Gav POV
Nagkakagulo nuon sa Magic Empire. Hindi ko na alam ang aking gagawin hanggang sa napagpasyahan ko na dalhin sa mundo ng mga tao ang aming anak kapalit ay ang tuluyang pagkawasak ng aming mundi dahil iyon ang nasa propesiya ng panahong iyon. Pwede kami manirahang mag iina sa Magic Empire ngunit kailangan ko magsakripisyo alang alang sa mga anak ko. Pero hindi ko naman inakala na papatayin ni Zeus si Safiana, ang aking butihing asawa. At dahil duon ay nakuha ako ni Zeus. Lingid sa kaalaman niya ay di niya ako kayang kontrolin dahil sa aki ay isang taga Magic Empire, amg may air ng lugar na kalaban ng Dark Empire. Ngunit pawang mapait si Tadhana sa aming pamilya dahil nakuha ko ang isang parte ng pagkatao ng pamilya ko. Iyon ay ang galit na siyang kapag namayagpag ay iitim ang isang mata. Ngunit sa hinaba ng panahon na nandito ako sa Darl Empire ay di ko na alam kung buo na ba iyon, kung ano nangyari sa mga anak ko pero nakakasiguro ako na duon sila nag aaral sa tulong ng aking mga dragon na siyang naghahatid sa akin ng balita.
Kinuha ni Zeus ang buhay ng asawa ko kaya ang magiging kapalit ay buhay ng buong Dark Empire. Sa pagbulong ni Gav ay nagkulay itim ang kanyang isang mata.
"Oh nasaan na ba ang mga kasama mo? Ang babagal ninyo!!" Nanggagalaiting sabi ni Zeus sa tao sa kanyang harapan.
"Mas-master.. Pa-papunta n-na po si-sila.." Utal utal naman na sagot ni Verna. Ang isa sa kanyang limang malalakas na miyembro ng Dark Empire na kanyang mga alagad.
"Master pinapatawag niyo po kami." Sabi naman ni Wendy kasama sina Zion, Yra at Will.
"Mabuti naman at kumpleto na kayo. Gusto kong sirain ninyo ang barrier o shield ng Magic Empire. At saka niyo sirain ang pinaka maliit na parte na malapit sa gate. Naiintindihan niyo ba?!" Mala demonyong boses na sabi ni Zeus sa kanyang mga alagad.
Narinig naman iyon ni Gavi na nakakulong sa isang madilim na lugar. Kung kaya't may ginawa siya upang mabigyan ng warning ang mga taga Magic Empire.
Samantala sa Magic Empire. Habang prenteng naka upo sina Safi at Gabby sa harapan ng kanilang mga kaibigan ay bigla namang yumanig sa Magic Empire. Iyon ay ang pangalawang beses na naramdaman sa Magic Empire kung kaya't mabilis na lumabas sina Flint at Xyan at hindi nag aksaya ng oras pumunta agad sila kay Master Wayne upang kausapin ito.
"Huwag kayong mag alala, isa lamang ibig sabihin nito. May mangyayaring paglusob mula sa kalaban." Sabi ni Master Wayne habang hilot ang sentido nito.
Nagkatinginan naman ang magkakaibigan habang ang kambal ay nakikiramdam lamang hanggang sa .....
"Dark.....Dark Empire.." Sambit ni Gabby na kasabay ay ang pag itim ng isang mata nito. Nagulat naman sila sa nakita sa mata ni GAbby. Nakita naman iyon ni Master Wayne.
"Sumunod kayong lahat sa akin ngayon." Sabi ni Master Wayne saka naglakad kasama ang mga bata.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasyNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.