Matapos mahimatay si Ivy ay nataranta naman ang magkakaibigan maliban sina Safi at Gabby na tila hindi alam ang nangyari kay Ivy. Nagteleport si Ced sa Clinic habang kasama si Ivy samantalang ang ibang magkakaibgan ay papunta na din sa nasabing lugar. Nuong nanduon na sila ay...
"Xyan, Pwede mo bang ilabas muna sina Gabby at Safi?" Binigyan naman ni Nurse Yiel si Xyan ng makahulugang tingin at saka lumabas na hatak ang kambal.
Pagsarado ng pinto sa Clinic ay agad namang sumulpot si Master Wayne na ikinagulat ng lahat maliban kay Nurse Yiel.
"Master Wayne naman nakakagulat ka."
"Magsabi naman po kayo ginulat niyo kami."
Binasag naman ni Master Wayne ang katahimikan at binaling ang tingin kay Nurse Yiel na tila alam na ang susunod na gagawin sa nakahiga at natutulog na si Ivy. Inilapat ni Nurse Yiel ang kanyang hintuturo sa gilid na bahagi ng mata ni Ivy at...
"Propesiya.."
Isang boses lalaki naman ang lumabas sa bibig ni Nurse Yiel.
"Kukunin ko ang anak ko sa inyo."
"Maghintay lang kayo.."
"Hahahahahahahahhahah!!!"
Nagkatinginan naman ang magkakaibigan pagkatapos ng nangyari ay sinabihan ni Nurse Yiel na wag muna sasabihin sa kambal ang nangyari ng oras na iyon. Sinabihan naman ni Master Wayne sina Rose at Iris na magkakaroon ng isang secret training silang tatlo nina Gabby. Kailangan ma control ni Gabby ang kanyang galit. Tila nababahala naman sina Red, Slater at Ced dahil sa parang may inililihim si Master Wayne sa kanila.
Lumipas ang tatlong araw ay wala pa ring kaalam alam sina Safi at Gabby sa mga nangyayari sa paligid nila. Nagtetraining pa rin sina Rose, Iris at Gabby samantalang mahigpot na binabantayan nina Xyan at Flint si Safi dahil na rin sa utos ni Master Wayne.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasíaNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.