay si Gabby naman at Flint. Dahil pagmamanipula ang kapangyarihan ni Gabby, iyon ang gagawin niya sa kapangyarihan ni Flint. Pumunta sila sa sagradong kwarto ng isang parte ng Magic Empire. May nakita si Flint na isang piyano at duon ay pumunta. Habang nakapikit si Gabby ay alam naman niyang kailangan lang niya magfocus. At mag isip ng malalim sa pwedeng mangyari. Sa kanyang mahaba habang pagpikit ay nakita naman niya si Rucio, ang God of Sound.
"Wag ka mag alala, papadaliin ko lang ito. Sa ngayon, *Sabay ngiti* pahiram muna ng katawan mo." Sabin i Rucio kay Gabby sa kanyang isipan.
Nagulat naman si Flint ng hindi na niya magalaw ang kanyang mga daliri ngunit nagagalaw pa nito ang katawan. Humugot pa ng panghinga ang binate ng subukan naman niyang itipa kahit isang daliri ay nakita niya ang sarili niyang wala na sa harap ng piyano. Tila natakot naman siya sa kanyang nakita ng magkulay gray ang buhok ni Gabby.
Samantala sa di kalayuan.
"Uhmm. Xyan nasaan si Flint at Kuya?" Pagtatanong ni Safi kay Xyan.
"Sa-safi ang buhok mo." Xyan
"Ba-bakit? Te-......" hindi na nakumpleto ni Safi ang sasabihin nang hatakin siya ni Xyan papunta sa kinaroroonan nina Gabby at Flint. Hingal na hingal namang nakarating ang dalawa sa lugar na ginanapan ng pagsasanay.
"*hoooh* Kailangan mo na mapatigil ang kuya mo safi, ikaw lang makakagwa niyan.." – Xyan to Safi.
Nang lapitan ni Safi si Gabby ay tumilapon naman si Safi.
"Saaaafiiiiiiiiiii!!!" Sigaw ni Xyan sabay takbo sa dalaga.
"Got you.." Xyan
Sa pagkakataong iyon ay di na nag-aksaya ng oras si Safi. Tinawag niya agad si Argen upang tulungan ang kanyang kapatid.
"Argen.. kailangan kita." Bulong ng dalaga sa sarili, kasabay nito ay ang malakas na enerhiyang nararamdaman ni Safi. Alam niyang hindi na siya ang nagkokontrol sa sarili kundi ang Goddess of Controlling Powers na.
"Rucio, umalis ka na sa katwan ni Gabby."
"Argen..wala na ako sa katawan ni Gabby.. Te-teka ano nangyayari?"
"Hindi niya kayang balansehin Rucio.."
Samantala, hinid na malaman nina Xyan at Flint ang gagawin dahil nagtutuos ang magkapatid kahit alam nilang hindi si Safi iyon.
"Detener.." Sabi ni Safi habang hawak sa lee gang kanyang Kuya Gabby ng biglang....
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!"
Silver Eyes, Gray Eyes, Nakakasilaw.
Kasabay nuon ay nahimatay sina Safi at Gabby.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasíaNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.