Nag aaral kami ni kuya sa isang public school dito sa St. Daniels Academy Institute di kalayuan sa aming tinitirhan. Nasa second year high school kami pareho at pareho ring magkasama sa iisang section. Sabay kaming naglalakad ng makaramdamn kami ng kakaiba sa paligid. Nagkatitigan pa kami ni Kuya Gabby dahil sa kakaibang enerhiyang nararamdaman namin pareho. Pinagsawalang kibo namin iyon kaya naman nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakarating naman kami sa aming room. Science subject iyon ngunit sobrang nakakatamad ang aming guro kung kaya't tumingnin ako sa may bintana at nagsawalang kibo sa nangyayar sa kwartong iyon.
Natapos ang dalawang oras at naglunch break na din. Papunta kami ni Kuya Gabby sa rooftop ng building namin ng may maramdaman akong may babato sa amin kaya naman mabilis akong nag isip at hinawakan ang braso ni kuya at magad na tumabi sa isang gilid.
"A-anong na-nangyari?" sabi ni Kuya Gabby sa akin.
Itinaas ko ang bato na dapat sana ay sa amin ni Kuya tatami.
"Sino naman kayang gagawa nito?" sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan ang batong kanina ko pa hawak.
"Ku-kuya ma-may lumalabas." Natatakot kong sabi kay Kuya Gabby.
Nang makita ni Habby ang bato ay kinuha niya ito at naging mas malinaw ang nasa bato. Black arrow na nagsasabi ng direksyon na kanilang pupuntahan. Napagdesisyunan naman ng dalawa na sundin ang nasa bato kung kaya sinusunod nila ang lumalabas dito. Dumiretso sila ng lakad pagkatapos ay kumaliwa, dumiretso muli at kumanan naman, hanggang sa napagtanto nilang papunta sila sa isang lumang kwarto na hindi na pinapagamit sa mga estudyante. Tumigil ang kambal sa harap mismo ng pinto.
"Ku-kuya.. Alis na tayo.." sabi ni Safi na tila takot na takot.
"Hindi safi. Papasok tayo. Huwag ka matakot. Nandito lang ako. Di kita iiwan." Pagkatapos sambitin ni Gabby iyon ay hinawakan ang kamay ng kapatid at pumasok sa pintuan. Agad naman silang hinigop ng isang malakas ng hangin paloob kaya napatili ang dalawa.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!" sigaw ng dalawa na tila takot na takot.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasyNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.